Si K. Padmarajan, 65, isang repairman mula sa Indian state of Tamil Nadu ang itinuturing na “Election King” at “World’s Biggest Election Loser.”
Nakalahok na siya sa 238 political elections.
Hindi pa siya nanalo kahit minsan.
Tatlong dekada na siyang kumakandidato, at malaki na rin ang nagastos sa pangangampanya.
Read: Machine naimbento para makontrol ang maingay na patugtog ng kapitbahay
Ang pinakamalapit na talagang muntik na sanang nanalo si K. Padmarajan ay noong 2011 sa halalan sa kanilang lugar.
Tumakbo siya para maging kinatawan ng general assembly ng bayan ng Mettur.
Nakakuha siya ng 6,273 votes.
Malayo ang agwat sa kanya ng nanalo na nakakuha naman ng 75,000 votes.
Sa kabila ng malaking kalamangan ng kalaban ay pumangalawa na rito si K. Padmarajan—kaya nagbigay iyon ng malaking pag-asa sa kanya na balang araw ay mahahalal din siya.
Read: Meet Christian John Paul Lijayan, cum laude and board topnotcher

Read: Tricycle driver's son, math genius, set to join international math olympiad
Gayunpaman, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagbabago ang kanyang kapalaran sa Indian political race.
Pero para kay K. Padmarajan, pangalawa lang sa kanyang layunin ang manalo sa halalan.
Aniya, “All candidates seek victory in the elections, I don’t.”
Gusto umano niyang maipakita kung paano maging resilient ang isang tao, at kung paano tumanggap ng pagkatalo.
Read: 80-year-old woman without child leaves fortune worth more than PHP300M to caretaker
At kahit 238 na beses na siyang natalo, hindi nagpapatinag si K. Padmarajan.
Ngayong 2024 ay lalahok siyang muli sa kanyang 239th election bid.
Target niya ang parliamentary seat ng Dharmapuri district ng Tamil Nadu.
Masakit mang sabihin, mukhang hindi pa rin siya mananalo—but who knows?
Kung minsan, nababago ang kapalaran ng tao sa pagkakataon pa na hindi inaasahan.
Read: Conjoined twins react to comments and questions about secret wedding
Nagsimula ang paglahok ni K. Padmarajan sa halalan noong 1998, kung saan tumakbo siya para sa lokal na posisyon sa kanyang lugar sa Mettur.
Aniya, noon pa man ay alam na niyang wala siyang tsansang manalo pero gusto niyang ipakita sa lahat na ang tulad niyang isang karaniwang tao ay maaaring tumakbo para sa official positions.
Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!

Read: Guy working with his laptop inside cinema sparks online discussion about work-life balance
Sa nakalipas na tatlong dekada, ang tinaguriang Election King ay natalo sa halalan ng mga prominenteng pangalan sa India politics gaya ni Indian Prime Minister Narendra Modi.
Natalo rin siya ng naging Indian PMs na sina Atal Bihari Vajpayee at Manmohan Singh.
Balewala naman ang mga pagkatalo kay K. Padmarajan, at gusto niyang maging modelo ng mga susunod na henerasyon.
Para makapagbigay ng inspirasyon at maipakita kung paano magsisikap sa pang-araw-araw na buhay, nagbibigay ngayon si K. Padmarajan ng workshops sa mga estudyante tungkol sa resilience at kung paano makaka-move on sa pagiging talunan.
Read: Meet this influencer earning six figures for resembling Kobe Bryant
