PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Staff Finds Beggar with Car, Earns PHP5,800 Daily

Nakaka-shookt!
by Bernie V. Franco
Published Feb 24, 2024
Malaysian beggar SUV
The social welfare officers of Maran, Pahang in Malaysia confronts the male beggar (left photo). They are shocked upon discovering that he owns a premium SUV (right).
PHOTO/S: Facebook (JKM Maran)

Pulubi pero mayroong mamahaling sports utility vehicle (SUV)?

Ito ang nakagugulantang na natuklasan ng staff ng social welfare department (JKM) sa Maran district sa Pahang, Malaysia kamakailan.

Nagsagawa kasi ng operation ang JKM Maran staff sa mga nanlilimos sa Sri Jaya night market sa Maran, gabi ng February 21, 2024, ulat ng The Straits Times.

At mabilis na kumalat ang balitang ito sa Malaysian Facebook pages dahil sa isang 45 anyos na lalaking nanlilimos.

Ayon sa mga ulat, nilapitan siya ng JKM Maran staff dahil sa mga reklamo sa kanyang panlilimos.

Ang lalaki ay may kapansanan. Maiiksi ang mga kamay niya na isinusuksok sa isang paper bag, kung saan niya inilalagay ang mga nalilimos. Nakasuot ito ng gray robe at Muslim skull cap.

Ayon sa FB post ng social welfare department, “He was holding a paper bag, soliciting sympathy from passers-by. Both of the man’s hands appeared small unlike those of a normal human."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una ay inakala umano ng mga taga-social welfare na pipi at bingi ang lalaki dahil hindi ito sumasagot nang usisain nila.

Pero hindi raw siya tinigilan ng staff at hiningan din siya ng identification card.

Nagulat umano ang welfare officers nang biglang magsalita ang nanlilimos. Hindi pala ito pipi at bingi.

Sinabi niyang naiwan ang kanyang ID sa kanyang kotse, na ikinagulat ng staff.

Lalo pa silang nagulantang nang makita nilang ang sasakyan ng nanlilimos ay isang premium SUV, isang Proton X70.

Malaysian beggar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Officers of the social welfare development in Malaysia confronting the male beggar who owns an SUV.

Ang halaga nito ay nasa 123,800-128,000 Malaysian ringgit (RM) o PHP1.4 hanggang PHP1.5 million.

Sinabi ng pulubi na umaabot ng hanggang RM500 o 140 Singaporean dollars o PHP5,800 kada araw ang kanyang nalilimos.

Bukod pa rito, dahil isa siyang person with disability, nakakatanggap siya ng monthly allowance na RM450 o higit PHP5,000 mula sa social welfare department.

Ginagamit daw niya ang nalilimos at allowance bilang pambayad sa car installment at para sa araw-araw na pangangailangan.

Hindi naman inireklamo ng social welfare officers ang lalaking hindi na nila pinangalanan dahil unang offense raw niya ito.

Pero sinabihan daw siyang itigil na ang kanyang panlilimos at ire-review ang kanyang status para sa nakukuhang government allowance.

Nagpaalala naman ang social welfare department sa kanilang mga kababayan na maging maingat sa binibigyan nila ng limos.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The social welfare officers of Maran, Pahang in Malaysia confronts the male beggar (left photo). They are shocked upon discovering that he owns a premium SUV (right).
PHOTO/S: Facebook (JKM Maran)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results