Si Roberto Pedreira na siguro ang maituturing na No. 1 fan ng Coca-Cola sa buong mundo.
Seventy years old na si Roberto, isang pensioner at residente ng Bahia, Brazil.
Pagtatapat niya, sa loob ng nakalipas na 50 taon ay hindi na siya uminom ng tubig.
Umaasa lang siya sa Coca-Cola Zero para hindi siya ma-dehydrate.
Naging viral din ang pagkahilig ni Roberto sa naturang softdrinks.
Nang maospital siya noong kasagsagan ng pandemya, isinulat niya sa kanyang care chart na hindi siya umiinom ng liquid medicine o tubig—kundi Coca-Cola Zero lang.
Read: 70-year-old lolo has body “to die for”; check out his insane fitness routine

Read: 70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs
Ang larawan ng kanyang care chart, sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay nag-leak sa Facebook at X (Twitter), at naging viral.
Noong una ay inakala ng netizens na joke lang iyon.
Pero kinumpirma ng apo ni Roberto na si Joao Victor, 27, sa post nito sa X last February 25, 2024 na totoo ang claim ng lolo nito.
Nag-post din si Joao ng photo ng naging viral na care card ni Roberto.
Read: Lalaking nagsubo ng bumbilya, hindi na mailuwa

Read: Guy with no sex experience has 25 kids
Ang translation sa note ni Roberto sa kanyang care card ay: “I don’t take liquid medicine! Please do not insist! I don’t drink water, only Coca-Cola Zero.”
Sa panayam sa kanya ng G1 Globo, isang news website sa Brazil, sinabi ni Roberto na sa kasalukuyan ay marami siyang sakit.
Aniya, “I haven’t drunk water in 50 years.
“I don’t like water, just Coca-Cola Zero. All the doctors I go to recommend water, but I butted heads about it with my cardiologist and my endocrinologist.
“I even take my medicine with that. Nothing with water, not a drop!”
Lagi ring puno ng paborito niyang softdrinks ang kanyang refrigerator.

Read: Lola arestado sa pananahi at pagbebenta ng fake luxury bags at wallets
Ayon naman kay Joao, marami ang nag-aakala, lalo na ang mga hindi personal na nakakakilala sa kanyang lolo, na nagsisinungaling lang ito.
Aniya, “It seems like a lie, anyone who sees it from the outside won’t believe it.
“But for as long as I can remember, he only drinks soda, even with ice cream.”
Diabetic na si Roberto. May malala rin siyang problema sa kanyang mga ugat sa katawan.
May nakakabit na ring anim na tubo sa kanyang puso dahil nagkaroon na siya ng heart attack.
Read: Beyonce look-alike gets tons of marriage proposals; PHP1.4M offer for one-night-stand
Gayunpaman, softdrinks pa rin ang gusto niyang inumin at hindi tubig.
Ayon kay Roberto ay hindi naman siya natatakot mamatay.
“I was never afraid. I say I’ve already won, I’m 70 years old.
“The doctors tell me to drink water, but I don’t want to and that’s that. If Coke killed, I would already be dead.”
Ikinuwento naman ni Joao na bagaman at hindi puwedeng pagsabihan ang kanyang lolo na uminom ng tubig, maingat ito pagdating sa sariling kalusugan kahit maraming sakit.
Regular aniya na nagpapa-medical test si Roberto, at iniinom ang anumang gamot na inirereseta ng doktor—kasabay ng paborito nitong Coca-Cola Zero.
Read: Babae nag-text sa phone ng namayapang ama, may nag-reply
