PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AI Love: Man's Perfect Match via ChatGPT Dating App

Out of more than 5K dating profiles, AI helped him find her.
by KC Cordero
Published Feb 7, 2024
Screenshots of Alexander's tweets
Gamit ang ChatGPT, nahanap ni Alexander ang kanyang perfect match sa isang dating app. Idinetalye niya ang kinailangan niyang gawin bago natagpuan si Karina, ang kanyang napangasawa.

Last February 2023, nag-tweet si Alexander Zhadan, 23, isang Russian IT professional, na nakasulat siya ng academic thesis gamit ang ChatGPT sa loob lang ng 23 oras.

Ang kanyang tweet ay naging viral.

Nitong January 30, 2024, muli siyang gumawa ng ingay sa social media dahil sa paggamit niyang muli ng AI tool para i-filter ang libu-libong online dating profiles.

Alexander's tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gamit ang tips at advice ng AI, nakahanap si Alexander ng perfect partner: si Karina, na eventually ay naging misis niya.

Read: Samsung inilunsad ang Galaxy S24 series na may AI features

DISAPPOINTED SA DATING APPS

Pero bakit nga ba nag-rely si Alexander sa ChatGPT sa halip na siya ang personal na maghanap ng kanyang match?

Nagsimula ang lahat dahil sa kanyang “disappointing experience” sa mga popular dating apps gaya ng Tinder.

Magsa-swipe siya kaliwa’t kanan, at magsisimula ng conversation sa kanyang potential match.

Pero pagkatapos nito, gino-ghost na siya ng kanyang ka-chat.

Ayon kay Alexander, naaaksaya lang ang kanyang oras.

Read: Things you need to know about trending app AI Yearbook

At dahil pamilyar siya sa ChatGPT, inisip niya kung may paraan para magamit ang AI tool para mas maging efficient ang kanyang online search and dating experience.

Ginamit ni Alexander ang ChatGPT para i-scan at i-screen ang 5,239 dating profiles ng mga babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The AI process

Gumamit siya ng iba’t ibang filters para maalis ang dalawa lang ang profile photos, at ang hindi niya ka-match ang horoscope at relihiyon.

Ayaw rin niya sa mga pabor sa giyera, at sobrang revealing ng mga suot na damit sa photos.

Para kay Alexander, importanteng bahagi ito ng process para may common interest ng sila ng babae, at mas konting oras ang gugugulin para kilalanin nila ang isa’t isa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: A.I. newscaster of La Union campus turns out to be human

PAANO NAKAPILI ANG ChatGP PARA SA KA-MATCH NIYA?

Dumating si Alexander sa pinakamahirap na bahagi—ang i-train ang ChatGPT bilang siya para makipag-communicate sa natitirang potential matches.

Naglaan siya ng halos 120 oras para i-train ang AI tool na makarating sa level na parang siya na talaga ito kung makipag-communicate.

Para magawa ito, ikinarga niya sa AI tool ang kanyang mga naunang pakikipag-usap sa mga naka-date niya noon.

Nag-set up din siya kung paano ito sasagot na parang siya.

Read: AI technology, kayang i-interpret ang putak ng manok

Sinubaybayan niya ang AI tool, pero ayon kay Alexander, hindi perfect ang naging experience.

May isang pagkakataon kasi na nag-set up ng date ang ChatGPT sa isang babae, pero hindi siya inabisuhan ng app.

Naghintay ang babae sa kanya nang napakatagal, at kinailangan niyang mag-apologize.

Minsan naman, ang piniling lugar ng AI program para mag-date sila ng babae ay sa isang gubat sa Moscow na naging tapunan ng isang serial killer ng mga bangkay ng mga biktima nito noong 2000s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Image gawa sa AI, panalo sa international photography competition; winner, tinanggihan ang prize

AI NAKATULONG PARA PUMILI NG MAPAPANGASAWA

Natulungan si Alexander ng ChatGPT na maka-date ang 12 best matches na nahanap ng app para sa kanya.

Kabilang dito si Karina.

Sobra ring involved ang AI tool sa dating process. Pinapayuhan si Alexander na ibahagi niya sa mga ka-date ang tungkol sa kanyang childhood, parents, goals, and values para mas ma-assess kung sino sa mga ito ang tugma para sa kanya at kung sino ang bagay sa kanya for a long-term relationship.

Inamin din niyang nagtanong siya sa ChatGPT kung paano mag-propose kay Karina.

Gamit ang suggestions ng app, nakuha niya ang matamis na oo ng babae.

Read: Deepfake Hollywood stars, AI news anchors: amusing but very alarming

KAILANGAN DIN ANG PERSONAL INTERACTION

Nilinaw naman ni Alexander na may participation din siya sa pagpili sa mga babaeng naka-date niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng mga nauna niyang interaction sa mga babaeng naka-date noong hindi pa siya gumagamit ng ChatGPT, ikinarga niya ang kanyang mga naging karanasan sa app para magkaroon ito ng objective assessment.

Aniya, “We must not forget about emotional interaction.

“I went to meetings, I was already involved myself. I assessed whether the girl was suitable for me or not.

“Based on the results of the date, I made a review [what I liked, what I didn’t] and added it to the database. Then it decided whether to continue communicating or not.”

The AI process

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang wife ni Alexander na si Karina ay wala pang komento tungkol sa paggamit ng mister ng ChatGPT para magkakilala sila, mag-date, at mauwi sa totohanang pag-iibigan.

Pero ipinagtapat naman pala iyon ni Alexander kay Karina isang taon matapos nilang magkakilala.

Dahil sila pa rin ngayon at nauwi sa pagpapakasal, it is safe to assume na hindi ito naging isyu sa kanilang relasyon.

Read: Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend

Tungkol naman sa reaction ng netizens, in-acknowledge ni Alexander ang “ethical concerns” sa paggamit ng AI tool para maghanap ng pag-ibig sa online world.

Pero aniya, bahala na ang online community na alamin ang boundaries ng paraan na kanyang ginamit para makahanap ng pag-ibig.

Read: Lalaking ayaw maligo at magsepilyo, idinemanda ng misis

Matapos maglaan ng 120 oras at gumastos ng U$1,432 o PHP80,490.57 para sa Application Programming Interface, para kay Alexander, ay mas nakatipid actually siya ng panahon at pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa kabila ng ethical concerns, ang kanyang kuwento ay puwedeng magpabago sa landscape ng online dating.

Pero binigyang-diin ni Alexander na may limitasyon ang ChatGPT sa aspetong ito—at kailangan pa rin ang personal na interaksyon sa pakikipag-ugnayan para magkaroon ng malalim na koneksiyon sa ka-date.

Read: Oh no! Diamond wedding ring, aksidenteng nahulog sa tambakan ng basura

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gamit ang ChatGPT, nahanap ni Alexander ang kanyang perfect match sa isang dating app. Idinetalye niya ang kinailangan niyang gawin bago natagpuan si Karina, ang kanyang napangasawa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results