Hindi inakala ni Leonardo Muylaert, 36, ng Brazil na ang pag-attend niya sa ginanap na 2022 Comic-Con convention sa Sao Paulo ay magpapabago sa kanyang buhay.
Kasama niya noon ang kanyang girlfriend para magbakasyon.
Habang nakapila, isang estranghero ang kinunan siya ng video.
Ayon dito, kamukha ni Leonardo si Clark Kent, ang bida sa comic book na Superman ng DC Comics.
Read: Meet Osama Vinladen: Professional football player from Peru

Ang video ni Leonardo ay ini-upload ng comic fan sa TikTok, at nag-viral.
Read: Design of train station in China, inspired by plum blossom or giant sanitary pad?
Wala namang kaalam-alam si Leonardo sa biglaang pagsikat niya sa social media.
Isa siyang civil rights lawyer.
Nalaman lang niya sa isa niyang kaibigan na isa na pala siyang online sensation, at tinaguriang “The Brazilian Superman.”
Read: Man creates own fake death certificate to avoid child support obligation
BUMILI NG COSTUME NI SUPERMAN
Ani Leonardo sa isang panayam ng AFP, natatawa siya kapag nababasa niya na maraming tao ang nagsasabing kamukha niya ni Superman.
Isang idea rin kanyang naisip—ang bumili ng old-fashioned costume ni Superman.
Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay
Nag-order siya online, at nang dumating, isinuot niya iyon at nagsimula siyang maglibot sa Brazil bilang si Superman.

Pero hindi lang para magpapogi ang kanyang plano, o kaya ay para mas lalong sumikat sa social media.
Bumibisita si Leonardo sa mga ospital, eskuwelahan, at mga charitable institutions para libangin ang mga maysakit, matatanda, at mga bata.
Nagpapa-picture siya kahit kanino—at nagpapakita ng kabaitan sa mga tao.
Ibinabahagi niya sa social media ang kanyang mga activities.
Read: Employee asked by former employer for laptop password 6 months post-termination; netizens react
Ang kanyang videos ay nai-share din ng Guardians of the Galaxy filmmaker na si James Gunn, ang director ng bagong Superman movie.
Nagsisilbi namang Lois Lane, ang love interest ni Superman sa comic book story, ni Leonardo ang kanyang girlfriend na si Helenise Santos.
Si Helenise ang nagso-shoot at nag-a-upload ng kanyang videos.
Read: "World’s Narrowest House" built to spite neighbor
MOTIVATED NA IPAGPATULOY ANG PAGIGING SUPERHERO
Nang bumisita si Leonardo kamakailan sa National Institute of Traumatology and Orthopedics, isang public hospital sa Rio de Janeiro, tuwang-tuwa ang mga pasyente at staff ng ospital sa kanya.
Namigay rin siya ng pasalubong sa mga batang pasyente.
Sa kanyang height na 6’ 7” ay para talagang nakakita ang mga ito ng tunay na superhero.
Read: Largest frogs on Earth at risk of extinction
Ayon kay NITO research coordinator Rodrigo Cardoso, ang presensiya ni Leonardo ay sapat para magpangiti sa mga pasyente at iba pang tao sa ospital.
Aniya, “It gives everyone a break, and new energy to deal with our intense routine."

Bago naman natuklasan ni Leonardo ang kanyang superhero calling, nag-aral siya sa America sa ilalim ng basketball scholarship program.
Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert
Para sa kanya, kapag suot niya ang kanyang red and blue suit, nawawala ang pagod at stress na hatid ng kanyang trabaho.
Dagdag pa niya, dahil sa mahabang oras niya sa opisina, kung minsan ay nakakalimutan na niya ang makisalamuha sa mga tao.
“Serving the community fills that void. And all the incredible feedback I've gotten from people on social media motivates me to keep going.”
Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300
