PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teen Scams Shoe Collector, Sells $1M Sneakers, No Refund

Teenager may reputasyon na isang fraudster and scam artist.
by KC Cordero
Published Jan 17, 2024
Photo of Nike Air Jordan 1 x Dior
Nagbayad ang lalaki ng kabuuang PHP1,118,210 para sa apat na pares ng Nike Air Jordan 1 x Dior sneakers at tatlong pares ng Nike Air Jordan 1 sneakers na iba’t iba ang kulay. Ang masaklap, may depekto na nga ang mga sapatos, hindi pa original.

Noong October 2023, isang lalaking hindi na pinangalanan ang naghain ng reklamo laban sa isang 17-year-old student at sa ama nito sa Victorian Civil and Administrative Tribunal (Vcat).

Lahat sila ay mga residente ng Melbourne, Australia

Humihingi ang lalaki, na napag-alaman na isang real-estate agent, ng refund para sa pitong pares ng sapatos na binili nito sa teenager.

Hindi basta-basta ang mga sapatos. Ang apat na pares dito ay ultra-rare limited edition mula sa Dior x Nike Air Jordan collaboration, kung saan 4,700 high-tops at 8,500 low-tops lang ang ipinagbenta sa customers—at sa pamamagitan pa ng raffle system.

Read: Lalaki, nagnakaw ng cologne: "Para i-spray sa sarili ko dahil ilang araw na akong walang ligo."

Photo of Nike Air Jordan 1 x Dior

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Why this photo is deemed "perfect shot" by NASA, netizens

Sa ulat ng news website na NDTV last January 4, 2024, ang lalaking nagreklamo ay nagbayad ng kabuuang PHP1,118,210 para sa apat na pares ng Nike Air Jordan 1 Dior sneakers at tatlong pares ng Nike Air Jordan 1 sneakers na iba’t iba ang kulay.

Pero nang matanggap niya ang mga sapatos, napansin niyang may mga depekto iyon at mukhang hindi original.

Kinontak niya agad ang seller para sa refund, pero hindi siya nakatanggap ng reply mula rito.

Ang ginawa niya, kinontak niya ang ama ng teenager.

Sinamahan naman siya ng ama nito sa isang local authenticator para ipakita ang mga sapatos.

Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue

Photo of Nike Air Jordan 1 x Dior

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Carmen Dell’Orefice: World’s oldest working model

Matapos suriin, sinabi ng local authenticator na peke ang mga sapatos.

Kinontra naman ito ng ama at sinabing ang store na nagbenta ng sapatos sa teenager ay authorized dealer.

Pero kilala pala ng local authenticator ang teenager, at ayon dito ay isa talaga itong "fraudster and scam artist."

Ipinagpilitan naman naman ama ng teenager na authentic ang mga sapatos.

Doon na nagsampa ang lalaki ng reklamo sa Vcat laban sa mag-ama para maisoli niya ang mga sapatos at mabawi ang kanyang pera.

Read: 13-year-old teenager pasok bilang Louis Vuitton intern dahil sa kanyang viral sketches

ANG DESISYON NG KORTE

Pero noong December 2023, sa desisyong inilabas ni Vcat member Katherine Metcalf, sinabi nito na hindi kasali sa bentahan ang ama ng teenager kaya hindi ito responsable sa refund.

Ang kasunduan umano ay nasa pagitan lang ng lalaki at ng teenager.

Pero dahil underage ang seller nang maganap ang bentahan ng mga sapatos, wala pa ito sa legal age para pumasok sa isang kontrata o maging responsable para sa refund sa ilalim ng Victorian state law.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 4-year-old boy gifts little girl with gold bar worth PHP835K as "engagement gift"

Para sa korte, ang mga sapatos—original o peke at anuman ang estado nito—ay considered sold.

Ayon pa sa bahagi ng desisyon ni Metcalf: "Had the agreement been entered into when [the seller] was 18 years old, the result might have been different.

"Whilst the law generally protects minors from the consequences of their own actions, it could be argued that in the present circumstances, it is not the minor who needs protection, but rather the people with whom he chose to do business."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbayad ang lalaki ng kabuuang PHP1,118,210 para sa apat na pares ng Nike Air Jordan 1 x Dior sneakers at tatlong pares ng Nike Air Jordan 1 sneakers na iba’t iba ang kulay. Ang masaklap, may depekto na nga ang mga sapatos, hindi pa original.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results