PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home

“She followed me.”
by KC Cordero
Published Mar 8, 2024
Neblina chasing Sarah
Walang bahay sa lugar kung saan nakita ng biker ang tuta. Posibleng naligaw ito o sadyang may nag-iwan, kaya iniuwi niya sa bahay at inalagaan. (Photos courtesy of Sarah Penso on Instagram)

Nagbibisikleta si Sarah Penso sa kanilang area sa La Azulita, Venezuela, noong December 2023, nang harangin siya ng isang tuta na may blonde fur.

Iniwasan niya ito.

Sa pagkabigla niya, hinabol siya ng tuta. Wala rin itong tigil sa pagtahol.

Inisip ni Sarah na parang hindi naman siya kakagatin ng tuta, at parang mas nanghihingi ito ng saklolo.

Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”

Sarah's IG post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Here are ways to improve your bond with your cats, dogs

Huminto siya sa pagbibisikleta. Tumigil din ang tuta sa pagtahol sa kanya.

Nang tingnan ni Sarah ang paligid para alamin kung sino ang may-ari ng tuta, napahinga siya nang malalim.

Wala siyang makita ni isang bahay.

Isang professional mountain biker si Sarah ,at sa area na iyon siya madalas mag-training.

Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation

Sa kanyang Instagram post noong December 30, ini-upload ni Sarah ang video na nagpapakita kung paano siya hinabol ng tuta.

Noong una ay inakala niyang lalaki ang tuta kaya tinawag niya itong Gasparin.

Later on, natuklasan niyang babae ito kaya ginawang Neblina ang pangalan.

Pagbabahagi niya, “I found her far away from any house. If she had an owner, she wouldn’t have been so far away from a house.”

Na-realize niyang ang pagtahol at paghabol nito sa kanya ay cry for help, at hindi dahil gusto nitong protektahan ang teritoryo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagdesisyon si Sarah na sagipin ang tuta. Binuhat niya ito at inilagay sa kanyang backpack.

Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng veterinarians

Sarah picking up Neblina

Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver

Pero ani Sarah makulit ang tuta at nag-umalpas, “I tried to put her in my backpack, but I couldn’t. But she followed me.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binagalan niya ang pagba-bike para maayos itong makasunod sa kanya.

Nang matagal nang sumusunod sa kanya ang tuta, huminto si Sarah at binuhat ito para ilagay muli sa kanyang backpack.

This time ay behaved na ang tuta kaya naikarga niya ito.

Kinausap umano niya ito na huwag malikot habang nagba-bike siya, at para namang naunawaan siya ng tuta.

“And she went with me. After 50 kilometers on my shoulders, she arrived at her new home.”

Kuwento niya, tuwang-tuwa si Neblina nang makatuntong sa kanyang bahay.

Nakipaglaro rin agad ito sa kanyang ina at ama.

Nang mapagod sa kalalaro, nakatulog ito sa mga kamay ng kanyang mom.

Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor

Sarah cuddling Neblina

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa

Pagbabahagi pa ni Sarah, “Since she’s arrived at home, she’s been very spoiled and calm. She sleeps with me and behaves like a princess.”

Nalungkot naman si Sarah nang matapos ang kanyang training at ang Holiday season.

Nag-i-stay kasi siya sa capital city ng Venezuela, ang Caracas.

Bumibisita lang siya sa kanyang parents sa La Azulita, kung saan niya napulot si Neblina.

Noong una ay plano niyang isama sa Caracas ang tuta, pero naisip niyang mas maaasikaso ito ng kanyang parents.

“She’s super happy with her grandparents, where she has space to run around and play.

“I miss her a lot, but she is happier over there in La Azulita.”

Read: Animal shelter in Davao City to be closed down; animals will be reportedly brought to dog pound

Neblina being naughty

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

Dahil sa likas na pagigng matulungin ni Sarah, isang asong ang nagkaroon ng pamilya at tahanan.

Aniya pa, “She loves to steal her grandpa’s sweets and bite her grandma’s plants.”

At naagaw na raw sa kanya ni Neblina ang titulong “most spoiled girl in the house.”

Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang bahay sa lugar kung saan nakita ng biker ang tuta. Posibleng naligaw ito o sadyang may nag-iwan, kaya iniuwi niya sa bahay at inalagaan. (Photos courtesy of Sarah Penso on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results