PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donasyong cheese sauce sa isang food bank, 1998 pa pala nag-expire

Matanda pa sa ibang empleyado ng food bank
by KC Cordero
Published Jan 27, 2024
The expired food item
Payo ng manager ng food bank sa mga magdodonasyon, tingnan muna ang expiry date sa label ng pagkain at tiyaking mapapakinabangan pa ng nangangailangan nito.

Nagulat ang mga volunteers sa Sunderland and County Durham Food Bank sa England nang makatanggap ng donasyon na isang garapon ng Uncle Ben’s Gratin’s Dauphionise Cheese & Onion Sauce for Potatoes.

Expired na kasi ito.

Ang cheese and onions canned sauce ay kinu-consume kasabay ng potatoes.

Isang staff nila ang nag-aayos ng mga bagong donated items sa food bank nang mapansin nito na kupas na ang label ng Uncle Ben’s, at ang laman sa loob ay "a little grey."

Read: CHECK THIS OUT: Tiger rice cooker na kayang magluto gamit ang diyaryo

The expired sauce

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Yogurt company offers PHP563K to people who can stay off phones for one month

Nang tingnan nitong mabuti ang garapon, natuklasan niyang ang sauce ay nag-expire na noong June 9, 1998—o 25 taon na ang nakalilipas.

Sa panayam kamakailan kay Sutherland and Country Durham Food Bank manager Jonathan Conlon ng SWNS, isang British news service, ang garapon ng Uncle Ben’s ang pinakalumang item na kanilang natanggap.

Ayon kay Conlon, "We sometimes get things that are a couple of years out of date, and occasionally at harvest festival time.

“For example, we get things that people have cleared out from the back of their cupboards."

Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation

Aniya, ang cheese sauce na ito ang nag-set ng record sa pinakalumang expiration date sa mga food items na nai-donate.

Hindi naman unusual na nakakatanggap sila ng donasyon na expired na.

“Maybe a year or two—but this is the record."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro pa ni Conlon, ang 25-year-old can ay mas matanda pa kaysa sa ilan sa empleyado ng food bank.

Read: Lumang sofa na nabili ng PHP1,400, may nakasuksok na Rolex watch na nabenta ng PHP14 million

Photo of food bank manager

Read: Lalaki hindi alam na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo, 4 days pang nakapag-party

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman sigurado si Conlon kung sino ang nag-donate ng expired na Uncle Ben’s.

"It couldn’t have come from donations at a supermarket because everything is in date."

Maaari aniyang personal donation ito.

Read: Kambal nagtapos bilang class valedictorian at salutatorian

Nang tanungin kung ano ang gagawin sa garapon, sinabi ni Conlon na hindi nila iyon itatapon at sa halip ay idi-display sa kanilang location.

Nag-post din ang food bank ng image ng garapon sa social media para ipaalala sa kanilang followers at donors na i-check muna ang expiration dates bago mag-donate ng pagkain.

Ang Sunderland and County Durham Food Bank ay nagkakaloob ng nutritionally-balanced emergency food sa loob ng tatlong araw, pati na rin suporta sa mga residente ng United Kingdom na nahaharap sa krisis.

Read: Rapper na nakabuntis ng limang babae, pinagsabay-sabay ang baby shower

Staff of food bank

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki sumailalim sa dalawang "enlargement" surgeries, idinemanda ang doktor dahil lumiit

Bahagi ito ng nationwide network of food banks na kumikilos para malabanan ang kahirapan at gutom sa UK.

Ilan naman sa mga pagkain na maaari pang kainin matapos ang kanilang “best-by date” ay dry goods, spices, packaged snacks, condiments, at hard cheese.

Ang honey, vinegar, at white rice ay hindi nag-e-expire.

Ang best-by date ay suggestion lang para mapaalalahanan ang consumers kung kailan ang peak freshness ng pagkain.

Pinaka-safe pa rin na huwag nang kainin ang pagkain kung lampas na sa expiry date.

Read: Original copy ng The Amazing Spider-Man issue No. 1 comic book, nabenta ng PHP84M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Payo ng manager ng food bank sa mga magdodonasyon, tingnan muna ang expiry date sa label ng pagkain at tiyaking mapapakinabangan pa ng nangangailangan nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results