Nagtapon ng kanyang mga basura si Melanie Harpe ng Greenville, South Carolina, sa garbage bin ng Rutherford Road recycling center noong January 28, 2024.
Isang “disaster” ang sumunod na pangyayari dahil aksidenteng nahulog din sa bin ang kanyang diamond eternity wedding ring na naka-set sa white gold.
Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint

Ganoon na lang ang pagkahambal niya.
Sobra siyang nalungkot sa nangyari, pero hindi siya nawalan ng pag-asa.
Nagpadala siya ng email sa City of Greenville's Public Works department.
Aniya sa kanyang email, "I know the likelihood of finding this is slim to none.
“But, if the ring is found during the course of processing the recycling, I would be most appreciative if someone could contact me."
Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time
Last January 30, sinimulang hanapin ng mga trabahador ng recycling plant ang wedding ring ni Melanie.
Inihinto muna nila ang pagpoproseso ng mga recyclables, at sa halip ay para silang nag-treasure hunt.
Maihahalintulad ito sa paghahanap ng karayom sa bunton ng mga dayami.
Maging ang mga supervisor ay nakiisa sa paghahanap sa wedding ring.
Ang mga basura ay iniahon nila mula sa bin, at isa-isang ipinapagpag sa pagbabakasaling napasingit doon ang singsing.
Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K
Makalipas ang isang oras, nakita iyon ng Public Works employee na si Travis Golden.
Ang masayang pangyayari ay nai-post sa official Facebook page ng City of Greenville, South Carolina.
Ayon sa Facebook post, “Golden struck gold. White gold.
"They called a very grateful Melanie who came out to [the public works building] to reunite with her ring."
Binanggit din ang iba pang Public Works employees na tumulong sa paghahanap sa singsing.
“Besides Travis, the other team members involved were Jeff Hammond, James Burnside, Frank Daigneault and Manny Cruz. We are so grateful for your commitment to our community."
Read: Mom with 800 tattoos wears make-up to show what she really looks like
Nagpasalamat nang labis si Melanie sa mga mga ito, at nagpakuha pa ng photo kasama ang kanyang saviors.

Agad namang pinuri ng netizens ang Public Works employees.
Anang isang nagkomento, "So nice! I hope those gentlemen get treated to a steak dinner."
Sambit naman ng isa, "We absolutely love our Greenville public works department!"
"What a wonderful act of kindness and very hard work! Thank you for all you do. Proud of you!" komento naman ng isa pa.
Read: VIRAL: Drawing ng bata, umani ng "dark" interpretasyon sa guro

Read: Malakas na paghilik ng kapitbahay, humantong sa malagim na krimen
May nagrekomenda rin na, “Every one of them deserves a performance review and salary increase that reflects this ‘above and beyond’ effort. Outstanding work, gentlemen!”
Batay sa mga Facebook posts ng City of Greenville, South Carolina Government, hindi ito ang unang pagkakataon na matiyagang naghanap ang mga empleyado ng departamento ng mga bagay na nawala o aksidenteng naitapon sa recycling plant.
Nagre-rescue rin sila ng mga hayop—pets o wild—na aksidenteng na-trap sa bin.
Read: VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo
