Nakakaantig ng puso at damdamin ang Instagram video ng user na si @ryangraney—o Graney—na nai-post niya noong January 17, 2024.
Sa video ay makikita na ginigising ang isang aso na halatang may edad na.
May text layer ang video na: “You were woken up for a proof of life check because you are almost 19 years old.”
May caption naman ito na: “She was sleeping a little too hard for my liking. Know what I mean?”
Read: Lovi Poe recalls last moments with pet dog Phoebe

Read: Gaano ba kadalas dapat paliguan ang inyong aso?
Ang aso ay nakilalang si MollyDoodle, isang female Italian greyhound mix.
Kuntento ito sa pagtulog bago nagmulat ng mga mata at naghikab nang gisingin.
Inalagaan na ito ni Graney simula noong six months old pa lang ito.
Alam ni Graney na hindi na rin magtatagal ang buhay ni MollyDoodle dahil halos magdadalawang dekada na ito.
Ayon sa The American Kennel Club (AKC), nalampasan na ni MollyDoodle ang average life expectancy ng breed nitong 14 hanggang 15 taon.
Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation
Ang IG reels ni Graney ng “proof of life check” niya kay MollyDoodle ay nakakuha na ng 4.8 million views at 365,824 likes.
Isang social media strategist si Graney at residente ng Finger Lakes region sa New York.
Aniya sa panayam ng Newsweek kamakailan, “To be a caregiver for an old soul in their final chapter is the ultimate act of love and compassion.”
Aminado naman siyang mahirap tanggapin kapag matanda na ang alagang aso, may sakit at anumang oras ay maaari nang pumanaw.
Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng veterinarians

Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver
Mahirap na rin ang pagpapainom ng gamot at pagdadala sa veterinary clinic.
“But I look at it like everything I'm doing is making them more comfortable. It's all worth it.”
Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor
Maraming netizens ang naantig sa post ni Graney tungkol kay MollyDoodle—na karamihan ay senior dog na rin ang inaalagaang pet.
Ayon sa isang nagkomento, ang unang ginagawa nito sa umaga pagkagising ay hinahawakan ang alagang aso para tiyakin kung buhay pa ito.
Sambit naman ng isa, kapag tinawag nito ang pangalan ng pet at hindi nagigising dahil bingi na, takot na takot ito at titingnan kung may pulso pa ang alaga.
Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa
Sinabi naman ni Graney na noong malakas pa si MollyDoodle ay mahilig itong tumakbo at tumalon.
Nagbago lang ito nang magkaroon ng cataract at hindi na makakita.
Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money
Ang pagkakaroon ng cataract ay karaniwan sa mga matatanda nang aso.
Para kay Graney, isang malaking karangalang mahalin at pagsilbihan si MollyDoodle lalo ngayong senior na ito at nasa pinaka-vulnerable and fragile na estado na ng buhay.
"Whatever you do for them will be their final memories, so you get to make every single day the best day ever, just in case.
“Just love and spoiling until the end.”
Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert
