PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Limang babae na nabuntis ng rapper, sabay-sabay ang baby shower

“Untraditional family”
by KC Cordero
Published Jan 22, 2024
Zeddy Will's and his five pregnant women
Tanggap ng limang babaeng nabuntis ni Zeddy Will ang kanilang kakaibang sitwasyon. Mabuti na raw ang ganito “...because it is better for the little ones to grow up in a big family.”

Kakaibang baby shower ang idinaos ng soon-to-be daddy na si Zeddy Will, 22, isang musician na base sa New York City.

Pinagsabay-sabay na niya sa isang okasyon ang baby shower para sa limang babae na kanyang nabuntis.

Ginanap ito noong January 14, 2024.

Isang partner ni Zeddy, si Lizzy Ashliegh, 29, ang nagpatotoo na sama-sama talaga silang soon-to-be mommies sa ginanap na baby shower.

Ibinahagi pa niya sa social media ang party invitation para sa ginanap na okasyon.

Nag-pose din sa isang photo sina Zeddy at Ashlieh sa imbitasyon na may nakasulat na: "Welcome little Zeddy Wills 1-5."

Read: Here's romantic true-to-life story about PHP299 engagement ring

Screenshot from Ashliegh's post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP OUTTAKES: No to another Mali, "the loneliest elephant in the world"!

Ang isang naka-post na video ay nilagyan ni Ashliegh ng caption na, "I guess we're Sister Wives now."

Nag-post pa siya ng photo ng kanilang “untraditional family” na kuha sa labas ng venue na pinagdausan ng party.

Sa isa pang photo ay ipinakita ni Ashliegh ang mga kapwa niya mommy na sina Bonnie B, Kay Merie, Jylene Vila, at Iyanla Kalifa Galletti.

Ayon kay Ashliegh, tinanggap nilang lima ang isa’t isa “...because it is better for the little ones to grow up in a big family.”

Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue

Screenshot from Ashliegh's post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: HOT TOPIC: Babae, inokray dahil nagkakamay kumain; "unhygienic" nga ba?

Ang caption niya sa photo na kasama ang apat pang buntis, "Look at our beautiful family! We love our Baby Daddy! We will not ruin our babies' lives! Our families have accepted this!"

Ayon kay Shawn Prez, co-manager ni Zedd: "Society has shifted, and in turn so has modern relationship dynamics.

“The essence lies in redefining relationships personally, breaking away from the one-size-fits-all approach and societal pressures to conform."

Makikita rin sa video ng baby shower na ang limang moms-to-be ay sumasayaw at kumakain. Obvious din na enjoy sila sa kanilang bonding.

Read: Meet Gabriel Attal, France’s youngest and openly gay prime minister

Screenshot from Ashliegh's post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jealous husband rips apart OFW wife’s passport and plane ticket at NAIA

Hindi naman pabor ang karamihan ng netizens sa pagpasok ni Zeddy at ng limang babae sa ganitong unconventional life.

Komento ng isa sa video ni Ashliegh, "That's embarrassing, not going to lie."

“Gross” naman ang obserbasyon ng isa sa sitwasyon.

Mayroon ding hindi naniniwala na totoong nangyayari ang relasyon at sitwasyon ni Zeddy sa limang babae.

Sumikat si Zeddy sa social media dahil sa kanyang rap rendition ng classic songs.

Noong una ay gumagawa lang siya ng TikTok videos ng kanyang mga rap, hanggang sa umabot sa milyun-milyon ang kanyang followers.

Read: VIRAL: Boyfriend's tarpaulin for girlfriend on 2nd monthsary

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanggap ng limang babaeng nabuntis ni Zeddy Will ang kanilang kakaibang sitwasyon. Mabuti na raw ang ganito “...because it is better for the little ones to grow up in a big family.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results