Sa mga star-crossed lovers, ang usual plot ay tutol ang mga magulang, na gagawin ang lahat, wag lang magkatuluyan ang nagmamahalan.
Ganito ang ginawa ng isang ina na taga-Mexico na ayaw sa nobya ng lalaking anak.
Ang pangyayari ay ibinahagi ng X (Twitter) user na may handle na @fulanodeobregón noong February 21, 2024.
Read: Bride faints after saying "I do" in wedding ceremony

Read: Couple chooses disco bathroom of gas station as wedding venue
Hindi na pinangalanan ang ever-disapproving mom.
Ayon sa Twitter user, last February 17 ay itinakda ang kasal ng kanyang anak, na hindi na rin binanggit ang pangalan, sa fianceé nitong si Alexandra.
Ang seremonya ay ginanap sa simbahan sa Ciudad Obregón, Sonora Province.
PAMILYA NG GROOM TUTOL SA BRIDE
Bago ang kasal ay nakaranas si Alexandra ng sari-saring harassment mula sa pamilya ng kanyang nobyo.
Napag-alaman na ang pamilya ng groom ay kabilang sa mga nakaririwasa sa lugar, at kilala dahil sa malaking funeral home business.
Hindi umano bagay si Alexandria sa lalaki, at hindi siya karapat-dapat na maging bahagi ng pamilya.
Tinatakot din siya ng mga kapatid ng lalaki sa social media gamit ang fake accounts.
Noong una ay totoong accounts ang gamit ng mga ito, pero na-block sila ni Alexandra.
Kapag kinukompronta naman ng lalaki ang mga kapamilya sa ginagawa kay Alexandra sa social media, nagde-deny ang mga ito.
Gumagawa lang umano ng issue si Alexandra para magmukhang api at lalong mahulog dito ang loob ng lalaki.
Read: Wedding gets messy ending; groom abandons bride after reception
PAANO HINADLANGAN ANG KASAL NG GROOM AT BRIDE
Ayon pa kay @fulanodeobregón ay anak-mahirap lang si Alexandra.
Kumbinsido umano ang pamilya ng lalaki, lalo na ang ina nito, na kayamanan lang ang habol ng babae sa lalaki.
Matapos pa ang mga pagbabanta sa social media, nag-offer din ang ina ng groom kay Alexandra ng blank check para lang hiwalayan nito ang anak.
Pinalabas din ng pamilya sa social media na tinanggalan na ng mana ang lalaki dahil nawala na ito sa katwiran at masyadong nabulag sa pagmamahal kay Alexandra.
May isang pagkakataon pa na inatake sa puso ang ina ng lalaki at nagpa-confine sa isang ospital.
Sinisi nito ang anak sa diumano ay pagkakasakit nito.
Later on, napag-alamang hindi totoong inatake ito sa puso kundi nag-drama lang.
Read: Bride and groom set themselves on fire during their wedding
PAANO PINIGILAN ANG KASAL
Hindi nagbago ang paninindigan ni Alexandra at ng lalaki.
Hindi rin tumigil ang ina ng groom, at hanggang sa mismong araw ng kasal ay hindi ito nag-give up sa misyong paghiwalayin ang dalawa.
Habang isinasagawa ang pre-wedding photo session sa labas ng simbahan, nakatanggap ang kalapit na police station ng isang anonymous phone call na may nagaganap na bentahan ng droga sa naturang venue.
Sumugod ang isang special unit para mag-imbestiga. Kinapkapan ang lahat ng bisita—pero walang namang nakitang droga ang mga awtoridad.
Nang sa wakas ay maayos na ang sitwasyon at natapos ang pre-wedding photo session, pinatugtog na ang bridal march para maglakad na si Alexandra papunta sa altar.
Isang kotseng humahagibis ang biglang huminto sa kanyang tapat.
Agad bumaba ang tatlong lalaki.
Dalawa sa mga ito ang nagsaboy ng pulang pintura sa white wedding dress ni Alexandra.

Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng "inconvenience"?
Ang ikatlo naman ay kinuhaan ng video ang buong pangyayari.
Hindi nagtagal, kumalat sa social media ang mga larawan ng insidente.
Hinihinalang ang grupo ang nagpakalat sa mga larawan para ipahiya si Alexandra.
Dahil sanay na si Alexandra sa mga ganitong harassment, hindi siya nagpaapekto sa naganap na insidente.
Tuloy ang kasal.
Nagpalit lang ng bride ng damit at nakipagsaya sila ng mister sa mga bisita.
Habang nagaganap ang kasalan, ang ina ng lalaki ay nagbabakasyon sa Paris, France.
Pero siya rin ang may pakana sa lahat ng aberya.
Read: Oh no! Diamond wedding ring, aksidenteng nahulog sa tambakan ng basura

Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K
Huling pagtatangka umano nito ang mga kaguluhan para mapigilan ang kasal.
Wala ring dumalo ni isa sa mga kapamilya ng lalaki.
Nagtagumpay man ang pag-iibigan nina Alexandra at ng kanyang mister, marami sa mga nagkomento sa post ni @fulanodeobregón ang nagpahayag ng pangamba na baka magtuluy-tuloy pa rin ang pangha-harass ng pamilya sa mga bagong kasal.
May mga nagrekomendang mangibang lugar na lang sina Alexanda at ang kanyang mister para sa ikatatahimik ng kanilang kalooban at pagsasama.
Dapat ay layuan na lang nila ang mga taong gustong wasakin ang kanilang pagmamahalan.
Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time
