Trigger Warning: Attempting to this challenge can pose serious risks to your safety and well-being.
Isang kakatwang insidente ang naganap sa Zhejiang, China.
Ayon sa ulat ng Oddity Central website, nakaharap ng mga bumberong nakatalaga sa Yuyao City Fire and Rescue Brigade ang isang kakaibang emergency.
Noong July 25, 2023, sumugod sa fire station ang isang lalaking nakilala lang sa pangalang Chen.
Frantic ito at may ipinapaliwanag sa mga bumbero, pero hindi nila ito maunawaan.
May kamiseta kasing nakatakip sa bibig ni Chen habang nagsasalita.
Read: Guy with no sex experience has 25 kids

Read: Teenager steals horse; attempts to hide it in his third-floor apartment
Nang tanggalin ng isang bumbero ang T-shirt ni Chen na itinatakip sa bibig nito, nalamang may nakasubo pala rito na isang LED light bulb—at hindi niya nito mailuwa.
Tinulungan si Chen ng mga bumbero na mailabas sa bibig nito ang bumbilya, pero malaking hamon kung paano gagawin nang hindi ito nababasag.
Kapag pinuwersa kasi nilang ilabas ito, malaki ang posibilidad na mag-crack ang glass part, na baka magdulot ng seryosong pinsala sa lalaki.
Dinala si Chen ng mga bumbero sa kalapit na Yuyao People’s Hospital.
Read: Dambuhalang sawa sa Calasiao, Pangasinan pinaghahanap

Read: 14-year marriage about to end due to wife's one-night stand with younger guy
Doon natuklasan ng mga doktor na dahil sa sobrang ngawit, hindi na maibuka ni Chen nang todo ang bibig nito para mailuwa ang bumbilya.
Ang ginawa nila, gumamit ng special mouth opener para i-dislocate muna ang isang panga ni Chen.
Nung nagkaroon na ng malaking opening ang bibig nito, naalis ng mga doktor ang bumbilya nang walang indulto at crack sa glass part.
Read: These toy cars are more expensive than brand-new cars
Napabuntunghininga nang malalim si Chen nang sa wakas ay mailuwa niya ang bumbilya.
Kuwento niya sa mga doktor, dalawang oras nang nasa bibig niya ang bumbilya nang humingi siya ng saklolo sa mga bumbero.
Noong una ay tinangka niyang mailuwa iyon nang kusa, pero hindi niya magawa dahil kahit todo na ang buka ng bibig niya, sumasabit naman sa kanyang mga ngipin.
Nataranta umano si Chen nang bukod sa hindi na makapagsalita, hindi na rin siya makalunok kaya nagdesisyon siyang humingi na ng tulong sa mga propesyunal.
Read: Lady orders poppy flowers; gets puppy-shaped bouquet

Read: Corded landline phone, going obsolete? Wait, Gen Zs go gaga over it
Nang tanungin naman kung bakit siya nagpasok sa bibig ng bumbilya, ani Chen ay nakapanood siya ng online video challenge tungkol dito.
Marami aniyang netizen sa social media ang napanood niyang nakapagpasok ng bumbilya sa bibig at nailabas iyon nang walang problema.
Sinubukan lang umano niya kung kaya niya ring gawin ito.
Ang ipinagtaka umano niya, naipasok niya iyon nang maayos, pero hindi niya mailuwa.
Nakadagdag din ang panic na naramdaman nang magtagal na sa bibig niya ang bumbilya at nangawit na ang kanyang mga panga.
Bukod sa nabigo si Chen sa bumbilya challenge, kinailangan din niyang sumailalim sa rehabilitasyon para sa na-dislocate na panga.
Nagpaalala naman ang mga doktor na huwag basta gagaya o susubok ng mga extreme challenges na napapanood online na maglalagay sa sarili sa kapahamakan.
Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions
