PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Motorista Follows GPS, Nears Falling Off Wooden Bridge!

Parang makapagil-hiningang eksena sa pelikula!
by KC Cordero
Published Feb 2, 2024
Car hanging on the bridge
Hindi pamilyar ang motorista sa lugar kaya sinunod niya ang instructions ng GPS. Sa kasamaang palad, makitid ang tulay na kahoy at tao lang ang puwedeng tumawid.

Parang eksena sa isang comedy film ang nangyari sa isang babaeng nagmamaneho ng kanyang kotse noong January 28, 2024.

Isang Thai ang hindi pinangalanang motorista.

Sa larawang ibinahagi ng news website na NDTV noong February 1, makikita ang isang puting Honda Sedan na tatawid sa Wiang Thong Bridge sa Thailand.

Ang tulay ay yari sa kahoy.

Nasa ibabaw ito ng Yom River.

Read: Oh no! Diamond wedding ring, aksidenteng nahulog sa tambakan ng basura

Sa kasamaang palad, ang Wiang Thong Bridge na yari sa kahoy ay maaari lang na tawiran ng mga tao at hindi puwede sa mga sasakyan.

Matapos makaabante ng kotse nang 15 metro, nagsimulang mabitak ang mga kahoy na pinakasahig ng tulay.

Ang kaliwang gulong sa unahan ay lumusot sa pagitan ng mga nabitak na kahoy na sahig, kaya hindi na makaabante.

Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Car hanging on the bridge

Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint

Hindi malaman ng babaeng motorista ang gagawin.

Suwerte naman na dumaan sa tulay ang isang lalaking Thai na nakilalang si Makun Inchan.

Agad itong tumawag ng emergency responders.

Dahil sa mapanganib na sitwasyon ng babaeng motorista at ng sasakyan nito, mabilis na dumating ang mga sumaklolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang challenge: Paano tatanggalin ang na-stuck na kotse?

Read: Mom with 800 tattoos wears make-up to show what she really looks like

Yom River

Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K

Gumamit sila ng dalawang heavy equipment, at naging maayos naman ang rescue operation.

Sa panayam ng Pattaya News, isang Thai news website, sa babaeng motorista, sinabi niya na nanggaling siya sa Nong Muang Khai district,

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pupuntahan sana niya ang kanyang kaibigan sa Sung Men.

Dahil hindi siya pamilyar sa lugar at hindi pa niya ito narating kahit minsan, masyado siyang nagdepende sa GPS system para makadaan sa mga eksaktong lugar na ipinadala sa kanya ng kaibigan.

Aniya, ang GPS ang naggabay sa kanya na tawirin ang Wiang Thong Bridge.

Hindi umano niya alam na bawal palang tumawid doon ang mga sasakyan.

"I was focusing on the GPS and did not look around. I thought the bridge was sturdy and likely used by others.

“When I became stuck, I was so scared because I was in the middle of the Yom River. I was afraid the car might fall into the river.”

Read: VIRAL: Drawing ng bata, umani ng "dark" interpretasyon sa guro

Driving using GPS

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Malakas na paghilik ng kapitbahay, humantong sa malagim na krimen

Bumaba umano siya ng kotse para maghanap ng tutulong sa kanya.

Doon na siya nakita ni Makun Inchan.

Ang insidente ay nai-post sa Instagram ng WeirdKaya, isang community news platform na pinamamahalaan ng mga kabataang Malaysian.

Nagkakaisa ang mga nagkomento sa IG post sa pagsasabing ang insidente ay isang paalala na hindi dapat mag-rely nang todo sa instructions ng GPS nang hindi ina-assess ang sitwasyon ng ruta.

Bagaman anila at walang nasaktan o nasira sa insidente, makikita rito ang panganib na hatid ng sobrang pagdepende sa navigation technology.

Paalala ng ibang nagkomento sa mga motorista, maging mapagmatyag at ikunsidera ang paligid kapag nagmamaneho sa mga hindi pamilyar na lugar.

Read: VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pamilyar ang motorista sa lugar kaya sinunod niya ang instructions ng GPS. Sa kasamaang palad, makitid ang tulay na kahoy at tao lang ang puwedeng tumawid.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results