Ikinasal sina Tiana at Logen Abney—parehong residente ng Verona, Kentucky, USA—nitong February 14, 2024.
Kakaiba ang kanilang wedding dahil ginanap ang seremonya sa men’s bathroom ng gas station ng HOP Shops convenience store sa Kentucky.

Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng "inconvenience"?
Sa panayam kay Tiana ng news website na WXIX, sinabi ng 23-year-old bride na gusto talaga niyang kakaiba ang kanyang magiging kasal.
“I wanted something a little different.
“Didn’t want to just get married in a typical chapel, or you know, go to the church.
“I wanted something fun to tell my kids. Something fun. A good experience.”
Read: Wedding gets messy ending; groom abandons bride after reception
Hindi nahirapang maghanap si Tiana ng venue na gusto niya.
Pinili niya ang HOP Shops convenience store—na bukod sa employed siya rito ay sikat meron itong “disco bathroom."
Ang naturang men’s room kasi ay may festive disco lights and music na naa-activate kapag pinindot ang big red button doon.
Nag-viral din ito noong 2023.
Read: Oh no! Diamond wedding ring, aksidenteng nahulog sa tambakan ng basura

Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time
Kaya nang sinabi kay Logen ni Tiana na ang gusto nitong wedding venue ay ang HOP Shop, ang sagot niya rito, “That doesn’t seem too bad.”
At nang banggitin ni Tiana na sa disco bathroom ang exact venue, ani Logen, “I’m like, ‘that’s kind of cool, too.’”
Tatlong linggong pinagplanuhan nina Tiana at Logen ang kanilang wedding.
Ang masaya, sinagot ng convenience store ang lahat ng gastos na tinatayang nasa U$800, o PHP44,673.20.
Nagbigay rin ang convenience store ng wedding cake para sa okasyon.
Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K

Read: Couple in Pangasinan holds black-themed wedding in cemetery
Last February 14, sa mismong Araw ng mga Puso, suot ni Tiana ang kanyang dreamy white princess gown habang si Logen naman ay naka-suit and tie paired with sneakers, nang maglakad sa aisle ng HOP Shops.
Nagpalitan din sila ng kanilang pangako sa isa’t isa sa restroom sa harap ng kanilang mga pamilya, kaibigan, katrabaho, at customers ng convenience store.
Isang empleyado ng HOP Shops ang nagkasal kina Tiana at Logen.
Off-limits naman sa mga customers ang restroom sa loob ng dalawang oras para ma-accommodate ang kasal.
Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue

Read: HOT TOPIC: Dalaga, may himutok tungkol sa PHP299 engagement ring mula sa nobyo
Matapos selyuhan ang kanilang kasal sa pamamagitan ng halik, sinayaw nina Tiana at Logen ang kanilang first dance bilang couple sa saliw ng “Forever and Ever, Amen” ni Randy Travis.
Siyempre pa, binuksan din ang masayang multicolored disco lights habang nagsasayaw ang newlyweds.
Ayon kay Logen nang matapos ang kasal, ang pinaka-importanteng bahagi ng okasyon ay ang taong pinakasalan niya, hindi ang venue.
Read: Brunei Prince Abdul Mateen, ikakasal na; 10 days idaraos ang magarbong royal wedding
