PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs

34,128 and counting.
by KC Cordero
Published Mar 6, 2024
Donald Gorske eating Big Mac
Unang sinubukang kumain ni Donald ng signature burger ng McDonald's noong May 17, 1972. Mula noon, iningatan na niya ang resibo at package ng bawat Big Mac na kinain niya. (Photo courtesy of Guinness World Records)

Hawak pa rin ni Donald Gorske, 70, ang Guinness World Records (GWR) title para sa pinakamaraming nakain na Big Mac ng McDonald's.

Si Donald ay residente ng Fond du Lac, Wisconsin, USA.

Noong 2023 ay nakakain siya ng 728 Big Mac burgers.

Ang kanyang kabuuang nakain na Big Mac sa kanyang buong buhay ay 34,128 na—and counting.

Read: Netizens go wild guessing Vice Ganda's new endorsement

Donald Gorske eating Big Mac

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo

DONALD'S FIRST BIG MAC

Unang sinubukang kumain ni Donald ng signature burger ng McDonald's noong May 17, 1972.

Simula rin noon, iningatan na niya ang resibo at package ng bawat Big Mac na kinain niya.

Mayroon din siyang glass cases kung saan idini-display ang burger cartons mula sa iba't ibang time periods para madokumento ang pagbabago ng disenyo kada dekada.

Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce

Donald Gorske and some Bic Mac's packagings

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: New endorsement? Dingdong Dantes sparks online frenzy with post featuring wife Marian Rivera

DONALD'S FIRST GUINNESS WORLD RECORD

Taong 1999 noong nagtala si Donald ng una niyang record for eating the highest number of Big Macs. At that time, 15,490 ang bilang.

Aniya, “In that moment, I said: 'I'm going to probably eat these for the rest of my life.'”

Dahil din sa Big Mac, nagbago ang kanyang eating habits.

Mula nang masarapan siya sa naturang sandwich, nakakaubos siya ng siyam na piraso nito sa loob lang ng isang araw.

At kahit araw-araw niya itong kainin, kapag nakikita raw siya ng mga tao na nakakaubos ng ilang Big Mac, nagkokomento ang mga ito na parang noon lang siya nakatikim nito.

Pero dahil sa edad niya ngayon, okay na siya sa dalawang piraso na lang araw-araw.

HAS DONALD TRIED OTHER BURGERS?

Mukhang Big Mac lang talaga ang nagustuhan niya.

Aniya, “There are a lot of other burger chains that I have never had the desire to try."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinubukan din niya noong 1984 na kumain ng signature burger ng isa pang American hamburger fast-food chain, pero hindi raw iyon patok sa kanyang panlasa.

“When I like something, I stick with it all the time.”

Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”

HOW DONALD STAYS FIT

Ang nakakabilib, kahit laging Big Mac ang kanyang kinakain, hindi siya nagkakasakit.

Ang paliwanag ni Donald, iniiwasan niyang kumain ng French fries.

At dahil din sa kanyang unusual diet, marami ang nag-akalang hindi siya aabot sa kanyang edad ngayon.

“But instead, I've been a record holder for my 24th year.”

Isa rin siya sa Guinness World Records' longer-running record holders.

Komento niya sa kanyang kakaibang achievement, “That's pretty cool to me."

Sa paborito niyang McDo branch ay nakasabit ang larawan niya hindi lang dahil siya sa kanyang world record kundi dahil na rin sa hindi matatawarang loyalty niya bilang customer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Here's the story behind bitten apple logo of Apple

Photo of Donald

Read: Lalaking nagsubo ng bumbilya, hindi na mailuwa

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unang sinubukang kumain ni Donald ng signature burger ng McDonald's noong May 17, 1972. Mula noon, iningatan na niya ang resibo at package ng bawat Big Mac na kinain niya. (Photo courtesy of Guinness World Records)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results