Isang female content creator sa Malaysia ang na-shock nang matuklasan na sa kuha niyang selfie ay nasa background pala ang kanyang naging mister.
Sa artikulong lumabas sa news website na NDTV last February 5, 2024, nakilala ng content creator na si Jen Chia, 32, ang kanyang mister na si Jon Liddell noong 2014.
Ang selfie ay kuha noong October 2012, two years bago sila nagkakilala. Nakapila si Jon sa isang theatre cafe.
Read: Boyfriend, nalamang tumama sa lotto ang girlfriend; nagpapabili ng kotse
Isang musician si Jon at kilala sa kanyang YouTube covers at mga orihinal na awitin, gaya ng “Here For You” at “The One I'm Thinking Of.”
Isa siyang British, pero sa Malaysia na lumaki.
Ang larawan ay nai-post ni Jen sa kanyang Instagram account noong December 26, 2023.
Read: Man finds perfect match in dating app using AI; he is now happily married

Read: Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend
Nilagyan niya ito ng caption na, published as is: “We met at the right time. If it was before, I don't think the relationship would have lasted.
“I was a narcissistic monster, unaware and naive. Took me a year of traveling and being single to reflect and realize my own mistakes.
“That's when we met. The right person will always find you at the right time.”
Kalakip ng larawan ang naging journey ng kanilang relationship.
Naglagay rin si Jen ng texts sa mga larawan.
Aniya, “We were at the same place but didn't know each other existed.”
Nagkakilala sila noong December 2014, at nagpakasal noong August 2023.

Read: Story of Heidi Yeh: the "mom" in viral family picture; a victim of fake meme
Ang IG post ni Jen ay nakakuha na ng 452,911 likes.
Nag-reply si Jon sa post ni Jen.
Ani Jon, “So glad you didn't meet me in the first picture. We were meant to go on our journeys. We met a few years later at the perfect time.”
Read: Lalaking ayaw maligo at magsepilyo, idinemanda ng misis
Kinilig naman ang netizens sa love story nina Jen at Jon.
Anila, isa itong “crazy coincidence.”
“Aw! What a love story!” manghang sambit ng isa.
Sabi naman ng iba, pinagtagpo ng tadhana ang dalawa, at sila talaga ang nakalaan para sa isa’t isa.
May isang nagkomento ng, “Destiny be like.”
May nagtanong din kung kailan nalaman ni Jen na si Jon ang guy na nasa kanyang selfie.
Read: Wedding proposal bashed for being "so poor" gets grand ending, thanks to sponsors

Karamihan naman sa mga nagkomento ay nagsabing ang nangyari kina Jen at Jon ay klasikong halimbawa ng “invisible string theory.”
Ang invisible string theory ay tungkol sa Chinese folklore na nagsasabing ang dalawang soulmates na nakatakdang magkita ay pinag-uugnay ng invisible thread.
At kahit pinaghiwalay sila ng panahon, distansiya, at iba’t ibang hadlang, darating ang panahon na matatagpuan nila ang isa’t isa, at sila ang magkakatuluyan.
Read: Meet Diwata, nag-trending sa presinto noon, asensado na ngayon
