PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

CHECK THIS OUT: Tiger rice cooker na kayang magluto gamit ang diyaryo

Napatunayang efficient and effective nang lumindol sa Japan.
by KC Cordero
Published Jan 26, 2024
How to insert paper to the Tiger KMD-A100 rice cooker
Pinagtatawanan nang unang ilabas ang Tiger KMD-A100 rice cooker dahil hindi umano totoong kaya nitong magluto ng kanin na ang gatong lang ay nirolyong diyaryo. Nang lumindol sa Japan at nawalan ng kuryente, napatunayan na epektibo nga ang rice cooker.

Sa gitna ng natural disasters, isa sa pinakamalaking problema ang pagkakaroon ng sapat na pagkain para sa mga tao.

Kaya naman nang lumindol ng magnitude 7.6 sa Japan noong January 1, 2024, naging malaking tulong ang isang rice cooker na ginagamitan lang ng nakarolyong diyaryo bilang panggatong sa halip na gas o kuryente.

Ang modelo ng rice cooker ay Tiger KMD-A100 o Magic Kamado Rice.

Nang una itong ilunsad noong October 20, 2023, walang naniwala na puwedeng magluto ng malambot at maalsang kanin gamit lang ang ilang pahina ng diyaryo.

The Tiger KMD-A100 rice cooker

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Yogurt company offers PHP563K to people who can stay off phones for one month

Pero isang lalaking residente ng Noto Peninsula na hindi na pinangalanan ang nagpatunay na efficient and effective ang Tiger KMD-A100.

Ayon sa artikulong lumabas sa news website na Oddity Central last January 24, bumili ang lalaki ng naturang rice cooker summer of 2023.

Kolektor siya ng mga wacky products.

Nang i-deliver ang unit sa kanilang bahay, nakagalitan siya ng kanyang misis.

Bukod kasi sa napakabigat ng rice cooker, hindi raw ito mapapakinabangan.

Hindi rin naniniwala ang misis niya sa claims ng advertisement.

Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation

The Tiger KMD-A100 rice cooker and the folded papers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lumang sofa na nabili ng PHP1,400, may nakasuksok na Rolex watch na nabenta ng PHP14 million

Pero nagbago ang pananaw ng kanyang misis nang maganap ang malakas na lindol.

Kabilang sila sa 20,000 katao na lumikas sa makeshift shelters na walang kuryente.

At ang Tiger KMD-A100 ang ginamit niya sa pagsasaing.

Perfect umano ang pagkakaluto ng kanin.

Read: Indigent senior citizens to receive PHP1,000 monthly pension from DSWD starting February 2024

Cooked rice using The Tiger KMD-A100 rice cooker

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Tondo Church denounces "iskandalo" dance of shirtless men at Sto. Niño festival

Ayon naman sa iba pang gumagamit ng naturang rice cooker, kailangan lang sundin ang paraan ng pagluluto na nasa manufacturer’s manual.

Kaya nitong magluto ng isa hanggang limang tasa ng bigas.

Depende sa dami ng bigas ang dami ng pahina ng diyaryo na magagamit.

Kung magluluto ng tatlong tasa ng bigas, kailangan ng siyam (9) na pahina ng diyaryo.

Ang Tiger KMD-A100 ay binubuo ng isang metallic pot para sa kanin, at burning compartment na may dalawang malalaking butas sa ilalim ng pot.

Read: Man busted after dressing up as a woman to take exam in place of girlfriend

The Tiger KMD-A100 rice cooker

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Couple in Pangasinan holds black-themed wedding in cemetery

May specific na paraan ng pagtutupi sa mga pahina ng diyaryo: Kailangang pa-diagonal.

Pagkatapos, halinhinang ipapasok sa burner para matiyak na pantay ang pagkakaluto sa kanin.

Read: Fast-food worker never missed a day of work in 27 years; receives donation worth PHP25.7M

Folded newspaper pages

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kambal nagtapos bilang class valedictorian at salutatorian

Irolyo ang pahina na ang sukat ay saktong kakasya sa dalawang butas.

Kapag naipasok na sa isang butas ang nakarolyong pahina, sindihan ito.

Kapag may sindi na, maghintay ng isa at kalahating minuto bago magpasok ng panibagong rolyo ng pahina sa isa pang butas, at sindihan din.

Makalipas ang siyam na minuto, ibaba sa isang minuto ang interval ng paglalagay ng nakarolyong pahina.

Kapag iisa na lang ang natitira sa inihandang siyam na pahina ng diyaryo, maghintay ng sampung minuto bago ito ipasok sa burner at sindihan.

Makalipas ang limang minuto, luto na ang kanin.

Available online ang Tiger KMD-A100.

Sa Japan, ang presyo nito ay nasa PHP7,577.67.

Read: Samsung inilunsad ang Galaxy S24 series na may AI features

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagtatawanan nang unang ilabas ang Tiger KMD-A100 rice cooker dahil hindi umano totoong kaya nitong magluto ng kanin na ang gatong lang ay nirolyong diyaryo. Nang lumindol sa Japan at nawalan ng kuryente, napatunayan na epektibo nga ang rice cooker.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results