Lumikha ng ingay sa football scene ng Peru si Osama Vinladen, na nakilala hindi lang dahil sa husay niya sa paglalaro kundi dahil na rin sa kanyang pangalan—Osama Vinladen Jimenez Lopez.
Ang 22-year-old football player ay naglalaro sa Peruvian first division football league.
Unang beses na naging usap-usapan ang kanyang pangalan ay noong 2017 matapos siyang maging bahagi ng under-15 category ng national football team ng Peru.
Read: Meet 19-year-old Livia Voigt, world’s youngest billionaire
Naging professional football player naman siya noong 2018 nang kunin siya ng Union Comercio, isang second-division club.

Last year, nakapasok ang Union Comercio sa first division, at muling naging usap-usapan ang pangalan ni Osama Vinladen dahil sa progreso ng kanyang team.
Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours
Sa kabila naman ng hindi magandang reputasyon ng kanyang kapangalang si Osama bin Laden, ang founder ng terrorist group na al Qaeda at responsable sa September 11, 2001 terror attack sa America, wala raw problema rito si Osama Vinladen.
Kuwento niya sa panayam ng Marca, isang Spanish newspaper, ang isa niyang kapatid na lalaki ay pinangalanang Saddam Hussien, namesake ng dating leader ng Iraq na si Saddam Hussein.
Mapapansin na bagaman at katunog ang mga pangalan ng magkapatid ng mga controversial figures, may bahagyang pagkakaiba sa spelling.
Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away
Gusto rin sana ng kanyang ama na pangalanan ang kanyang bunsong kapatid ng George Bush, ang presidente ng America nang maganap ang September 11, 2001 terror attack at nagpadakip kay Iraqi Saddam Hussein.
Pero hindi nangyari ito dahil babae ang kanilang naging bunso.
Read: VIRAL: 112-year-old menus for first- and third-class passengers of Titanic
Dagdag pa ni Osama Vinladen, “When Osama Bin Laden knocked down the Twin Towers, the name was in the news, and I was born on October 7, 2002.
“I think my father liked it.”

Aminado naman siya na may mga pagkakataon na gusto niyang palitan ang pangalan.
Pero nakasanayan na raw niya ito, “There is much more to a person than their name, and I hope people understand that as well.”
Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages
Ibinahagi rin niya na sa Peru ay may tao na ang pangalan ay Hitler.
Paliwanag pa ni Osama Vinladen, “Jesus saved the world and there are Jesuses who do harm.
“Because there is an Osama who killed people, I don’t think there has to be a law about the name.”
Read: Man creates own fake death certificate to avoid child support obligation
May anak na rin si Osama Vinladen, pero ang pangalang pinili niya ay Santiago, na karaniwang pangalan ng lalaki sa Peru.
Pagtatapat pa ni Osama, gusto sana ng kanyang ama na pangalanan ang apo ng George Bush, pero siya ang nasunod.
Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband
