PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beyonce Look-alike Gets Marriage Proposals, PHP1.4M

Aminadong kumikita sa pagiging kamukha ni Queen Bey!
by KC Cordero
Published Feb 14, 2024
Photo of Juliana and Beyonce
Meet Juliana Machado Sotinho, na naging mabilis ang pagsikat niya sa social media dahil kahawig niya si Benyonce.

Malaki ang pagkakahawig ni Juliana Machado Sotinho, 35, sa music icon na si Beyoncé.

Residente si Juliana ng Iguaba Grande, Rio de Janeiro, Brazil.

“When people see me, they immediately comment that I look like the singer,” ani Juliana sa artikulong nalathala sa The New York Post last February 7, 2024.

Marami aniya ang namamangha sa sobrang pagkakahawig nila, at ang lagi umano nilang sambit, "Wow, did you know that you look like Beyoncé?"

Read: Meet "average student" Janelle Fauni, Top 1 at midwifery exam

Photo of Beyonce and Juliana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Hermes files case against bookstore using its brand name

Kuwento ni Juliana, napansin lang niya ang pagkakahawig nila ni Beyoncé nang magsimula siyang maging active sa social media noong 2019.

Mula noon, marami ang nagkaroon ng interes sa kanya, at ang iba ay nag-propose pa sa kanya.

May nag-offer din daw ng US$25,000 (PHP1,399,775) makasama lang siya sa isang magdamag.

Ang siste: Happily married na si Juliana at mayroon nang anim na anak.

Aniya, “People know I’m married because I always show what my life is like on social media."

Binaha rin ng komento ang kanyang TikTok video nang magsuot siya ng blond wig.

Read: VIRAL: Mga taong may kahawig na obra sa museum; reincarnation o may scientific explanation?

Photo of Juliana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gen Z TikToker gets real about challenges of job hunting

“I was always a brunette. But when I decided to change that, I realized that I was reminding people of Beyoncé a lot.”

Maging ang mga fans ni Queen Bey ay nagpa-follow sa kanya, kaya naman lalong dumami ang kanyang social-media followers.

May mga nagko-comment din na kamukha niya ang kapatid ni Beyoncé na si Solange.

Bulalas tuloy ni Juliana, “My audience is very divided.”

Pero hindi mapigilan ang kanyang pagsikat kaya kinuha niya ang oportunidad na ito para i-impersonate si Beyonce.

Read: Customer hindi nasiyahan sa haircut, ginupitan ang barbero

Photo of Juliana

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Boyfriend, nalamang tumama sa lotto ang girlfriend; nagpapabili ng kotse

Bukod sa pagdami ng kanyang TikTok at Instagram followers, nagkaroon din si Juliana ng maraming business partnerships para mag-promote ng mga produkto.

Pinangalanan din niya ang kanyang bunsong anak na Giselle, na second name ni Beyoncé.

Kinse anyos na ang kanyang panganay, habang one year old pa lang ang bunso.

Masaya si Juliana na kumikita siya sa pagiging look-alike ni Beyoncé, kaya pakiramdam niya ay napakasuwerte niya.

Sabi nga niya, “Who doesn’t like being compared to the diva of divas?”

Read: "Mapait na paglalakbay" ni Wenn Ricaforte tungo sa "mas matamis na tagumpay"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Juliana Machado Sotinho, na naging mabilis ang pagsikat niya sa social media dahil kahawig niya si Benyonce.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results