Tinawag ang 80 anyos German national na si Heinz B. bilang “world’s most frugal millionaire.”
Sa kabila kasi na pagkakaroon niya na mga ari-ariang nagkakahalaga ng milyun-milyong euros, naghahanap siya ng pagkain at iba pang gamit sa mga dumpsters.
Kung titingnan si Heinz B., aakalain na isa siyang homeless person.

Madalas din niyang sabihin sa mga taong nakakausap niya na US$16 (PHP892.16) lang ang pera niya.
Maaaring totoo, pero ito ay dahil kabibili lang niya ng kanyang 10th house—na nagkakahalaga ng US$756,000 (PHP42,154,560).
Mayroon din siyang 100,000 euros (PHP6,053,138.41) na nakadeposito sa bangko nang fixed-term para mas malaki ang makuha niyang interes.
Read: Inside the world of a content creator with 500 pairs of sneakers
Isa ring pensiyonado si Heinz B. na nagmula sa Darmstadt sa southwest Germany.
Isang retired electrical engineer, may monthly pension siya na US$4,069 (PHP226,887.44)—na diretso agad sa kanyang bank account dahil wala naman siyang pinagkakagastusan.
Read: Wallet nahulog sa dagat 8 months ago, nakita ulit ng may-ari sa beach
BAKIT KAILANGANG MAGTIPID NI HEINZ B.?
Pero ang pananaw ni Heinz B. sa pera ay kakaiba. Dapat ito ay pinapalago, at hindi winawaldas.
Ang tingin niya rin sa tao ay "wasteful" by nature kaya alam niyang marami siyang makakalkal sa dumpsters.
Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng "inconvenience"?
Kamakailan ay nakapanayam si Heinz B. ng Bild, isang tabloid sa Germany.
Aniya, “Maybe I’ll buy some oil for frying or something if it runs out, but I find most of the food in the trash.
“People are wasteful and throw away so much that you could feed a whole family.
“For example, people buy a pack of sausages, eat one, and then simply throw the rest in the trash.”
Read: HOT TOPIC: Lady walks out on date after knowing the guy lied about his age
MGA PARAAN NG PAGTITIPID NI HEINZ B.
Una siyang naging laman ng mga balita noong 2021.
Mayroon siyang US$540,000 (PHP30,110,400) sa bangko noong time na ma-interview siya.
Mayroon din siyang pitong bahay at dalawang apartment.
Pero sa kabila ng kanyang yaman ay naghahalungkat siya ng mga basurahan para may makain at maisuot,
Isa sa kanyang mga properties ang ginagamit niyang imbakan ng mga basurang nahahalungkat niya.

At nasa iisang lugar ang mga properties ni Heinz B para kaya niyang puntahan ang mga ito kapag may kailangang i-repair gamit lang ang kanyang bike.

Ayaw rin niyang umupa ng karpintero dahil kaya naman umano niyang gawin ang ginagawa ng mga ito.
“Craftsmen charge 55 euros [PHP3,329.56] per half an hour of repairs,” ani Heinz B.
Sinabi rin niya na ang ilan sa kanyang mga bahay ay ayaw niyang paupahan dahil kulang pa ang renta para sa maintenance ng mga iyon.
Read: Influencer inirampa ang mga damit na isinuot ng ina noong 1980s
GUESS HEINZ B.'s MONTHLY EXPENSES
Nasa 5 euros (PHP302.69) lang ang nagagastos ni Heinz B. para sa kanyang pagkain sa loob ng isang buwan.
Idagdag dito ang para sa internet connection ng kanyang laptop.

Wala siyang smartphone dahil ayaw niyang gumastos ng 10 euros (PHP605.18) para rito.
Ang buong araw ni Heinz B. ay nauubos sa paghahalungkat ng mga bagay na itinapon ng iba sakay ng kanyang bike.
Pero ang mga napupulot niya ay hindi rin naman niya ginagamit. Ipinagpapalit niya ang mga iyon sa sobrang pagkain ng kanyang mga kapitbahay.
Read: Lola arestado sa pananahi at pagbebenta ng fake luxury bags at wallets
Walang immediate family si Heinz B. na mapag-iiwanan niya ng kanyang kayamanan.
May ilan siyang distant cousins, pero hindi naman umano kaya ng mga ito na magbayad ng inheritance tax.
Sa ngayon, ang plano ni Heinz B. ay ipamana na lang ang ilan sa properties niya sa kanyang mga tenants.
Read: Beyonce look-alike gets tons of marriage proposals; PHP1.4M offer for one-night-stand
