Isang female Cocker Spaniel puppy ang natagpuan noong September 27, 2023, sa parking lot ng isang improvement and garden store sa United Kingdom.
Sadyang inabandona ang tuta.
Kinuha ito ng Greenacres Rescue sa parking lot, at dinala sa Langford Vets Small Animal Referral Hospital, na siyang nag-post sa Facebook tungkol sa anim na paa nito noong January 19, 2024.
Ibig sabihin, ang tuta ay may extra na dalawang paa sa likod niya.
Bukod dito, dalawa rin ang vulva o panlabas na bahagi ng ari nito.
Read: Lalaki hindi alam na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo, 4 days pang nakapag-party

Read: Kambal nagtapos bilang class valedictorian at salutatorian
Ayon kay Mikey Lawlor, staff ng Greenacres Rescue, ang tuta ay pinangalanang Ariel, na hango sa The Little Mermaid character.
Mukha raw kasing buntot ang extra legs nito.
Read: Samsung inilunsad ang Galaxy S24 series na may AI features

Read: Rapper na nakabuntis ng limang babae, pinagsabay-sabay ang baby shower
Ini-refer si Ariel sa mga espesyalista ng Langford Vets para mas masuri pa ang kalagayan.
Sumailalim din siya sa operasyon para matanggal ang kanyang extra legs.
Sa Facebook update ng Langford Vets, makikita ang larawan ni Ariel matapos ang operasyon.
Ang caption sa post, "The procedure went very well, and Ariel took it all in her stride
"Here she is pictured post-op with surgeons Aaron Lutchman and Ed Friend."
Read: Lalaki sumailalim sa dalawang "enlargement" surgeries, idinemanda ang doktor dahil lumiit

Read: Original copy ng The Amazing Spider-Man issue No. 1 comic book, nabenta ng PHP84M
Ibinahagi naman ni Dr. Lutchman na naisagawa ang operasyon dahil sa donasyon ng mga pet lovers sa iba't ibang panig ng mundo.
Nakalikom daw ang Langford Vets ng halos US$19,000—o PHP1,069,044.50.
Kuwento pa ni Dr. Lutchman, “She's bounced back, and she's a happy little dog, and we're hoping she's going to go on to lead a fabulous little life.”
Read: Shoe collector scammed by teenager who sold PHP1M worth of sneakers; will not get refund
Dagdag pa ng vet, maselan ang naging procedure kay Ariel kaya kinailangan ang multiple specialists para sa orthopedics, soft tissue surgery, anesthesia, at radiology.
Bago kasi ang operasyon, naobserbahan na hindi maayos ang pelvis ni Ariel.
Ang kanyang normal na paa sa likod—hindi ang panglima at pang-anim—ay walang muscle tone.
Inakala ng mga nag-opera na baka tanggalin na rin ang mga iyon at ang matitira na lang kay Ariel ay ang dalawang paa niya sa unahan.
"Thankfully that wasn't the case, though, as it's shown signs of having strengthened a lot in recent months," ani Dr. Lutchman.
Ang isinagawang procedure kay Ariel ay tumagal ng dalawang oras.
Kinabukasan, nagawa na niyang makalakad, kumain, at uminom.
Read: Sari-sari store at karinderya sa Marikina City, exempted sa business tax, permit fees
Sa ngayon ay may foster family na si Ariel sa West Wales—na posibleng maging forever home na rin niya.
Ilang linggo pa siyang isasailalim sa physiotherapy hanggang sa tuluyang gumaling.
Para kay Vicki Black, ang hospital director ng Langford Vets, si Ariel ay "complicated little dog" bago ito naoperahan.
"We are delighted such a lovely animal has recovered well from her surgery."
Read: "Introvert" influencer posts about buying all cinema seats; draws mixed reactions
