Nagbakasyon ang couple na sina Rene at Lynda Remund ng Florida, USA, sa Switzerland noong September 2023.
Seventy-one years old si Rene; 65 naman si Lynda.
Pagbalik ng couple mula sa pagbabakasyon, gayun na lang ang gulat nila nang dumating ang phone bill mula sa T-Mobile, ang kanilang service provider.
Read: Couple requires wedding guests to give cash gifts

Read: Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package
Ang T-Mobile ang brand name na ginagamit ng ilang mobile communication subsidiaries ng German telecommunications company na Deutsche Telekom AG.
Ginagamit ito sa Czech Republic (T-Mobile Czech Republic), Poland (T-Mobile Polska), at sa United States (T-Mobile US).
Ang kabuuan ng kanilang nakakaiyak at nakakalulang babayarang phone bill: US$143,442.74 o PHP8,254,914.52.
Read: Design of train station in China, inspired by plum blossom or giant sanitary pad?
COUPLE 30 YEARS NANG SUBSCRIBER NG T-MOBILE
Ayon sa ulat ng ABC Action News noong April 18, 2024, ang napakalaking phone bill ay nag-ugat sa paggamit nina Rene at Lynda ng mobile data habang nasa ibang bansa.
Si Rene ay loyal costumer ng T-Mobile.
Thirty years na siyang subscriber ng naturang communication company.
Bago umano sila bumiyaheng mag-asawa, nag-inform siya sa T-Mobile tungkol sa biyahe at sinabing gagamit siya ng mobile data.
Ayon kay Rene, sumagot umano ang T-Mobile, “They said you're covered. Whatever that meant.”
Yun nga lang, pag-uwi nina Rene at Lynda sa US ay natuklasan nila ang napakalaking phone bill gayung nakakonsumo lang sila ng napakaliit na 9.5 gigabytes ng data sa kanilang three-week vacation.
Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay

Read: Meet Osama Vinladen: Professional football player from Peru
Kung susumahin, nag-charge ang T-Mobile ng nakaka-shock na US$6,000 (PHP345,402) per day for data usage.
Ang five to ten gigabytes data ay considered average for one month sa subscribers ng T-Mobile.
Pero sa pangyayaring ito, ang nagpamahal ay ang roaming data na nagkakahalaga ng thousands of dollars kada araw habang nasa Switzerland ang mag-asawa.
Read: Man creates own fake death certificate to avoid child support obligation
COUPLE NAGHAIN NG DISPUTE
Agad tinawagan ni Rene ang T-Mobile.
Pinaghintay siya ng nakausap niyang representative habang nire-review nito ang charges.
Nang magbalik umano sa linya ang nakausap niya, sabi nito sa kanya, “'No, this is a good bill.’”
Tanong niya rito, “What do you mean it's a good bill?”
Sagot nito sa kanya, kung ano ang nakalagay sa bill, yun ang kanyang babayaran.
Hindi umano makapaniwala si Rene at nasabi na lang niya sa representative na, “You're kidding me?”
Naghain sina Rene at Lynda ng dispute sa T-Mobile, pero wala silang natanggap na reply mula sa kumpanya.
Kumuha na rin sila ng abogado para matulungan silang i-challenge ang napakalaking phone bill.
Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours
MEDIA NAKATULONG SA COUPLE PARA UMAKSYON ANG T-MOBILE
Nang ibalita na ng iba’t ibang media outlets ang pangyayari, tumugon na kina Rene at Lynda ang T-Mobile.
Sinabi ng kumpanya na ang babayaran na lang ni Rene ay ang kanyang regular monthly bill.
Pero ipinaliwanag din ng T-Mobile na dahil old plan ang subscription ni Rene, hindi sakop ang international roaming for data and calling kaya siya na-charge ng malaki.
Ang insidenteng ito ay isang paalala sa mga bibiyahe sa ibang bansa na dapat maunawaang mabuti ang data-roaming fees.
Kailangan din na maging maingat at i-activate ang airplane mode kung hindi ginagamit ang phone.
Mag-connect din sa Wi-Fi lalo na kung ang inyong local plan ay hindi sakop ang international data coverage.
Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away
