Ginamit ni Matthew David Keirans ang identity ni William Donald Woods sa loob ng 35 taon.
Si Matthew, 58, ay empleyado ng University of Iowa Hospital.
Ang paggamit niya sa pangalan ni William ay nagsimula noong 1988 matapos niyang mag-resign bilang hotdog cart vendor sa Albuquerque, New Mexico.
Nakatrabaho niya roon ang totoong William.
Ang pakilala niya sa sarili sa mga taong nakakakilala niya mula noon ay siya si William Donald Woods.
Read: Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package
Year 1990, nakakuha si Matthew ng pekeng Colorado identification card gamit ang pangalan at birthday ni William.
Nang sumunod na taon, nakabili siya ng kotse gamit pa rin ang pangalan ni William, at nagbayad ng dalawang tseke.
Eventually, tumalbog ang mga tseke.
Para matakasan ang ginawang krimen na pag-iisyu ng tsekeng walang pondo, inabandona ni Matthew ang biniling kotse pagdating niya sa Idaho.
Inilabas din niya ang lahat ng pera sa bangko gamit ang ATM para mangibang lugar.
Naglabas ang mga awtoridad ng arrest warrant laban kay Matthew sa pangalan ni William, pero batay sa mga dokumento mula sa korte ay hindi malinaw kung nae-enforce talaga ito.
Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur
MATTHEW CONTINUES USING IDENTITY OF WILLIAM
Nanatiling at large si Matthew gamit ang pangalan ni William.
Nagkaroon siya ng asawa noong 1994, at nagkaroon ng anak na ang ibinigay niyang last name ay Woods.

Pagsapit ng 2012, naisagad ni Matthew ang pagnanakaw sa identity ni William nang ilegal siyang nakakuha ng kopya ng birth certificate ng huli sa state of Kentucky.
Kung paano, gumamit siya ng mga impormasyon tungkol sa pamilya Woods na nakita niya sa Ancestry.com.
Noong 2013, lumipat si Matthew sa eastern Wisconsin at nagtrabaho sa Information Technology department ng University of Iowa Hospital.
Mula 2016 hanggang 2022, nakakuha siya ng car loan para sa iba’t ibang sasakyan, bukod pa ang personal loans na may kabuuang US$200,000 sa ilalim pa rin ng pangalan ni William.
Read: Meet Leonardo Muylaert: The Brazilian Superman
WILLIAM, OWNER OF IDENTITY, WAS LEFT HOMELESS AND PENNILESS
Samantala, noong 2019 ang tunay na William ay naging homeless sa Los Angeles.
Naobserbahan niyang patung-patong ang kanyang utang sa kanyang credit card—gayung wala naman siyang inuutang.
Nagpunta siya sa bangko para ipaliwanag ang kanyang predikamento.
Isang babaeng empleyada ang nakausap niya.
Nagtanong ito ng mga security questions—na hindi niya masagot dahil si Matthew ang nag-provide niyon sa bangko.
Ipinakita ni William sa empleyada ang kanyang Social Security card at isang Identity Card, na parehong nag-match naman sa nasa file ng bangko.
Pero dahil ang phone number ni Matthew ang nakakonekta sa accounts, nang tawagan ito ng bangko ay nasagot nito ang mga security questions.
Dahil ang protocol ng bangko ay kung kaninong phone number nakakonekta ang pangalan, ito ang ituturing na totoong William Donald Woods—na sa kasong ito ay si Matthew.
Gayun na lang ang panlulumo ni William.

Iniulat naman ng bangko sa Los Angeles Police Department ang insidente, at ibinigay sa mga awtoridad ang phone numbers ng dalawang William Donald Woods.
Nang tawagan ng pulisya ang dalawang William Donald Woods, nagpadala si Matthew sa mga ito ng na-obtain niyang Social Security card, birth certificate, at Wisconsin driver’s license.
At dahil homeless noong panahong iyon ang tunay na William Donald Woods, pinanigan ng mga pulis si Matthew.
Inaresto ng mga ito ang tunay na William at siya pa ang kinasuhan ng identity theft and false impersonation dahil ipinipilit niyang siya ang tunay na William Donald Woods.
Read: Design of train station in China, inspired by plum blossom or giant sanitary pad?
REAL WILLIAM JAILED, SENT TO MENTAL INSTITUTION
Noong 2020, ipinag-utos ng isang judge na si William ay hindi mentally competent para humarap sa paglilitis, at ipinadala siya sa isang mental hospital sa California.
Doon ay sumailalim siya sa psychotropic medication at iba pang mental health treatments.
Pagsapit ng 2021, makalipas ang 575 days sa mental institution, naghain si William ng “no contest plea” sa kasong identity theft.
Ibig sabihin, tinatanggap niya ang magiging hatol ng hukuman, pero hindi niya inaamin na guilty siya.
Nasentensiyahan siya ng dalawang taong pagkakabilanggo—kabilang na ang mga panahong inilagi niya sa mental hospital.
Taong 2022, nakalaya siya.
Inatasan naman siya ng korte na magbayad ng halagang hindi na binanggit kung magkano, at pinagbawalan na ring gamitin ang pangalang William Donald Woods.
Pero sa puntong ito ay lalong kumbinsido si William na may gumagamit ng kanyang identity.
Naramdaman niyang hindi niya kayang isuko na lang ng ganoon ang kanyang pangalan gaya ng utos sa kanya ng korte.
Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay
WHO IS THE REAL WILLIAM?
Nagsimulang lumapit ni Wiilliam sa iba’t ibang law enforcemen agencies.
Nagpatulong din siya sa Hartland Police Department na may hurisdiksyon sa tinitirahan ni Matthew.
Nakarating ang panawagan ni William sa University of Iowa kung saan nagtatrabaho si Matthew noong January 2023.
Naglunsad ang pulisya ng imbestigasyon sa pangunguna ni Police Detective Ian Mallory.
Hiningan ni Mallory sina Matthew at William ng kopya ng birth certificate.
Isinailalim din ang dalawa sa DNA testing.
Ang kanilang specimen ay ikinumpara sa DNA ng tatay ni William—dahil sa records ay lumalabas na ito rin ang “ama” ni Matthew.
Nang lumabas ang resulta, natuklasan kung sino sa dalawa ang nagsisinungaling.
Naisipan ni Mallory na isailalim ang dalawang lalaki sa DNA test matapos niyang ma-interview si Matthew noong July 2023.
Tinanong niya ito kung ano ang pangalan ng ama.
Ang naisagot ni Matthew ay ang pangalan ng real father nito.
Nang ipakita na ni Mallory kay Matthew ang resulta ng DNA test, hindi na ito tumanggi sa ginawang krimen.
Ang tangi na lang nasabi nito, “My life is over. Everything is gone.”
Isinalaysay na rin ni Matthew kung paano niya ginamit ang identity ni William sa loob ng 35 taon.

Inaresto si Matthew at sinampahan ng kaso dahil sa paggamit ng pekeng birth certificate at pagbibigay ng mga mga peke ring identification information.
Hindi pa nababasahan ng sentensya si Matthew, pero may posibilidad na makulong siya ng hanggang 30 taon dahil sa mga ipinagkaloob na maling impormasyon sa National Credit Union Administration-insured institution, at dalawang taon dahil sa aggravated identity theft.
Read: Convict argues he already served life sentence after dying briefly in hospital
IDENTITY OWNER PLANNING TO SUE LOS ANGELES CITY
Sa panayam naman kay William ng The Los Angeles Times last April 12, 2024, sinabi niyang pinag-iisipan niyang mag-file ng lawsuit laban sa Los Angeles City dahil sa ipinakulong siya sa kasong hindi naman niya ginawa.
Aniya, dapat magbayad ang lungsod sa mga panahong inilagi niya sa kulungan dahil ipinabilanggo siya nang walang sapat na dahilan.
Ikinuwento rin niya na noong nagtatrabaho pa sila ni Matthew sa hotdog cart ay nawala ang kanyang wallet, na sa tingin niya ay kinuha ni Matthew.
Kinompronta ng una ang huli.
Nang ambaan umano niya ng suntok sa mukha ay ibinalik ni Matthew ang wallet ni William, kaya hindi na niya sinapak.
Nang tingnan niya ang kanyang wallet, naroon naman ang kanyang Social Security card at birth certificate.
Ani William, hindi niya naisip na nagkaroon si Matthew ng idea na gamitin ang kanyang identity—na nagdulot sa kanya ng samutsaring problema.
Nakatira ngayon si William sa van ng isang kaibigan sa El Paso, Texas.
Magsisimula umano siyang muli para maibalik ang dating siya at ang kanyang identity na ninakaw ni Matthew.
Read: Employee asked by former employer for laptop password 6 months post-termination; netizens react
