PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ambulansya, nalubak; sakay na bangkay, nabuhay

“It’s a miracle.”
by KC Cordero
Published Jan 17, 2024
Photo of sick Darshan Singh Brar, and an ambulance
Para sa pamilya ng 80 anyos na pumanaw na raw pero muling nabuhay matapos malubak ang ambulansyang pinagsakyan nito, isa itong milagro.

Ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam ni Darshan Singh Brar, 80, na residente ng Haryana, India.

Nagdesisyon ang isa niyang apo na dalhin na siya sa ospital na malapit sa kanyang tahanan.

Na-diagnose na meron siyang severe chest infection—na nagpalala sa kanyang pre-existing heart condition.

Nilagyan si Darshan ng ventilator para makahinga nang maayos.

Pero sa ikaapat na araw niya sa ospital, binawian na siya ng buhay.

Dito na nagsimula ang kakaibang kuwento.

Read: VIRAL: Boyfriend's tarpaulin for girlfriend on 2nd monthsary

Photo of Darshan Singh Brar in sickbed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 72-year-old actress, official candidate in Miss Universe Argentina-Buenos Aires 2024

Sa panayam kay Balwan Singh, isa sa mga apo ni Darshan, ng news website na NDTV last January 15, 2024, ipinagbigay-alam sa kanya ng isa niyang kapatid na pumanaw na ang kanilang lolo noong January 11.

Dagdag pa ni Balwan, sinundo ng kanyang kapatid ang mga labi ni Darshan gamit ang isang ambulansya para maisaayos ang paglilibing dito.

“We had informed our relatives and other local residents who knew him, and they had already gathered to mourn his passing.

“A tent had been set up and food had also been arranged for the mourners. We had also got wood for the cremation.”

Ani Balwan, may kakatwang nangyari habang naglalakbay ang ambulansyang pinagsakyan sa bangkay ni Darshan.

Habang tinutugpa ng ambulansya ang daan sa Kaithal, isang distrito sa Haryana, nalubak ito sa isang malalim na pothole.

Read: Lalaki, nagnakaw ng cologne: "Para i-spray sa sarili ko dahil ilang araw na akong walang ligo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of pothole

Read: VIP lounge for OFWs in NAIA Terminal 1 now open

Makalipas ang ilang sandali, napansin ng kapatid ni Balwan na nagbabantay sa bangkay ng kanilang lolo na gumagalaw ang isang kamay ni Darshan.

Hinawakan at pinulsuhan si Darshan.

Nagulat ang kapatid ni Balwan nang malamang may pulso na uli ang kanilang lolo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Agad nitong inutusan ang driver ng ambulansya na dumiretso sila sa pinakamalapit na ospital.

Doon ay kinumpirma ng mga doktor na umasikaso sa “bangkay” ni Darshan na buhay pa nga ito.

Read: Here's romantic true-to-life story about PHP299 engagement ring

Inilipat si Darshan sa isang mas malaking ospital para mas matingnan ang kalagayan nito.

Kritikal pa rin ang kanyang kondisyon, pero lumalaban siya para mabuhay.

Read: Carjacker hits Filipino couple driving home; tragedy leaves 6 kids orphaned

Ani Balwan, isang milagro na nabuhay muli ang kanyang lolo matapos malubak ang ambulansyang pinaglulanan sa bangkay nito.

“It is a miracle, now we are hoping that my grandfather recovers soon.

“Everyone who had gathered to mourn his death congratulated us, and we requested them to have the food we had arranged.

“It is God’s grace that he is now breathing, and we are hoping he will get better.”

Hindi naman makumpirma ng mga doktor na kasalukuyang tumitingin kay Darshan kung totoong namatay na ito dahil buhay na buhay pa raw ito nang madala sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin nila na “very serious” ang kondisyon ng octogenarian, pero nakakahinga na ito nang maayos kahit walang ventilator.

Read: Free cinematography course for college students, handog ng Mowelfund, FDCP, at CMB Films

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa pamilya ng 80 anyos na pumanaw na raw pero muling nabuhay matapos malubak ang ambulansyang pinagsakyan nito, isa itong milagro.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results