PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man Revived After 50 Min Dead, 5 Week Coma

“This was a beautiful moment.”
by KC Cordero
Published Mar 12, 2024
Photo of Ben Wilson and Rebekka Holmes in the hospital, and after Ben's recovery
Bukod sa medical expertise ng mga doktor na nag-asikaso sa kanya, ang pagkabuhay muli ni Ben Wilson ay bunsod ng matinding pagmamahalan nila ng nobyang si Rebekka Holmes. (Photos courtesy of The North-Eastern Chronicle Facebook, and The Sun)

Pambihira ang kuwento ni Ben Wilson, 31, ng United Kingdom.

Isa siyang traffic management employee.

June 2023 ay dalawang beses siyang na-cardiac arrest.

Dalawang beses ding tumigil sa pagtibok ang kanyang puso sa loob ng 50 minuto habang nasa kanyang tahanan.

Napilitan ang mga paramedics na gumamit ng defibrillator nang 17 beses para ma-revive si Ben.

Kinapos sa oxygen ang kanyang utak, na siyang naging sanhi ng kanyang atake.

Photo of Ben Wilson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaking nagsubo ng bumbilya, hindi na mailuwa

Nang dalhin na siya sa ospital, inihanda na ng mga doctor ang kalooban ng kanyang pamilya.

Ayon sa mga ito, napakaliit na ng chance ni Ben na makaligtas.

At kung magkamalay man siya, magiging bedridden na siya at hindi na babalik sa dati ang estado ng kalusugan.

Sa ospital kasi ay dumanas din siya ng seizures, kidney failure, at panibagong blood clot kaya lalo siyang nahirapang huminga kahit may breathing tube.

Gayunpaman, pinatunayan ni Ben na hindi pa niya oras at mataas ang will power niyang mabuhay.

Read: Guy with no sex experience has 25 kids

Rebekka kissing Ben

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang limang linggo na nasa ilalim ng medically induced coma para maprotektahan ang kanyang utak sa oxygen deprivation, nagsimulang magpakita si Ben ng pagganda ng kondisyon.

Nakapagmulat siya ng mga mata.

Naigalaw ang mga kamay at paa.

Makalipas pa ang ilang araw ay nagawa niyang makabangon.

Nakapagsalita na rin siya at nakapaglakad.

Higit sa lahat, nagawa niyang makapag-propose sa kanyang partner na si Rebekka Holmes.

Read: 14-year marriage about to end due to wife's one-night stand with younger guy

Ayon kay Rebekka, nakakaranas si Ben ng short-term memory issues.

Pero nang unang magmulat ito ng mga mata, ang unang salitang namutawi sa bibig nito: “Rebekka...”

Ani Rebekka, “This was a beautiful moment.”

May kaunti ring depekto ngayon sa pagsasalita ang kanyang fiancé.

Kuwento pa niya sa pinagdaanan ni Ben, “When the paramedics came, they said it wasn't looking good.

“They used a defibrillator to shock him 11 times in 40 minutes before finally getting a heartbeat.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero nang mailabas na umano sa bahay si Ben para isakay sa ambulansiya, nawalan na naman ng tibok ang puso nito.

Pagpapatuloy ni Rebekka, “And they shocked him six times in another ten minutes and brought him back again.

“They put him in an induced coma right away to minimize any damage.”

Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng "inconvenience"?

Ben Wilson sitting in a wheelchair

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos magkamalay, namalagi si Ben ng 12 weeks sa neuropsychiatric rehabilitation center para maging maayos ang kanyang paglalakad.

Inabot naman siya ng walo at kalahating buwan sa ospital.

Nakauwi na si Ben sa kanyang bahay at patuloy na nagpapagaling.

Kuwento ni Rebekka, nakatulong marahil kay Ben ang hindi niya pag-alis sa tabi nito noong panahong comatose siya.

Lagi rin umanong binubulungan ng fiancée kung gaano siya kamahal nito.

Kinakantahan din siya ng paborito niyang kanta na “Dream a Little Dream of Me.”

Dagdag pa ni Rebekka, “I sprayed my perfume on his pillow, and put a teddy he bought me on it, saying ‘I love you to the moon and back,’ at his side.”

Read: FORUM: Keri mo pa bang magbuntis kahit 50 years old ka na?

Anya pa, “It is a miracle that he has survived, but there are studies that say love and touch can help.”

Isinalarawan din ni Rebekka si Ben bilang isang hopeless romantic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rebekka and Ben

Noon ay lagi siya nitong pinapadalhan ng flowers and cards.

Kaya naman nagsakripisyo rin siya nang magkasakit ang lalaki.

“I feel I was repaying him for all the love and affection he has shown me over the seven years we have been together."

Sa ngayon, nagpaplano na ang magkasintahan para sa kanilang pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pareho naman nilang pinasasalamatan ang mga doktor sa Northern General.

Aminado rin ang magkasintahan na isang miracle ang nangyari.

Read: Influencer inirampa ang mga damit na isinuot ng ina noong 1980s

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa medical expertise ng mga doktor na nag-asikaso sa kanya, ang pagkabuhay muli ni Ben Wilson ay bunsod ng matinding pagmamahalan nila ng nobyang si Rebekka Holmes. (Photos courtesy of The North-Eastern Chronicle Facebook, and The Sun)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results