Ang masakit kapag may pumanaw na mahal sa buhay, hindi na ito makakaugnayan pa kailanman.
May iba’t ibang paraan ang mga tao kung paano paghihilumin ang pangungulila sa mahal sa buhay na wala na.
Isang babae, na nakilala lang sa pangalang Kathy, ang madalas mag-text sa phone number ng kanyang namayapang ama.
Isang araw, nagulat na lang siya nang makatanggap ng reply mula sa “ama.”
Ibinahagi ito ni Kathy sa Reddit noong November 27, 2023.
Read: Hermes files case against bookstore that used its brand name
Sumakabilang-buhay ang kanyang ama noong 2020, pero hindi pa binura ni Kathy sa kanyang smartphone ang phone number nito.
Noong partikular na araw na iyon na masyado siyang maraming pinagdaanan, nag-text siya sa phone number ng kanyang ama.
Ang text niya rito: “I miss you every day.”
Nilagyan pa niya iyon ng dalawang heart emojis.

Gayun na lang ang pagkabigla ni Kathy nang agad siyang makatanggap ng reply.
Ang reply ay dalawang question marks.
Hindi makapaniwala si Kathy.
Nag-reply din siya ng: “Whoa.”
Dagdag pa niyang reply: “This is my dad's old phone number; he passed away in 2020.
“Was not expecting a response. Lol.”
Ang sagot naman sa kanya ng estranghero, “Oh.”
Na-realize ni Kathy na dahil matagal nang patay ang kanyang ama, ipinagamit na ng telecommunication company ang number nito sa ibang customer.

Read: Passenger nearly removed from flight for not wearing a bra
Tila naramdaman naman ng ka-text niya ang kanyang pinagdadaanan.
Tinanong siya nito kung gusto niyang makita ang alaga nitong pusa.
Sagot ni Kathy, “Yes!”
Nagpadala ang ka-text ng photo ng alaga nitong pusa na naghihikab.
Nag-reply naman siya ng heart emoji.
Read: VIRAL: Mga taong may kahawig na obra sa museum; reincarnation o may scientific explanation?
Hindi doon natapos ang kanilang text conversation tungkol sa pusa.
Nalaman ni Kathy na isang male ang alagang pusa ng ka-text niya, at Lucky ang pangalan ng pet nito.
Lalong hindi makapaniwala si Kathy.
Aniya sa ka-text, “When I was a kid, my dad got us a puppy named Lucky.”
Nag-reply naman ito na sana raw ay ma-hug siya nito dahil dama nito ang kalungkutan ni Kathy.
Sagot naman niya, “This feels like a hug from him.”
Doon na natapos ang kanilang text conversation.
Read: Gen Z TikToker gets real about challenges of job hunting
Bumaha naman ang mga komen to sa post ni Kathy.
Marami sa mga ito ang naniniwala na ang insidente ay isang sign mula sa kanyang ama.
Komento ng isa, “Signs are everywhere, and you just received one from your father. Hugs to you.”
Pinuri naman ng isa ang kabaitan ng estranghero na naka-text ni Kathy. Ginawa umano nito ang nararapat para siya matulungang mapagaan ang pagka-miss niya sa ama.
Marami rin ang nagsabing napaiyak sila sa kuwento ni Kathy.
Sambit naman ng isa pa, “That was definitely a hug from him, so special!”
Bagamat ang “Lucky” ay karaniwang pangalan ng pets, pero, ayon sa isang netizen, “But that is not a random coincidence. Totally a little sign for you.”
Read: Love At The Right Time: Content creator's selfie captures future husband before they met
