PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SGP man jailed for sham marriage with Pinay

The Pinay allegedly does it to secure long-term pass.
by KC Cordero
Published Feb 1, 2024
Wedding photo for illustration purposes only
Sa kanilang “marriage of convenience,” ang Singaporean ang magiging sponsor ng Pinay para makakuha ito ng long-term visit pass sa Singapore.

Nagkakilala sina Mohamed Fauzy Mohamed Kahir, 33, isang Singaporean, at si Jane, 30, isang Filipina, noong 2018 sa Singapore.

Walang ibang ibinigay na detalye tungkol kay Jane maliban sa edad at nationality nito.

Sa ulat ng CNA, isang Singaporean news agency, last January 25, 2024, tumatambay noon si Fauzy sa isang bar sa Boat Quay nang makapalagayang-loob niya si Jane.

Empleyada si Jane ng bar.

Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K

Nawalan sila ng contact noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Late 2022 ay aksidenteng nagkita silang mula sa isang pub sa Circular Road.

Naging madalas na ang kanilang pagkikita, at naging close sa isa’t isa.

Read: VIRAL: Drawing ng bata, umani ng "dark" interpretasyon sa guro

Noong February 2023 ay ipinanukala diumano ni Jane kay Fauzy ang idea ng “marriage of convenience.”

Kailangan kasi ni Jane na mag-asawa ng Singapore citizen para makakuha ito ng long-term visit pass.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-offer ang Pinay na babayaran si Fauzy ng S$3,000 o PHP126,192.67 pagkatapos ng kanilang kasal.

Pumayag naman si Fauzy.

Read: Malakas na paghilik ng kapitbahay, humantong sa malagim na krimen

Gusto rin kasi niyang makaluwag-luwag dahil malaki ang kanyang utang sa credit card.

May anak din siya sa kanyang unang marriage na kailangan niyang suportahan.

Noong April 2023, ikinasal sina Fauzy at Jane sa isang lugar na tinatawag na Hotshots sa 68 Circular Road.

Isang linggo bago ang kasal, nagbayad si Jane kay Fauzy ng S$500 o PHP21,032.11.

Natanggap naman ng Singaporean ang balanse ng amount na kanilang napagkasunduan matapos ang kasal.

Read: VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo

Habang “kasal” sina Fauzy at Jane, makakatanggap ang Singaporean ng S$30 o PHP 1,261.93 habang umaakto siya bilang sponsor ng Pinay para sa visit passes nito.

Hindi sila nagsama at nanatiling magkahiwalay ng tirahan. Wala ring sex na naganap. Strictly marriage of convenience ang namagitan sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang masaklap, bagaman at anim na beses naaprubahan ang short-term visit pass applications ni Jane na sponsored ni Fauzy, hindi nakalusot ang application ng Pinay para sa long-term visit pass noong August 8.

Read: Donasyong cheese sauce sa isang food bank, 1998 pa pala nag-expire

Sample of long-term pass

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 11-year-old kid tells dad who declines buying her iPhone 15 Pro Max: "You’re ruining my life!"

Natuklasan naman ng mga awtoridad ang naging kasunduan nina Fauzy at Jane.

Inaresto si Fauzy ng Immigration and Checkpoints Authority (ICA) officers sa kasong false marriage offense noong November 2023.

Naghain siya ng guilty plea.

Last January 25, hinatulan si Fauzy ng ICA prosecutor ng anim na buwan na pagkakabilanggo.

Pinagbabayad din siya ng S$3,000—na katumbas ng kinita niya sa pagpapakasal kay Jane.

Naka-pending naman ang kaso ni Jane sa hukuman.

Depensa ng abogado ng Pinay, ang totoo ay si Fauzy ang nag-alok kay Jane ng marriage of convenience.

Ang Singaporean umano ang lumapit kay Jane, at ideya nito na magpakasal ang dalawa for a fee.

Read: CHECK THIS OUT: Tiger rice cooker na kayang magluto gamit ang diyaryo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanilang “marriage of convenience,” ang Singaporean ang magiging sponsor ng Pinay para makakuha ito ng long-term visit pass sa Singapore.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results