Attractive ang smartphones sa mga kawatan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't ibang parte ng mundo.
Naging biktima ng pandurukot ang X (formerly Twitter) user na si Bedardi Raja, na may handle na @KartikeyaRai11.
Si Bedardi ay isang Indian national at residente ng New Delhi.
Ayon sa kanyang X post noong March 13, 2024, nasa Goa si Bedardi para mag-relax.
Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions
Ang Goa, na nasa southwestern part ng India, ay kilala sa magagandang beacesh, kultura, klima, at makasaysayang landmarks nito.
Perfect blend ito ng Portugal landscapes at Indian culture.
Gustung-gustung mag-chill dito ng mga lokal at dayuhang turista para ma-experience ang world-class music at sunset.
Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution
Pero hindi naging ganito ang experience ni Bedardi.
Nadukutan kasi siya ng iPhone, na ginawang pambayad ng mandurukot sa pagkain nito.

Read: 11-year-old kid tells dad who declines buying her iPhone 15 Pro Max: "You’re ruining my life!"
Ayon sa tweet ni Bedardi, “A drunk dude pickpocketed my phone in goa [I was equally drunk].
“The drunk dude then got very hungry and went to eat bhaji pao in a small shop, but he had no money to pay for it, so he took out the red iPhone and tried to trade that for the bhaji pao.”
Ang presyo ng red iPhone ni Bedardi ay nasa 60,000 lakh o PHP40,149.06.
Ang isang order naman ng bhaji pao ay nasa 100 lakh o PHP 66.83 kung sa ordinaryong kainan, at 500 lakh o PHP334.14 kung sa posh restaurant.
Sa India, Pav Bhaji ang tawag sa bhaji pao, isang popular dish na gawa sa thick vegetable curry (bhaji) at isini-serve na may kasamang soft bread roll (pav).
Nag-originate ito sa Mumbai.
Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo
Noon, ang Pav Bhaji ang paboritong lunch ng mga textile mill workers sa Mumbai dahil mabilis itong kainin.
Hindi nagtagal, isini-serve na ito sa mga restaurants sa buong Mumbai.
Ngayon, ang Pav Bhaji ay inio-offer na rin sa mga food stalls at maging sa mga formal restaurants sa India at sa ibang bansa.
Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max
May kakaibang twist naman sa kuwento ni Bedardi.
Sa isa pang tweet, sinabi niyang inalok ng mandurukot ang kanyang iPhone bilang kabayaran sa kinain na Pav Bhaji sa isang eatery, na tinanggap naman.
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon
Ang iPhone ay isinaksak ng eatery owner sa outlet para mag-charge.
Nung nag-open, bigla itong nag-ring, at sinagot ng eatery owner ang caller, who turned our to be Bedardi, na tuwang-tuwa dahil makalipas ang halos 36 oras mula nang mawala ang kanyang red iPhone ay natukoy niya kung nasaan ito.
Yun nga lang, kinailangan niyang bumiyahe ng 60 kilometro para makuha iyon sa eatery owner.
Hindi na nilinaw ni Bedardi kung binayaran niya ang Pav Bhaji na kinain ng kawatan.
Read: Corded landline phone, going obsolete? Wait, Gen Zs go gaga over it

Read: First-gen factory sealed 2007 iPhone, nabenta ng mahigit PHP3M
Tawang-tawa naman ang netizens sa insidente.
Komento ng mga ito, sobrang sarap siguro ng Pav Bhaji kaya nagawang ibayad ng kawatan ang iPhone kapalit ng isang order nito.
Paalala lang, hindi dapat pinag-iinteresan ang gamit ng ibang tao.
Nakakatuwa at kapuri-puri naman ang naging desisyon ng eatery owner na isauli kay Bedardi ang iPhone.
Read: Joey Reyes first buyer ng iPhone 15; first buyer din ng iPhone 14 last year
