Dumalo si Mateus Facio, 21, ng party sa Cabo Frio, Brazil, last December 31, 2023 nang makarinig siya ng malakas na ingay.
Parang may pumutok sa bandang ulo niya.
Nakaramdam din siya ng matinding sakit.
Instinctively, kinapa niya ang kanyang ulo. Nalaman niyang nagdurugo iyon.
Nagkataon na may isang doktor sa grupo ng mga nagpa-party, at nagawan nito ng paraang malapatan ng first aid ang sugat sa ulo ni Mateus at mapahinto ang pagdurugo.
Dahil sa sobrang taas ng energy at kasayahan sa party, buong akala ni Mateus ay may naghagis lang ng bato at sa kanyang ulo tumama.
Para mawala ang sakit na dulot ng sugat, nilagyan lang niya iyon ng yelo.
Ipinagpatuloy niya ang pagpa-party at pagsalubong sa New Year kasama ang mga kaibigan.
Read: Rapper na nakabuntis ng limang babae, pinagsabay-sabay ang baby shower
Read: Kambal nagtapos bilang class valedictorian at salutatorian

Si Mateus Facio, ang Brazilian na tinamaan ng bala sa ulo, ay makikitang nakatayo sa likod, bandang kanan. Instagram photo owned by Mateus.
Kinabukasan ay tuloy ang party, at may swimming pa—na dinaluhan pa rin ni Mateus kahit may sugat siya sa ulo.
Nang uwian na, nakapagmaneho pa siya ng 300 kilometers pauwi sa kanyang tahanan sa Juiz de Fora.
Noong January 3, 2024, nag-report si Mateus sa kanyang trabaho.
Kinahapunan ay bumiyahe siya sa Rio de Janeiro para makipag-party muli sa mga kaibigan.
Read: Samsung inilunsad ang Galaxy S24 series na may AI features
Pagsapit ng January 4, bandang hapon, unti-unti niyang naramdaman na may mali sa kanya.
Natulog kasi siya, pero paggising ay nakaramdam ng panghihina ang kanyang kaliwang kamay.
Naigagalaw naman niya, pero kakatwang wala siyang lakas para dumampot ng kahit anong bagay.
Naobserbahan din niyang hindi coordinated ang kilos ng kanyang kaliwang kamay at ang iniisip niyang gawin nito.
Dahil sa takot, agad siyang nagbihis at dumiretso sa malapit na ospital.
Read: Lalaki sumailalim sa dalawang "enlargement" surgeries, idinemanda ang doktor dahil lumiit

Mateus habang nakahiga sa ospital. Instagram photo owned by Mateus.
Read: Original copy ng The Amazing Spider-Man issue No. 1 comic book, nabenta ng PHP84M
Ikinuwento ni Mateus sa mga doktor na umasikaso sa kanya ang tungkol sa inakala niyang batong tumama sa kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang pagkasugat.
Isinalang siya sa CT scan.
Doon na natuklasang bala ng baril at hindi bato ang tumama sa kanyang ulo—at nakabaon pa roon ang slug.
Ipinaliwanag ng mga doktor kay Mateus at sa kanyang pamilya na ang bala na mula sa 9mm caliber ay kailangang tanggalin.
Bagaman at nakabaon ito sa bahagi ng ulo niyang hindi naman panganib sa kanyang utak, pagmumulan ito ng seryosong problema pag nagtagal.
Dalawang oras sumailalim si Mateus sa delikadong operasyon na posible niyang ikamatay dahil puwedeng maging sanhi ng brain bleeding at brain fluid leakage.
Read: Sari-sari store at karinderya sa Marikina City, exempted sa business tax, permit fees

Read: Shoe collector scammed by teenager who sold PHP1M worth of sneakers; will not get refund
Naging matagumpay naman ang operasyon.
Ang kakatwang nangyari kay Mateus ay ibinalita ito ng Brazilian TV show na Jornal Nacional noong January 21.
Ayon sa ina ni Mateus na si Luciana, “The doctors and nurses who saw Mateus there almost couldn’t believe it.
“For a person to spend four days with a bullet in the head and not feel anything is inexplicable. He was born again. We can celebrate Matthew’s birth twice.”
Read: "Introvert" influencer posts about buying all cinema seats; draws mixed reactions
Pahayag naman ng isa sa mga doktor ni Mateus, kung mas bumaon pa nang konti ang bala sa ulo niya, mas seryoso ang kanyang kasasapitan.
Aminado rin ang doktor na risky ang isinagawang operasyon kay Mateus.
At dahil matagumpay ang operasyon, matapos ang isang buwan ay maaari na uli niyang gawin ang mga bagay na dati niyang ginagawa—kabilang ang pag-aaral, pagtatrabaho, at pagpa-party.
Dahil naman sa insidente, plano ngayon ni Flavio na kumuha ng medisina at maging doktor.
Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung sino ang nagpaputok ng baril.
Read: Ambulansya, nalubak; sakay na bangkay, nabuhay
