PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Husband Ends 16-Year Marriage on Learning 4 Kids Aren't His

But he still fights for custody.
by KC Cordero
Published Mar 20, 2024
Photo of a sad man
Ang eskandalo sa pagitan ng mag-asawang Chen Zhixian at Yu Hua ay isa sa high-profile divorce cases sa China.

Pinakasalan ni Chen Zhixian ang kanyang misis na si Yu Hua noong December 2007.

Residente sila ng Dexing, Jianxi Province, China.

Sa unang pagkikita nila, nagdesisyon agad si Chen na pakasalan Yu kahit pa walong taon ang tanda nito sa huli.

Para kay Chen, napakasimpleng babae ni Yu.

Matagal na rin siyang inuudyukan ng kanyang parents na mag-asawa na—at pakiwari niya ay natagpuan na niya ang “the one.”

Makalipas lang ang ilang araw matapos nilang ikasal, buntis si Yu.

Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert

Photo of a pregnant woman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: What it's like to have tokophobia: an extreme fear of pregnancy

Gayun na lang ang kanyang tuwa, kaya tila hindi nag-sink in sa kanya noon na kaybilis namang nabuntis ng kanyang misis.

Babae ang kanilang naging anak.

Read: Mom resorts to desperate measures to stop son's wedding

SECOND AND THIRD PREGNANCIES

Nagtrabaho si Chen bilang driver ng isang truck na malalayo ang nagiging biyahe.

Sa loob ng isang taon, bihira lang siyang makauwi sa kanyang pamilya—at hindi rin siya nagtatagal.

Muling nagbuntis si Yu at nanganak na naman ng baby girl.

Nagkaroon na ng bahagyang pagdududa si Chen na baka hindi kanya ang baby dahil lagi naman siyang wala sa bahay.

Read: Man dead for 50 minutes, under coma for 5 weeks; gets second chance at life

Noong 2019 ay muling nagbuntis si Yu.

Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang nagduda si Chen na hindi niya anak ang bata na isa na namang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpronta ni Chen ang misis at sinabing ang kanyang pagdududa, pero iginiit ni Yu na siya ang ama ng kanilang anak.

Bandang huli, tinanggap na lang ni Chen ang paliwanag ni Yu, pati na rin ang kanilang ikatlong anak.

Read: Diabetic at sakitin na lolo ayaw ng tubig; softdrinks lang ang iniinom sa loob ng 50 years

FOURTH BABY

Taong 2022, natiyak ni Chen na hindi nga tapat sa kanya si Yu.

May nakapagsabi sa kanya na nagkaroon ito ng affair sa isang lalaking nagngangalang Wu.

Ayon din sa kanyang informant ay nanganak ang kanyang misis ng isa na namang baby girl sa isang ospital sa Shangrao City.

Read: Couple chooses disco bathroom of gas station as wedding venue

Sa halip na kumprontahin si Yu, kumuha si Chen ng abogado.

Nagpunta rin siya sa ospital para alamin kung totoong nanganak doon ang kanyang misis.

At nalaman niya na totoong nanganak nga si Yu noong November 2022.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang masakit pa para kay Chen, sa release form ay siya ang nakalagay na ama ng bata.

Pineke rin ang kanyang pirma.

Read: 70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs

TATLONG ANAK HINDI SI CHEN ANG AMA

Dahil sumagad na ang kanyang pagdududa at meron na rin siyang pruweba, nag-file si Chen ng divorce.

Humiling din siya ng paternity test para sa kanyang mga anak.

At na-shock siya sa naging resulta.

Read: Lalaking nagsubo ng bumbilya, hindi na mailuwa

Photo of a lonely man

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Guy with no sex experience has 25 kids

Ang tatlong bata na siya mismo ang nagsusuporta sa pagpapalaki ay hindi niya anak.

Sa tindi ng pagkawasak ng puso ni Chen sa natuklasan, idinemanda niya si Yu.

Pero hiniling pa rin niya sa korte na sa kanya mapunta ang tatlong bata.

Pinagbabayad naman niya si Yu para sa emotional distress na naidulot nito sa kanya.

Read: 14-year marriage about to end due to wife's one-night stand with younger guy

KASO PINAGPIYESTAHAN NG MEDIA

Naging sensational ang kaso sa hukuman nina Chen at Yu.

Isang taon din itong pinagpiyestahan ng Chinese media.

Bawat panig ay nakatanggap ng kanya-kanyang suporta at kritisismo.

Nakakuha ng mga kakampi si Yu matapos nitong akusahan si Chen ng domestic violence.

Sinabi ng babae sa media na ginulpi ni Chen ang kanyang ina nang protektahan siya nito laban sa mister.

Inamin naman ni Chen na nagkaroon sila ng altercation ng kanyang biyenang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi umano niya sinasadya at natangay lang siya ng kanyang damdamin nang kumprontahin niya si Yu sa pagtataksil nito sa kanya.

Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng "inconvenience"?

ANG HATOL NG HUKUMAN

Inilabas ng family court ang pinal na desisyon noong December 29, 2023.

Ipinagkalob kay Chen ang custody sa una at pangalawa nilang anak ni Yu.

Inatasan din ng korte si Yu na ihinto na ang paghahabol ng material possessions kay Chen.

Pinagbabayad din ang babae ng monthly alimony sa mister.

Read: HOT TOPIC: Lady walks out on date after knowing the guy lied about his age

Silhouette of man with his kids

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Beyonce look-alike gets tons of marriage proposals; PHP1.4M offer for one-night-stand

Nang makapanayam ng media matapos ang naging desisyon ng hukuman, sinabi ni Chen na ang pagtataksil ni Yu at ang pagkakatuklas na hindi siya ang ama ng kanilang mga anak ay nagdulot sa kanya ng matinding trauma.

Plano umano niyang mag-move on, at magsimulang muli.

Ituturing naman niyang tunay na mga anak ang dalawang bata na ipinagkatiwala sa kanya ng hukuman.

Read: Love At The Right Time: Content creator's selfie captures future husband before they met

Naging pinal na ang divorce nina Chen at Yu ngayong March 2024, ayon sa ulat ng ThePaper.cn, isang news website sa China.

Tinanggap ni Yu ang lahat ng kondisyon ng korte. Hindi na siya maghahabol sa kanyang ex-husband, at magbabayad din siya sa naging danyos sa naging emotional trauma ni Chen sa kanilang naging relationship.

Sa kabila ng hindi pagiging tapat ni Yu kay Chen, tumagal din ang kanilang marriage ng 16 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Boyfriend, nalamang tumama sa lotto ang girlfriend; nagpapabili ng kotse

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang eskandalo sa pagitan ng mag-asawang Chen Zhixian at Yu Hua ay isa sa high-profile divorce cases sa China.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results