PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Goats Outnumber People on Island; Mayor to Give Them Away

Oh my goat!
by KC Cordero
Published Apr 9, 2024
Photo of goats
Malaking problema sa isang maliit na islang bahagi ng Sicily, Italy ang sobrang dami ng kambing dito. Mas marami pa kasi sila sa populasyon ng tao.

Malaking problema sa isang maliit na islang sakop ng siyudad ng Alicudi sa Aeolian archipelago ng Sicily sa Italy ang sobrang dami ng kambing dito.

Para maresolba ang overpopulation problem, may kakaibang solution ang mayor ng Alicudi na si Riccardo Gullo.

Ayon sa ulat ng news website na UPI last April 4, 2024, in-introduce ni Mayor Gullo ang “adopt-a-goat program."

Ang kanyang offer: libre na ang kambing kung sino man ang makakahuli sa mga ito.

Ang mga residente sa isla ay nasa 100 katao lang, samantalang ang mga kambing ay nasa mahigit 600 na—and counting.

Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home

Photo of goats

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”

Batay sa inilabas na patakaran ni Mayor Gullo, ang sinumang interesado sa mga kambing ay maaaring magpadala ng request sa pamamagitan ng email sa local government.

Kailangan ding magbayad ng US$17 “stamp fee” o PHP 959.77.

Ang stamp fee ay isang uri ng buwis sa pagkuha ng legal documents, partikular kung ililipat sa pangalan ng nagbayad ang property o anumang binili sa gobyerno.

Kapag nakumpleto ang requirements, maaaring kumuha sa isla ng kambing kahit ilan—pero kailangang maialis agad ang mga ito sa isla sa loob ng 15 araw matapos maaprubahan ang request.

“Anyone can make a request for a goat, it doesn't have to be a farmer, and there are no restrictions on numbers,” pahayag ni Mayor Gullo.

Read: Teenager steals horse; attempts to hide it in his third-floor apartment

Hanggang April 10 lang ang kanyang offer, pero posibleng palawigin pa niya ang deadline hangga’t hindi naibababa ang populasyon ng mga kambing sa manageable level.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi na rin aalamin pa ng mga lokal na opisyal kung ano ang plano ng mga gustong kumuha ng kambing, pero ideally, mas gusto sana ni Mayor Gullo na alagaan na parang pets ang mga ito sa halip na katayin para kainin.

Nagsimulang mag-alaga ng kambing sa isla noong early 2000.

Isang residente ang nagdala roon ng ilang kambing.

Pero dahil sa lokasyon ng isla na hindi agad naibibiyahe para maibenta sa ibang lugar ang mga kambing, karamihan sa mga ito ay nakawala sa mga kural, gumala, nanirahan sa kagubatan at naging wild, hanggang sa dumami nang dumami.

Read: Dambuhalang sawa sa Calasiao, Pangasinan pinaghahanap

Photo of goats

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nag-iisang stingray sa aquarium, nabuntis; pating nga ba ang ama?

For a while, ang mga kambing ay naging tourist attraction din sa isla.

Kalaunan, naging problema ang paglusob nila sa mga garden at pagpasok sa mga bahay para maghanap ng pagkain.

Sa panayam naman ng local publication na Fanpage, sinabi ni Mayor Gullo na isa siyang animal rights activist, at sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakahuli man lang ni isang isda.

“In my belief, we must always intervene in nature with soft feet.

“I hope, and in this I am comforted by the experts, that we have made the best possible choice and that these goats will live a happy life.”

Bago ibiyahe ang mga kambing palabas ng isla ay susuriin munang mabuti ng mga beterinaryo para matiyak na walang sakit ang mga ito.

Read: Chinese crested tern seen again in Manila Bay after 100 years

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of goats

Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation

Para naman kay Mayor Gullo, ang magandnag kondisyon ng lugar ay nakaapekto sa pagdami ng mga kambing sa isla.

Mahal ang kambing sa Europe, at ang presyo ng isa nito ay umaabot sa US$217 o PHP12,257.03.

Read: VIRAL: Debutante sa Quezon, mga biik ang hininging regalo para makapagtayo ng piggery

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaking problema sa isang maliit na islang bahagi ng Sicily, Italy ang sobrang dami ng kambing dito. Mas marami pa kasi sila sa populasyon ng tao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results