PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lalaki pineke ang death certificate para makaiwas sa pagsuporta sa misis

Isa siyang mahusay na hacker
by KC Cordero
Published Apr 12, 2024
Photo of Jesse Kipf
Sa kagustuhang huwag magbigay ng suporta sa kanyang ex-wife, pinalabas ni Jesse Kipf na patay na siya sa pamamagitan ng pag-access sa death registry system ng Hawaii. Siya rin ang lumagda sa kanyang death certificate gamit ang digital signature ng isang doktor.

Inamin ni Jesse Kipf, 39, ng Kentucky, USA, na na-access niya ang death registry system ng Hawaii.

Napasok niya ang system gamit ang login details na ninakaw niya sa isang doktor sa Hawaii noong January 2023.

Ginawa niya ang krimen para palabasin na patay na siya para makaiwas sa pagbabayad ng mahigit US$100,000 o PHP5,649,100 bilang child support sa ina ng kanyang anak.

Read: 2 boys in Rizal get Batang Bayani Award for 'exceptional bravery in preventing robbery'

Nahaharap ngayon si Jesse sa parusang pagkakakulong ng pitong taon dahil sa kanyang ginawang krimen.

Ayon sa mga nag-imbestiga sa kaso ni Jesse, lumikha siya at nag-assign ng file para sa kanyang sarili sa death registry system ng Hawaii.

Read: Couple exchange "I do" at the moment total eclipse happened

Photo of death certificate

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet 19-year-old Livia Voigt, world’s youngest billionaire

Nagpanggap din siyang ang doktor na pinagkunan niya ng login details para masertipikahan niya ang kanyang sarili na patay na nga siya.

Batay naman sa mga dokumentong nakasumite sa korte, inamin din ni Jesse na ilegal niyang napasok ang iba pang websites na pinatatakbo ng States of Arizona at Vermont, gayundin ang GuestTek Interactive Entertainment and Milestone, Inc., at nagawa niyang ilista ang sarili na patay na sa iba’t ibang database ng US government.

Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours

Sa inihain niyang plea agreement, sinabi ni Jesse na nagawa niya ang mga krimen dahil gusto niyang makaiwas sa pagbabayad ng child support sa kanyang dating asawa.

Ayon sa bahagi ng plea agreement ni Jesse sa korte: “He completed a State of Hawaii Death Certificate Worksheet, and then, on January 21, 2023, the Defendant assigned himself as the medical certifier for the case and certified that case.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“He applied a digital signature for [the physician], providing his name, title, and license number. This resulted in the Defendant being registered as deceased in many government databases.”

Ang higit na nagpabigat sa mga kaso ni Jesse, inamin niyang na-hack din niya ang iba pang private business, governmental, and corporate networks gamit ang mga credentials na ninakaw niya mula sa ibang tao.

Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away

Photo of a hacker

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: 112-year-old menus for first- and third-class passengers of Titanic

Tinangka rin niyang ibenta ang kanyang pag-access sa iba’t ibang networks sa online buyers, hanggang matukoy siya ng mga awtoridad.

Noong March 29, umamin si Jesse sa korte na guilty siya sa “one count of computer fraud and one count of aggravated identity theft.”

Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband

Batay sa plea agreement, kinakailangan niyang magbayad sa mga private companies at government networks ng tig-US$79,000 o PHP4462789.

Pinagbabayad din siya ng korte ng halagang dapat niyang isuporta sa kanyang dating asawa.

Pumayag din si Jesse na isuko ang kanyang electronic devices na ginagamit niya sa pangha-hack.

Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kagustuhang huwag magbigay ng suporta sa kanyang ex-wife, pinalabas ni Jesse Kipf na patay na siya sa pamamagitan ng pag-access sa death registry system ng Hawaii. Siya rin ang lumagda sa kanyang death certificate gamit ang digital signature ng isang doktor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results