Four years old na ang pusa na si Fedya.
Isa siyang rescued cat sa Russia.
Naging social-media sensation siya dahil sa kanyang nakakatawang facial expression na permanenteng tila may kinakatakutan.
May iba namang nag-aakalang gulat na gulat siya.
Para tuloy siyang real-life cartoon character.
Isang male cat si Fedya na natagpuan ng kanyang amo na si Natalya Zhdanova sa bakuran nito noong 2020.
Read: Meet Bao the Chihuahua, travel and fashion vlogger

Read: Why must you get anti-rabies vaccine not just your pets
THE YOUNG FEDYA
Nang unang makita ni Natalya si Fedya, hindi nito inakala na balang araw ay magiging Instagram star ang pusa na ngayon ay may mahigit 314,000 followers sa Instagram.
Hindi rin sigurado si Natalya kung makaka-survive si Fedya—kahit pa madalas sabihing siyam ang buhay ng pusa.
Ipinanganak kasi si Fedya na may coordination issue.
Pilay siya at nahihirapang kumilos.
Pero habang lumalaki, gumanda ang kanyang kondisyon.
Hindi nagtagal, nakakakilos na siya na parang normal na pusa.
Yun nga lang, may kakaiba pa rin sa kanya.
Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”

Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home
THE UNIQUE FEDYA
Ayon kay Natalya, noong una ay hindi niya napansin ang unusual facial expression ni Fedya.
Ang mga kaibigan niya ang laging nakakapuna at nagtatawanan sa hitsura ng kanyang alaga na parang laging may kinatatakutan o ikinakagulat.
Aniya, “I didn’t notice that he had any unusual appearance. He just seemed cute and funny to me.
“But my friends and acquaintances told me that this cat must be shown to the world.”
Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home
THE INSTAGRAM STAR FEDYA
Bagaman at ayaw sana niya, na-engganyo na rin si Natalya na mag-post ng mga larawan ni Fedya sa social media.
The rest, as they, is history.
Nagulat na lang siya nang marami ang nag-follow kay Fedya, at marami ang nagparamdam ng pagmamahal sa alaga.
Dahil dito, ipinagpatuloy niya ang pag-a-upload ng mga nakakatawang photo at video ng kanyang pet na sobrang spoiled din sa kanya.
Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation

Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng veterinarians
Unang nakilala sa social media si Fedya noong 2021.
Naibalita rin siya ng international news outlets noong nagsisimula pa lang ang kanyang Instagram journey.
Sa umpisa ay mayroon lang 36,000 followers ang kanyang IG account na may handle na @fedja_kot.
Ngayon, patuloy na dumarami ang kanyang followers.
Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver
Nagkonsulta rin si Natalya sa veterinarian para malaman kung bakit may unusual facial expression si Fedya.
Walang maipaliwanag na dahilan ang veterinarian, pero posible umanong dahil ito sa genetic defect o resulta ng physical trauma.
Duling din kasi si Fedya, at malaking factor iyon kaya mayroon siyang permanently scared expression.
Pero sabi nga ng netizens na tuwang-tuwa sa kanya, anuman ang rason, iyon ang naging dahilan para maging special si Fedya, at maging isang socia-media star.
Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor
