PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Machine to control neighbor's loud music

Inventor idinetalye kung bakit at paano binuo ang machine
by KC Cordero
Published Apr 5, 2024
The Reggaeton Be Gone
Dahil nairita na sa maingay na patugtog ng kanyang kapitbahay, nag-develop si Roni Bandini ng machine na kayang ikontrol ang speaker nito.

Isa si Roni Bandini, taga-Argentina, sa mga pikon na pikon na sa mga kapitbahay na maingay magpatugtog ng sound system.

Isang artist at computer programmer si Roni.

Sa artikulong nalathala sa technology news website na euonews.next last March 29, 2024, sinabi niyang siya at ang kanyang kapitbahay ay parehong mahilig sa reggaeton.

Magkatabi ang condo units na kanilang tinitirahan.

Read: "World’s Narrowest House" built to spite neighbor

Ang problema, sa mga alanganing oras nagpapatugtog ang kanyang kapitbahay—na ang Bluetooth speaker na napakalakas ay nakadikit sa wall na nakapagitan sa kanila.

Walang acoustics ang condo kaya tumatagos sa wall ang pagpapatugtog ng kanyang kapitbahay.

Nang hindi na niya makayanan ang sobrang lakas ng pagpapatugtog nito, nagdesisyon si Roni na remedyuhan ang sitwasyon sa pamamagitan ng kanyang invention.

Read: "Transformers" statues na naging tourist attraction, pinatanggal ng mga kapitbahay

Roni Bandini with his Reggaeton Be Gone machine

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sharon Cuneta rants about noisy construction of neighbor

Kung ang ibang tao ay dinadaan sa pakiusap kapag ang kapitbahay ay malakas magpatugtog ng music o kaya ay walang tigil sa pagbi-videoke, iba ang kanyang naging approach.

Gumawa siya ng isang machine na tinawag niyang “Reggaeton Be Gone.”

Ang Reggaeton Be Gone ay isang machine na may microphone, isang maliit na computer at algorithm na made-detect kapag may pinatutugtog na reggaeton song.

Mag-i-interfere ito sa speaker na pinagmumulan ng music.

Read: Pokwang rants about neighbor's videoke session after curfew

PAANO GUMAGANA ANG MACHINE?

Sa isang video ay ibinahagi ni Roni kung paano gumagana at kung paano niya binuo ang Reggaeton Be Gone.

Aniya, gumamit siya ng available materials at code na siya mismo ang nag-program.

Una ay sinanay muna niya ang artificial intelligence (AI) model para magawa nitong ma-recognize ang reggaeton songs.

Para magawa ito, nag-download si Roni ng representative tracks ng naturang music genre at ini-upload sa Edge Impulse, isang machine-learning development platform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang handa na ang AI, isinunod naman niya ang hardware. Nagdagdag siya ng 3D-printed front at isang maliit na OLED screen sa isang metal box.

Sa loob nito, naglagay siya ng Raspberry Pi 3 kung saan nakatanim ang kanyang na-train na AI model.

Read: Aral mula sa story ng magkapitbahay na nasira ang pagkakaibigan dahil sa WiFi at Netflix passwords

The component of Reggaeton Be Gone

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 80-year-old woman without child leaves fortune worth more than PHP300M to caretaker

Ang Raspberry Pi ay isang series of single-board computers na likha ng Raspberry Pi Foundation, isang United Kingdom charity na naglalayon na maturuan ang mga tao ng tungkol sa computer at magkaroon ng access sa computer education.

Para naman ma-detect ang music, nagdagdag si Roni ng microphone at sumulat ng Python code para ma-monitor ang sound at i-send ang tunog sa recognition software.

Read: Conjoined twins react to comments and questions about secret wedding

ANO ANG MANGYAYARI KAPAG NA-DETECT ANG MUSIC?

Paliwanag ni Roni, kapag sobrang lakas na ng tugtog mula sa speaker na aabot na sa 75 percent ng volume, magse-send dito ang machine ng multiple requests and packets via Bluetooth.

Dahil dito, magagawa na niyang i-turn off ang speaker, o kaya ay i-jam ang audio.

Bluetooth speaker

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang naging inspirasyon ni Roni para mabuo ang Reggaeton Be Gone ay ang gadget na TV-B-Gone, isang universal remote control na inilunsad noong 2004.

Kayang i-turn off ng TV-B-Gone ang mga TV sa mga pampublikong lugar gaya ng shops, bars at waiting rooms.

Naimbento ito ni Mitch Altman, isang US hacker and inventor.

Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!

REGGAETON BE GONE HINDI GAGAWING NEGOSYO

Aminado si Roni na posibleng ang pagkontrol niya sa speaker ng kapitbahay ay isang illegal activity.

Pero katwiran niya, “On the other hand, listening to reggaeton every day at 9;00 a.m. should definitely be illegal.”

Kahit naman nag-viral ang kanyang invention, hindi niya ito gagawing negosyo.

Alam umano niya na malaki ang commercial opportunity kung magma-mass produce siya ng Reggaeton Be Gone at ibebenta, pero pagtitiyak ni Roni, “I'd rather not.”

Bukod naman sa reggaeton, maaari ring ma-detect ng Reggaeton Be Gone ang iba pang music genre—pero kailangan munang i-program sa machine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Employee asked by former employer for laptop password 6 months post-termination; netizens react

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil nairita na sa maingay na patugtog ng kanyang kapitbahay, nag-develop si Roni Bandini ng machine na kayang ikontrol ang speaker nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results