PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Conjoined twins react to comments and questions about secret wedding

It's a cryptic post.
by KC Cordero
Published Apr 3, 2024
Photos of Abby and Brittany Hensel
Para kina Abby at Brittany Hensel, hindi sila dapat pagtakhan ng mga tao dahil simula pa noong unang panahon ay sadyang may isinisilang sa mundo na conjoined twins.

Binasag na ng sikat na conjoined twins na sina Abby at Brittany Hensel ang kanilang pananahimik matapos nilang mag-viral kamakailan.

Read: Famous conjoined twins Abby and Brittany make headlines again with Abby's wedding

Ito ay dahil sa nabunyag na secret wedding ni Abby kay Josh Bowling.

Nangyari ito noon pang 2021, pero nalaman lang ng buong mundo ang tungkol sa marriage nang mag-post ang kambal sa TikTok ng wedding video noong 2023.

Ang kambal ay may iisang katawan, at magka-share mula sa baywang hanggang ibaba.

Hati rin sila sa kanilang ibang organs, gaya ng intestine, bladder, at reproductive organ.

Si Abby ang nasa kanan, at mas matangkad kaysa kay Brittany.

Read: Kambal nagtapos bilang class valedictorian at salutatorian

Abby and Brittany with Josh

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Twins born six minutes apart in different years

Mula nang i-share nina Abby at Brittany sa kanilang TikTok account na @abbyandbrittanyhensel ang wedding video, bumaha ang napakaraming katanungan mula sa netizens dahil sa kanilang kakaibang sitwasyon.

May netizen na nagsabing na-confuse ito kung parehong pinakasalan ni Josh sina Abby at Britanny.

At dahil magkadikit ang mga katawan ng kambal at iisa ang reproductive organ, paano raw kaya ang intimate moments nina Abby at Josh gayung laging present din si Brittany?

Pangarap ng kambal na magkaroon ng sariling anak, pero sakaling magbuntis, komento ng isang netizen, sino kaya kina Abby at Brittany ang tunay na ina ng kanilang magiging anak.

At paano raw kaya kapag si Brittany naman ang nakatagpo ng lalaking mamahalin at gusto rin nitong magpakasal?

Aminado naman ang mayorya ng netizens na marami silang "improper questions" sa pambihirang pangyayaring ito.

Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABBY AND BRITTANY REACT

Nitong March 30, 2024, matapos nilang mag-viral ay nag-post ang kambal sa TikTok ng video ng shared images ng ancient sculptures na nagpapakita ng conjoined twins.

Ang caption sa video, published as is: “The internet is extra LOUD today.

“We have always been around.”

Ang ibig iparating na mensahe nina Abby at Brittany ay hindi sila dapat ituring na kakaiba dahil kahit naman noong unang panahon ay may mga ipinanganganak na kambal na magkadikit.

Sa isa pang TikTok post ay nagbahagi ang kambal ng photo nila kasama si Josh.

Ang caption: “This is a message to all the haters out there.

“If you don't like what I do, but watch everything I'm doing, you're still a fan.”

Read: Twins separated at birth discover each other on TikTok after 19 years

MEET THE OTHER SET OF CONJOINED TWINS

Sina Abby at Brittany ay isa lang sa iilan na dicephalus twins sa kasaysayan na na-survive ang infancy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May kanya-kanya silang birth certificates, passports, at driver’s licenses.

Read: Babaeng doble ang uterus, nagbuntis ng kambal na magkahiwalay ng puwesto

Abby and Brittany when they were young

Read: Conjoined twins Joy and Joyce Magsino graduate from elementary with honors

Pareho rin silang fifth grade math teachers sa isang elementary school sa New Brighton, Minnesota, kung saan ipinanganak at lumaki ang kambal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, bukod kina Abby at Brittany, may isa pang conjoined twins—both females—na nabubuhay sa mundo.

Sila ay sina Ayse at Sema Tanrikulu na ipinanganak sa Turkey noong 2000.

Read: Kambal, isinilang after 30 years ng pagiging frozen embryos

Turkey's conjoined twins

Read: Twins Marge and Mads Cruz, parehong summa cum laude sa UP Diliman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2019, lumikha rin ng ingay sa social media sina Ayse at Sema nang kumuha sila ng college entrance examination para makapag-aral ng theology sa national university ng Turkey.

Sa kasamaang palad, hindi nakapasa ang kambal, pero marami ang nag-wish na sana ay huwag mag-give up ang dalawa na matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Isa rin ito sa patunay sa sinabi nina Abby at Brittany na gaya ng iba, walang kakaiba sa mga sumusulpot na conjoined twins dahil pare-pareho lang ang mga tao sa mundo—solo man o may kakambal—na nangangarap, nabibigo, nagmamahal, nasasaktan at nagtatagumpay.

Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para kina Abby at Brittany Hensel, hindi sila dapat pagtakhan ng mga tao dahil simula pa noong unang panahon ay sadyang may isinisilang sa mundo na conjoined twins.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results