Isang babaeng Canadian na hindi na pinangalanan ang naka-jackpot nang aksidenteng makakita ng sobrang mahal at very rare na Rolex watch sa kanyang biniling sofa.
Ang sofa ay nabili lang niya sa isang thrift store sa halagang US$25 o PHP1,406.84.
Sobrang luma na ng upuan. May mga punit na ang upholstery, at may butas na rin ang mga foam.
Pero may hidden treasure pala rito.
Read: Fast-food worker never missed a day of work in 27 years; receives donation worth PHP25.7M
Sa ulat ng SupercarBlondie, isang cars, tech, luxury and gaming website noong December 22, 2023, habang nanonood ang babae ng TV ay dumulas ang kanyang smartphone mula sa kanyang bulsa, at nahulog sa isang butas ng sofa.
Nang kapain niya iyon, ang nakuha niya ay isang relong Rolex.

Dahil kabisado niya ang presyo ng relo, alam niyang hindi iyon pag-aari ng sinuman sa kanyang pamilya.
Tumawag siya sa thrift store, at itinanong kung may naghahanap ng relo mula sa ibinentang lumang sofa.
Wala, ayon sa nakausap niya.
Read: Lalaki hindi alam na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo, 4 days pang nakapag-party
Na-curious siya sa Rolex, at nagsimula siyang mag-research tungkol sa model nito.
Nagulat siya sa mga nalaman.
Rare iteration pala iyon ng Paul Newman Daytona 6241, na pinakahinahanap ng mga kolektor sa pre-owned market.
Ang Rolex na hawak niya ayon sa kanyang na-research ay 1966 model, at isa ito sa 3,000 piraso na na-produce ng luxury watch brand.
Ang presyo sa pre-owned market: pinakamababa na ang US$250,000 o PHP14,068,375.
Read: Kambal nagtapos bilang class valedictorian at salutatorian
Eventually, naibenta ng babae ang relo sa isang Rolex reseller sa halagang US$250,000.
Mas mataas ito ng 10,000 times kumpara sa US$25 na ibinayad niya para sa lumang sofa.
Ang Rolex Daytona, na isinunod sa pangalan ng isang car race, ang itinuturing na “hottest Rolex model” sa kasalukuyan.

Nakakuha rin ng legendary status ang naturang watch model noong 2017 matapos mabenta ang personal na pag-aaring Rolex Daytona ng Hollywood actor na si Paul Newman sa nakalululang presyo na US$17.75 million sa isang auction.
Read: Samsung inilunsad ang Galaxy S24 series na may AI features
Noong 2023, bahagyang bumaba ang presyo ng mga branded watches, pero nanatiling mataas ang sa Rolex Daytona dahil bihirang-bihira ang nagbebenta.
Paborito rin itong isuot ng mga international celebrities.

Kabilang sa mga ito sina Adam Levine, Kevin Hart, Post Malone, Mark Wahlberg, Steve Harvey, Sylvester Stallone; pati mga sports personalities na sina David Beckham at Cristiano Ronaldo.
Locally, may Rolex Daytona sa watch collection ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, Sharon Cuneta, at Gretchen Barretto.
Read: Sharon Cuneta shows fans select pieces from her collection of Rolex, luxury watches
Ang pinakamurang Rolex Daytona na pre-owned model ay nasa US$50,000—o PHP 2,813,675.
Nang tanungin naman ang babae kung ano ang plano niya sa pinagbentahan sa Rolex Daytona, sinabi niyang bibili siya ng bahay at lupa, “...and will get a boob job.”
Read: Rapper na nakabuntis ng limang babae, pinagsabay-sabay ang baby shower
