Ikinasal si Abby Hensel, 34, isang teacher sa Minnesota, USA, noong 2021 sa kanyang boyfriend na si Josh Bowling, 33, isang nurse at army veteran.
Kakatwa ang marriage na ito dahil may conjoined twin si Abby, si Brittany.

Unang nakilala ng buong mundo ang twins nang mag-guest sila sa TV show ni Oprah Winfrey noong 1996.
Naging cover girls din sila ng Life magazine.
Mas lalo silang sumikat pagsapit nila ng 16 years old dahil sa isang reality show ng TLC kung saan ipinakita ang kanilang journey, kabilang ang kanilang high-school graduation at paghahanap ng trabaho.
More than two decades later, naging laman sila ng social media matapos i-upload kamakailan sa kanilang TikTok account ang video ng kasal nina Abby at Josh.
Marami ang hindi makapaniwala dahil iisa nga ang katawan nina Abby at Brittany.
Read: Mom resorts to desperate measures to stop son's wedding
ABBY AND BRITANNY'S DESIRE TO HAVE KIDS
Sa isang dokumentaryo noong 2003 na mga teenager pa lang sina Abby at Brittany, inihayag ng kanilang inang si Patty na gusto ng kambal na magkaroon ng mga sariling anak.
Puwede raw mangyari iyon dahil maayos naman ang organs ng kambal.
Sa isang hiwalay na panayam, iginiit ni Britanny ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya.
Aniya, “The whole world doesn't need to know who we [siya at si Abby] are seeing, what we are doing, and when we are going to do it.
“But believe me, we are totally different people.”
Sambit naman ni Abby noon, magiging nanay silang dalawa ni Britanny balang araw.
“But we don't want to talk about how it's going to work yet.”
Sa nakalipas na 10 years, naging tahimik ang buhay ng kambal.
Muli silang nagbalik sa consciousness ng publiko nang magkaroon ng relasyon si Abby kay Josh.
Natsismis din noon na may karelasyon at engaged na si Britanny—pero ayon sa kambal ay isang “dumb joke" iyon.
Read: “Toxic” mom bursts daughter’s bubble who showed her customized engagement ring
Normal ang pagpapalaki ng mga magulang sa kambal kaya hindi sila nag-dwell sa mga limitasyon ng kanilang sitwasyon.
“We were raised to believe we could do anything we wanted to do.”
Ayon naman sa ama ng dalawa na si Mike, noong 2001 ay nagsabi na ang kambal na darating ang araw na maghahanap ang mga ito ng lalaking mapapangasawa.
Hindi niya sinasansala ang kagustuhan ng mga ito.
Paliwanag ni Mike, magaganda at matatalino sina Britanny at Abby.
“They've got everything going for them, except they're together.”
Read: Bride faints after saying "I do" in wedding ceremony
ABBY AND BRITTANY'S BODY STRUCTURE
Kahit naman iisa ang kanilang mga organs, nakakaranas sina Abby at Brittany na magutom nang hindi sabay.
Gayundin sa pag-ihi at sa pagtulog.
Distinct din ang kanilang nervous systems. Kapag kiniliti si Abby sa kanyang side, hindi ito mararamdaman ni Brittany.
Pareho naman nilang nararamdaman kapag hinaplos ang kanilang likod.
Hindi ikinonsidera kahit kailan nina Patty at Mike na paghiwalayin ang kambal.
Posible kasing ikamatay nila ito o magkaroon ng disabilities at makompromiso ang kalidad ng buhay nila.

Dalawa ang kanilang spine na magkadugtong sa pelvis, dalawa ang puso, dalawa ang esophagus, dalawa ang stomach, tatlo ang kidney, dalawa ang gall bladder, apat ang lungs na ang dalawa ay magkadikit, isang atay at dalawang ribcage.
Shared ang kanilang circulatory system at partially shared ang nervous systems.
Mula naman sa baywang pababa, lahat nang organs, kabilang ang intestine, bladder at reproductive organs, ay share sina Abby at Brittany.
Tatlo ang kanilang kamay nang ipanganak, pero inopera ang isa at tinanggal.
Ang kanilang mga paa at kamay ay parang kinokontrol ng iisang tao lang.
Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng "inconvenience"?
A PEEK INTO THE GROWING-UP YEARS OF ABBY AND BRITTANY
Nang isilang sina Abby at Brittany noong March 7, 1990, sinabihan na ng mga doktor ang kanilang parents na hindi aabutin ng 24 oras ang kambal dahil sa kanilang kondisyon.
Pero nagkamali ang mga doktor.
Nagulat din sila sa pambihirang skills ng mga sanggol: May kontrol sina Abby at Brittany sa bahagi ng kanilang katawan kung saan nakapuwesto ang kanilang ulo. Kontrolado ni Abby ang kanan, habang kaliwa naman ang kay Brittany.
Sa kanilang paglaki, makikitang very talented ang twins.
Nakakatugtog sila ng piano, at pareho ring mahilig sa sports, gaya ng bowling, volleyball, cycling, softball, at swimming.
Pagdating naman sa pagdedesisyon, pinag-uusapan nilang mabuti kung ano ang dapat gawin.
“We take turns. We want to work it so each of us is happy, and we find a happy medium,” ani Abby.
Ayon naman kay Brittany, lagi silang may bargaining agreement, “Like, ‘If you do this, I'll give you that.’”

Pagsapit ng kanilang 16th birthday ay nakapasa sila sa driving test, at parehong nabigyan ng driver’s license.
Isa itong kamangha-manghang pagpapakita ng teamwork ng kambal na gumamit ng isang kamay lang para makontrol ang manibela.
Biro ng kanilang ina, “I don't know what would happen if they got pulled over for speeding.
“Would they each get a ticket or just Abby because it's her foot on the accelerator?”
HOW ABBY AND BRITTANY LIVE HARMONIOUSLY AND SEAMLESSLY
Habang lumalaki, magkaiba rin ang personalidad at mga gusto ng twins.
Matapang at matigas ang ulo ni Abby, na mahilig sa orange juice.
Palabiro naman si Brittany, na gatas ang paboritong inumin.
Ani Britanny, “Believe me, we are totally different people."
Maganda ang estado ng kalusugan ng kambal. Wala silang depekto sa puso at maging ang ibang organs.
Mas matangkad naman si Abby na 5’ 2” ang height samantalang 4’ 10” si Brittany.
Lagi ring nakatiyad ang huli para mapanatili ang kanilang balanse.
Ayon sa kambal, naging malaking palaisipan sila sa medical world dahil walang nakaaalam kung paano sila kumikilos na magkapatid.
Seamless pati ang coordination nila physically and mentally.
Kaya nilang magsulat na parang iisa ang nag-iisip. Kapag nagsimula si Abby halimbawa ng sentence, kayang tapusin iyon ni Brittany.
Read: Bride and groom set themselves on fire during their wedding
Minsan din lang napag-usapan ng kambal na maghiwalay—nang magkasakit ng pulmonya si Brittany at na-bore si Abby dahil lagi silang nakahiga.
Si Abby ang nag-suggest na maghiwalay sila.
Pero nang umiyak nang umiyak si Brittany dahil natakot ito sakaling operahan sila, hindi na muling binanggit ni Abby ang suggestion na maghiwalay sila.
Ang kambal ay may dalawang kapatid, isang babae at isang lalaki, na mas bata sa kanila.
Ayaw naman nina Abby at Brittany na kapag namamasyal sila ay may mga taong kinukunan sila ng picture.
Ani Abby, “We don't mind when people ask questions, that's better than taking pictures or being mean about it.
“We absolutely hate when people take pictures of us.”
Enjoy naman sila sa pagta-travel dahil iisa lang ang kanilang plane ticket.

ABBY AND BRITANNY'S SITUATION AT WORK
Parehong guro sina Abby at Brittany, na nagtuturo ng Grade V mathematics sa isang elementary school sa New Brighton, Minnesota, kung saan sila isinilang at lumaki.
Kuwento ni Abby, umpisa pa lang ay alam na nila ni Britanny na isang suweldo lang ang kanilang matatanggap dahil iisa ang kanilang katawan.
Pero lamang aniya sila sa ibang teacher.
“One can be teaching, and one can be monitoring and answering questions.
“So, in that sense we can do more than one person.”
Tig-isa naman sila ng lisensiya sa pagtuturo.
Magkaiba rin ang kanilang birth certificates at passports.
Read: Couple chooses disco bathroom of gas station as wedding venue
NETIZENS, CURIOUS ABOUT SET-UP NOW THAT ABBY IS MARRIED
Maliban sa wedding video sa TikTok at mga larawan nina Abby at Brittany kasama si Josh, walang nababanggit ang twins tungkol sa kanilang sitwasyon ngayong married na ang isa sa kanila.
Tanong ng netizens, paano pag si Brittany naman ang na-fall in love?
Dahil magkaiba ang kambal ng damdamin, paano raw kaya ang intimate moments nina Abby at Josh?
Marami pang katanungan ang nasa comments section dahil sa kakaibang sitwasyon nina Abby at Brittany.
Pero sa dami ng nalampasan at napagdaanan ng kambal sa kanilang journey, sila mismo ang makakahanap ng solusyon sa mga problema at hamon na kanilang kakaharapin.
After all, ever since ay dream nila ang magkapamilya at magkaroon ng sari-sariling anak.
Read: Oh no! Diamond wedding ring, aksidenteng nahulog sa tambakan ng basura
