PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo

Ang portrait ay nasa National Museum.
by KC Cordero
Published Jan 29, 2024
Screenshot at Veronica's TikTok video
Viral ngayon ang TikTok video ni Veronica Balayo kasama ang portrait sa National Museum na kahawig na kahawig niya. Ang babae sa portrait ay ina ng historian na si Professor Ambeth Ocampo. (Photos courtesy of @verniece on TikTok)

“Am I her reincarnation?”

Ito ang caption ni Veronica Balayo sa kanyang TikTok video na nai-post niya last January 27, 2024.

Sa video ay makikita na katabi ni Veronica ang portrait ng isang babae na kahawig na kahawig niya.

Read: Fast-food worker never missed a day of work in 27 years; receives donation worth PHP25.7M

Napag-alamang ang babae sa portrait ay ang ina ng historian at propesor ng history at humanities sa Ateneo De Manila na si Ambeth Ocampo.

Ang portrait ay naka-display sa National Museum of Fine Arts.

Agad nag-viral ang video ni Veronica.

Screenshot at Veronica's TikTok video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Donasyong cheese sauce sa isang food bank, 1998 pa pala nag-expire

Ibinahagi naman ni Prof. Ambeth ang screenshots ng video ni Veronica sa kanyang Facebook account last January 28.

Ang kanyang caption, published as is: “Trending on Tiktok video this morning was the post of Veronica Balayo, a recent visitor to the National Museum who resembles a photo-oleo of my mother from the 1950's!

“The video has earned over 400,000 likes!”

Read: 11-year-old kid tells dad who declines buying her iPhone 15 Pro Max: "You’re ruining my life!"

Ayon kay Veronica sa isang interview sa kanya, taga-Davao City siya.

Ito rin ang unang pagkakataon na bumisita siya sa National Museum.

Tinitingnan lang nila at ng kanyang mga kasama ang naggagandahang artworks nang makita niya ang portrait na kahawig niya.

Nag-joke siya na parang siya yung nasa portrait.

“But after seeing the photo, sinabi ko sa officemate ko bakit parang ako?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumang-ayon naman ang mga kaopisina niya na kahawig nga niya ang nasa larawan.

“And then yun na, nag-picture ako together with the photo without even knowing kung sino yun.”

Read: Yogurt company offers PHP563K to people who can stay off phones for one month

Aniya ay nagtaka rin siya na sa dami ng mga likhang sining sa museum ay doon pa siya napadpad sa larawan na kamukha niya.

"I think it was an immediate reaction, like very quick realization, na parang hawig ko siya.

“And after that, I can’t stop looking at our photo."

Pagbabahagi pa ni Veronica ay iniisip niya kung ito na ang second life niya.

Nagkaroon umano siya ng fascination kay Belen Ocampo.

“I feel so honored that they are calling that it’s like reincarnation, because Belen Ocampo is such a fine woman.”

Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation

Nag-post pa si Veronica ng live photo, kung saan katabi niya ang portrait.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Screenshot at Veronica's TikTok video

Read: Lumang sofa na nabili ng PHP1,400, may nakasuksok na Rolex watch na nabenta ng PHP14 million

May mga kaibigan kasi ang nag-akala na pina-prank lang niya ang mga ito.

Marami naman sa mga nagkomento sa post ni Prof. Ambeth ang nagsabing uncanny ang pagiging magkahawig ng kanyang ina at ni Veronica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit saan umanong anggulo ay magkamukha talaga.

Ayon sa isang netizen, “Wow, amazing!

“Want to hear more of this. Hope you can see each other in person. There might be a connection between you and her, sir.”

Marami rin ang nagkomentong isa ito sa mga dahilan kung bakit sila naniniwala sa reincarnation.

Read: Kambal nagtapos bilang class valedictorian at salutatorian

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viral ngayon ang TikTok video ni Veronica Balayo kasama ang portrait sa National Museum na kahawig na kahawig niya. Ang babae sa portrait ay ina ng historian na si Professor Ambeth Ocampo. (Photos courtesy of @verniece on TikTok)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results