Isang babaeng Turkish ang naghain ng demanda laban sa kanyang mister, at nag-file ng divorce.
Ibinalita ito ng Turkish media kamakailan.
Ang lawsuit ay nakasampa sa 19th Family Court sa Ankara.
Batay sa reklamo ng ginang na nakilala lang sa alyas na A.Y., ang kanyang mister na si C.Y. ay bihirang maligo.
Lagi rin itong amoy pawis, at tamad pang magsepilyo.
Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint

Read: Oh no! Diamond wedding ring, aksidenteng nahulog sa tambakan ng basura
Ang kawalan ng personal hygiene ni C.Y. ang dahilan kaya kinasuhan at gustong hiwalayan ni A.Y.
Ayon sa abogado ni A.Y., limang araw bago magpalit ng mga suot na damit si C.Y.
Nagharap din sa hukuman ang kampo ni A.Y. ng mga witnesses para patunayan ang kanyang reklamo.
Kabilang sa mga witnesses ang malalapit na kaibigan at kakilala ng mag-asawa, at maging mga katrabaho ni C.Y.
Nagbigay ng pahayag ang mga ito—lahat ay nagkukumpirma sa poor personal hygiene ng lalaki.
Read: Motorista, sinunod ang GPS at sinuong ang tulay na kahoy, muntik nang mahulog!
Inaprubahan ng korte ang request ni A.Y. na divorce.
Pinagbabayad din si C.Y. ng PHP898,632.00 bilang danyos dahil, ayon sa korte, mahabang panahon na nnagtiis si A.Y.
Sa pahayag sa media ng abogado ni misis sinabi nito na batay sa Turkish law, “Spouses must fulfill the responsibilities of the shared life.
“If the shared life becomes unbearable due to behavior, the other party has the right to file for divorce.”
Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time

Read: Mom with 800 tattoos wears make-up to show what she really looks like
Paalala pa ng abogado, “We must all be careful in human relations. For this reason, we must pay attention to both our behavior and cleanliness.”
Sa ilalim ng Turkish civil law, ang mga tinatanggap na dahilan para sa divorce ay nahahati sa dalawang kategorya—special reasons and general reasons.
Kabilang sa general reasons ang lahat ng dahilan para sa sinuman sa misis o sa mister, o sa kanilang dalawa pareho, na maging “unbearable” ang buhay sa kanilang marriage.
Sa partikular na kasong ito, ang hindi pagiging malinis sa katawan ni C.Y. ay naging balidong rason para pagbigyan ang hiling na divorce ni A.Y.
Read: VIRAL: Drawing ng bata, umani ng "dark" interpretasyon sa guro
Naglabas na rin ng pinal na desisyon ang Regional Court of Justice at ang Supreme Court of Appeals na pawang pabor sa babae.
Batay sa mga dokumentong inilabas ng korte, nagpahayag ang mga saksi na isang beses maligo si CY sa loob ng pito hanggang sampung araw.
Minsan o dalawang beses din lang ito kung magsepilyo sa loob ng isang linggo, kaya ang hininga nito ay “unbearable.”
Bihira rin itong magpalit ng mga suot sa katawan.
Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K
Kakatwa, pero ilan sa mga katrabaho ni C.Y. ay tumestigo laban dito.
Sa pahayag ng mga katrabaho, ang mabahong singaw ng katawan ni C.Y. ay nagsisilbing torture para sa kanila kapag pumapasok sa trabaho.
Walang binanggit ang Turkish media kung ano ang dahilan ni C.Y. at pinabayaan nito ang pansariling kalinisan.
Read: Malakas na paghilik ng kapitbahay, humantong sa malagim na krimen
