PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lady Foils Male Scammer's Gay Husband Ruse

Mukhang mas shookts si male scammer sa revelation ni lady.
by KC Cordero
Published Apr 15, 2024
Hand holding a smartphone
Sinakyan ng babae ang rebelasyon sa kanya ng lalaking scammer na bakla ang kanyang mister at may relasyon ang dalawa. Sa palitan ng messages, komento ng netizens, mas mahusay magpasakay ang babae kaysa sa scammer.

Ibinahagi ng isang X (formerly Twitter) user kung paano siya sinubukang ma-scam ng isang lalaki sa WhatsApp.

Ang WhatsApp ay isang instant messaging and voice-over-IP service na pag-aari ng Meta—ang may-ari rin ng Facebook at Instagram.

Sa kanyang tweet noong April 9, 2024, sinabi ng X user na may handle na @Salemschild_ na isang lalaking nagpakilala sa pangalang Ahmed ang nagbunyag na gay ang kanyang mister.

Read: Meet Osama Vinladen: Professional football player from Peru

Ayon sa message ni Ahmed, medyo awkward daw ang sasabihin nito, pero baka hindi aware si @Salemschild_ sa sexual orientation ng kanyang husband.

Tanong ni @Salemschild_ kay Ahmed, ano ang point ng pagtatapat nito sa kanya?

Hand holding a phone

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Ahmed, gusto nito ng paglilinaw at para matapos na ang walang kapararakang pagpapanggap ni Habib, ang mister ni @Salemschild.

Deklara ni Ahmed, magdyowa sila ni Habib sa loob na ng dalawa at kalahating taon.

Pero hindi umano nito alam na may asawa si Habib, at natuklasan lang nito ang marital status ng karelasyon nitong February 2024.

Sinabi rin ni Ahmed na wala itong isyu kay @Salemschild_.

Hindi rin umano ito gagawa ng eksena o drama.

Read: Lalaki pineke ang death certificate para makaiwas sa pagsuporta sa misis

Paratang pa ni Ahmed, sa tingin nito ay walang pakialam at hindi bothered si @Salemschild_ kung gay ang mister.

Hindi umano nito mapaniwalaan ang disposisyon ni @Salemschild_.

Sagot ni @Salemschild_, nagsususpetsa naman siyang gay nga ang kanyang mister.

Tinanong din niya kung paano natuklasan ni Ahmed ang tungkol sa kanya, at kung nagkuwento ang kanyang "mister" tungkol sa kanya.

Sagot ni Ahmed: "Actually not via social. His car had a payment slip of sorts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpaka-detective umano si Ahmed, at mula sa payment slip ay natukoy nito si @Salemschild_.

Read: Couple exchange "I do" at the moment total eclipse happened

Sagot naman ni @Salemschild, nagpapasalamat siya at nag-reach out sa kanya si Ahmed.

Sa wakas aniya ay madi-divorce na niya ang kanyang mister at sasama na siya sa kanyang boyfriend.

Sambit pa niya, nasa pangalan naman niya ang bahay, kotse, at pera nilang mag-asawa.

Isa aniyang relief para sa kanya ang mga ipinagtapat ni Ahmed. Natapos na rin sa wakas ang mga pagpapanggap.

Read: Meet 19-year-old Livia Voigt, world’s youngest billionaire

Nang tanungin ni @Salemschild_ si Ahmed kung ano naman ang nararandaman nito, na-relieve din umano ito.

Sa huli, sinabi ni @Salemschild kay Ahmed na hanga siya sa pagmamalasakit nito sa kanya.

Saka niya sinabing na-diagnose ang kanyang "mister" ng HIV o AIDs kaya nagkaroon sila ng issues.

Ito rin aniya ang dahilan kaya nakatagpo siya ng solace sa ibang lalaki. Nag-iba na aniya ang kanilang sitwasyon ni Habib mula noon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours

Papuri pa ni @Salemschild_ kay Ahmed, "But you're so brave for not caring about this and being with him regardless."

Dito ay ibinahagi ni @Salemschild_ sa X ang screenshots ng palitan nila ng mensahe ni Ahmed.

May malaking twist sa kuwento, at mababasa ito sa tweet ni @Salemschild_.

Nilagyan niya iyon ng caption na: "Weirdest shit happened. Someone got my number from idk [I don’t know] where.

“Thought my last name was my husband's and tried to tell me he was gay.”

Aniya, apelyido iyon ng kanyang ama.

Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away

Screenshot of tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro pa ni @Salemschild_, “Being told my 70-year-old very strict military dad is gay wasn't on my list for 2024. So I figured I'd humor him.”

Ang tweet ni @Salemschild_ ay nakakuha na ng mahigit 241K views at 2.2K reactions.

Komento ng netizens, mas mahusay magpasakay si @Salemschild_ kumpara sa scammer.

Pag-uusisa naman ng isang netizen, “What happened after that? You stopped at the most intense part of the conversation.”

Sagot ni @Salemschild_, hindi na nakapag-reply pa si Ahmed.

Blocked na rin ito sa kanya.

Read: VIRAL: 112-year-old menus for first- and third-class passengers of Titanic

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinakyan ng babae ang rebelasyon sa kanya ng lalaking scammer na bakla ang kanyang mister at may relasyon ang dalawa. Sa palitan ng messages, komento ng netizens, mas mahusay magpasakay ang babae kaysa sa scammer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results