PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Success! Japanese boy reconstructs shredded 10K yen bill

Nabuo after three weeks.
by KC Cordero
Published Apr 23, 2024
Screenshot of the shredded 10,000 yen bill
Tinanggap ni Tomo ang challenge ng kanyang ama na kapag nabuo niya ang pira-pirasong 10K yen ay kanya na lang iyon. Ang 10,000 yen o isang lapad ay nagkakahalaga ng PHP 3,713.73.

Three weeks ang ginugol ng isang Japanese boy para lang mabuo ang mga piraso ng 10,000 yen bill na aksidenteng nailagay sa paper shredder.

Ang 10,000 yen bill ay katumbas ng US$65 o PHP 3,713.73.

Ito ang tinatawag na “lapad” ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Japan.

May sukat ito na 150 millimeters by 76 millimeters.

Mas maikli ito ng 10 millimeter sa pera sa Pilipinas, pero mas malapad ng 10 millimeter, thus, the term lapad.

Photo of 10K yen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PARANG JIGSAW PUZZLE LANG

Ang pagkakabuong muli sa pira-pirasong 10,000 yen bill ay ibinahagi ng X (formerly) Twitter user na si Tomo.

Naging parang jigsaw puzzle na bubuuin ang pera matapos itong aksidenteng mailagay sa paper shredder.

Ayon kay Tomo, isa ito sa pinakamahirap na puzzle na nabuo niya.

Read: Couple travels to Switzerland, charged with PH8M phone bill

Ilang buwan na ang nakalilipas, nailagay ng kanyang ama ang isang lumang envelope sa shredder habang nasa trabaho ito.

Ang masaklap, nakalimutan nito na may laman iyon na 10,000 yen bill.

Nang ma-realize nito ang naging pagkakamali, iniuwi nito ang lahat ng laman—na iba’t ibang klase ng papel na hiwa-hiwa—ng waste basket na galing sa shredder.

Screenshot of the shredded 10,000 yen bill

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating sa bahay, sinabi nito kay Tomo na kung mabubuo niya ang na-shred na pera at mapapapalitan sa bangko, kanya na lang iyon.

Mahilig sa jigsaw puzzle si Tomo.

Pagkakita niya sa bunton ng mga pira-pirasong papel, alam niyang kahit ang mga avid jigsaw puzzle enthusiasts ay mahihirapan sa challenge.

Pero buong pusong tinanggap ni Tomo ang hamon.

Read: Meet Leonardo Muylaert: The Brazilian Superman

ANG NAGING DISKARTE PARA MABUONG MULI ANG PERA

Middle of February 2024 ay sinimulan na ni Tomo ang pagbubuo sa pira-pirasong pera.

Una ay hinanap muna niya sa bunton ng mga hiwa-hiwang papel ang mga bahagi ng 10,000 yen.

Screenshot of the shredded 10,000 yen bill

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakadagdag sa hirap ng ginagawa niya na may mga parts ng pera na mas mapusyaw ang kulay kaya mapagkakamalang ordinaryong papel.

Hindi rin niya masisiguro kung makikita pa niya ang lahat ng piraso.

Para mabigyan ang kanyang sarili ng mas malaking tsansa na mabuo ang puzzle, kumuha si Tomo ng isa pang 10,000 yen bill at isinilid sa isang piraso ng transparent plastic para gamitin bilang reference.

Screenshot of the shredded 10,000 yen bill

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag may na-recognize siyang piraso ng shredded bill, ipinapatong niya iyon sa bagong bill para ma-monitor ang kanyang progress.

Nahirapan din si Tomo na analisahin kung saang parte ng bill ang puwesto ng bawat piraso na kanyang natatagpuan.

Read: Couple requires wedding guests to give cash gifts

POLICY NG BANGKO SA JAPAN SA PAGPAPALIT NG DAMAGED BILL

Last March 31 ay ibinahaging muli ni Tomo sa X ang larawan ng partially reconstructed bill.

Aniya, iyon na ang best na kaya niyang gawin.

Hindi iyon perpekto. May mga nawawala pang piraso lalo na sa bahagi na mas maputla ang kulay.

Ang iba namang piraso ay hindi na maayos ang kondisyon.

Kung hindi man niya makumpleto ang lahat ng parte ng 10,000 yen bill, pinanghahawakan naman ni Tomo ang mga specific policy ng Bank of Japan kapag magpapapalit ng damaged bills.

Kung mahigit sa two-thirds ang natitira sa perang papel, maaari itong palitan ng katumbas na halaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalahati naman ng halaga ang magiging kapalit kung ang natitirang bahagi ay nasa pagitan ng two-fifth at two-third.

Kung wala pa sa two-fifth ng banknote ang natitira, hindi na ito maaaring palitan.

Isa pang mahalagang criteria, dapat na ang mga piraso ay nanggaling sa iisang banknote, at kitang-kita pa rin ang unique number nito.

Read: Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package

JAPANESE BOY DID IT

Dinala ni Tomo ang nabuo niyang 10,000 yen sa Bank of Japan last March 29.

Inabot din ng ilang araw ang ginawang pagsusuri ng bangko sa mga piraso ng bill bago inaprubahang puwede itong palitan.

Last April 13, ibinalita ni Tomo sa kanyang social media followers na nakatanggap siya mula sa bangko ng 10,000 yen kapalit ng kanyang “jigsaw puzzle.”

Screenshot of Tomo's tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang amount ay ipinasok ng bangko sa kanyang online bank account.

Nagbahagi rin siya ng screenshot ng bank transfer.

Pinasalamatan naman niya ang bangko sa matiyagang pag-aasikaso sa kanya.

Ang tweet ni Tomo ay nakakuha ng 6,952 reposts, 930 quotes, 75K likes, at 6,465 bookmarks.

Pinuri naman siya ng netizens dahil sa kanyang tiyaga, diskarte, at determinasyon.

Karamihan sa mga ito ay nagsabing kung sa kanila ibinigay ang challenge, baka kahit buong taon ang gugulin ay hindi kayang buuin ang pira-pirasong pera.

Read: Design of train station in China, inspired by plum blossom or giant sanitary pad?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinanggap ni Tomo ang challenge ng kanyang ama na kapag nabuo niya ang pira-pirasong 10K yen ay kanya na lang iyon. Ang 10,000 yen o isang lapad ay nagkakahalaga ng PHP 3,713.73.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results