Idinemanda ng isang Turkish ang kanyang doktor dahil hindi naging matagumpay ang isinagawang penis enlargement surgery sa kanya.
Sa halip na lumaki, lumiit pa umano kanyang male organ nang one centimeter matapos ang operasyon.
Read: Shoe collector scammed by teenager who sold PHP1M worth of sneakers; will not get refund
Si Ilter, isang banker mula sa Tekirdag, Turkey, ay humihingi ng US$16,500 (PHP893,048) danyos mula sa nag-opera sa kanya na si Dr. Haluk Soylemez.
Sa ulat ng news website na The Sun noong January 17, 2024, ipinangako umano ng doktor kay Ilter na mas hahaba ang kanyang penis ng three centimeters o mahigit one inch.
Dalawang beses siyang sumailalim sa operasyon.
Read: "Introvert" influencer posts about buying all cinema seats; draws mixed reactions

Read: Ambulansya, nalubak; sakay na bangkay, nabuhay
Pero ang resulta, nabawasan pa ng one centimeter ang orihinal na sukat, at napuno pa ng peklat.
Ayon pa sa salaysay ng abogado ni Ilter sa huwes ng 1st Civil Court of First Instance, napakasakit ng naging procedure at mahigit isang buwan na hindi nakalakad ang banker.
Read: Lalaki, nagnakaw ng cologne: "Para i-spray sa sarili ko dahil ilang araw na akong walang ligo."
Sa isinumiteng mga dokumento ng abogado ni Ilter, una siyang sumailalim sa operasyon sa clinic ni Dr. Soylemez noong January 2022.
Ang usapan nila, madadagdagan ng 1.1 inches ang size at girth ng 4.7-inch organ.
Pero habang nagpapagaling, nakaranas si Ilter ng pagdurugo kaya sinabi niya iyon kay Dr. Soylemez.
Pagkatapos ng check-up ay nag-schedule ng panibagong operasyon.
Ayon kay Ilter, napakasakit ng ikalawang operasyon, at hindi siya nakalakad nang maayos.
At sa kabila ang sakit at hirap na pinagdaanan niya, hindi natupad ang ipinangako ng doktor sa kanya.
Read: Why this photo is deemed "perfect shot" by NASA, netizens

Read: PEP OUTTAKES: No to another Mali, "the loneliest elephant in the world"!
Kinontra naman ni Dr. Soylemez ang claim ni Ilter.
Wala umano itong ginawang mali sa pag-oopera sa banker.
Ang problema aniya ay nasa anatomical structure ni Ilter, kaya nag-fail ang enlargement procedure—pero hindi naman nabawasan ang sukat.
Dagdag pa ng doktor, hindi siya nagbigay ng anumang commitment kay Ilter kung gaano kalaki ang maidadagdag sa sex organ nito.
Akusa pa ng doktor, hindi makatarungan ang halagang hinihingi ni Ilter bilang danyos perhuwisyo.
Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue
Patuloy hanggang ngayon ang pagdinig sa isinampang kaso ni Ilter laban kay Dr. Soylemez.
Read: Lalaki natuklasan ang masakit na katotohanan sa pagbunot sa apat niyang ngipin
