PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Customer hindi nasiyahan sa haircut, ginupitan ang barbero

"Where are my bangs?"
by KC Cordero
Published Feb 8, 2024
Scene at the barber shop
Nagwala ang customer dahil bukod sa hindi nasunod ang kanyang gustong style, tinanggal din umano ng barbero ang kanyang bangs.

Huli sa camera ang isang male Russian customer sa Salute Barbershop sa Pattaya, Thailand, na galit na galit na ginugupitan ang isang barbero.

Ang insidente ay naganap noong February 1, 2024.

Ayon sa mga nakasaksi, ang Russian na hindi na pinangalanan ay nasa Thailand para magbakasyon.

Pumasok ito sa barber shop para magpagupit.

Dahil hindi ito makapagsalita ng fluent English para ipaliwanag sa barbero kung ano ang gusto nitong gupit, gumamit na lang ito ng hand gestures.

Nang matapos na ang gupitan, nagulat ito sa naging resulta.

Nagalit ang Russian sa barberong si Suphachai Maneecharoen, 32.

Read: Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend

Scene at the barber shop

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Story of Heidi Yeh: the "mom" in viral family picture; a victim of fake meme

Sa video ay makikitang sinusuntok nito ang mesa, inaaway ang staff at customers ng barber shop, at pinagmumura si Suphachai.

Sigaw nito sa barbero, “You crazy mother f*****! I showed you. What the f***. Where are my bangs? What the f***!”

Kumuha ito ng dalawang clippers, saka ginupitan ang barbero.

Pagkatapos, lumabas na ang Russian ng barber shop, at hindi nagbayad.

Nagkaroon ng malaking uka sa buhok si Suphachai.

Read: Man finds perfect match in dating app using AI; he is now happily married

The barber

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaking ayaw maligo at magsepilyo, idinemanda ng misis

Ini-report naman niya ang insidente sa Pattaya City police station, at ipinakita ang CCTV footage bilang ebidensya.

Sa ulat ng news website na Metro, sinabi ni Suphachai na hindi na siya gumanti sa Russian, pero galit na galit siya rito.

Inisip na lang umano niya ang mga posibleng mangyari kung sinapak niya ito.

“I was afraid of facing legal repercussions or losing my job. So I chose to do nothing.”

Pitong taon na rin siyang barbero.

“But it is the first time someone has disrespected me like this. I want the Russian man to apologize to me.”

Nagpakalbo muna siya para maayos ang kanyang buhok.

Read: Wedding proposal bashed for being "so poor" gets grand ending, thanks to sponsors

The barber

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Motorista, sinunod ang GPS at sinuong ang tulay na kahoy, muntik nang mahulog!

Nalaman naman ni Suphachai ang address ng Russian mula sa isang kaibigan niya na kakilala nito.

Pero natuklasan niyang noong January 26 pa ito umalis sa tinutuluyang condominium.

Hindi malinaw kung nasa Thailand pa hanggang ngayon ang Russian.

Patuloy na iniimbestigahan ng Thai police ang insidente.

Napag-alaman sa ulat ng Metro na maraming turistang Russian ang nagbabakasyon ngayon sa Thailand dahil umiiwas ang mga ito na gawing sundalo ng kanilang gobyerno para t isabak sa giyera sa Ukraine.

Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagwala ang customer dahil bukod sa hindi nasunod ang kanyang gustong style, tinanggal din umano ng barbero ang kanyang bangs.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results