Ang mga buto ng cat’s eye dazzle plant ay ibinibenta ngayon sa online market.
Maraming naghahanap nito dahil kung pagmamasdang mabuti, mukha itong cute na pusa—may mga mata, tenga, at bibig.
Iba’t iba rin ang kulay nito: merong white na may katernong pink o kung minsan ay orange at blue.

Mayroon ding pure white, pero mas attractive kapag may kahalong ibang kulay dahil mas defined ang pigura ng pusa.
Last April 17, 2024, isang Facebook user na may pangalang StorieSpot ang nag-post ng iba’t ibang larawan ng cat’s eye dazzle sa National Geographic Wild Planet.

Ang group na ito ay hindi affiliated sa National Geographic.
And just by looking at the photos, marami agad ang nagandahan sa naturang bulaklak.
Ang post ay nakakuha ng mahigit 80K likes at mahigit 100K shares sa Facebook.
Marami rin ang nagpahayag ng interes na makabili ng buto ng cat’s eye dazzle.
Read: Steve Jobs’s signed business card sold for PHP10M
CAT’S EYE DAZZLE’S SEEDS AVAILABLE ONLINE
Sa comments section, may mga nag-post ng mga links kung saan puwedeng makabili.
Available ang mga buto maging sa mga legit online stores gaya ng eBay at Etsy.
Ang presyo ay nagkakahalaga ng US$15 (PHP864.53) hanggang US$30 (PHP1,729.07) ang isang pakete.

Yun nga lang, makabili man ng “buto” ng cat’s eye dazzle, maitanim at mapatubo iyon sa inyong garden, hindi pa rin makikita ang bulaklak ng cat’s eye dazzle.
Bakit?
Inusisa ng Snopes, isang rumor and myth debunking site, ang craze tungkol sa cat’s eye dazzle.
Napag-alamang may iba’t ibang version ng mukhang pusang halaman sa Internet, pero walang ebidensiya na nag-e-exist talaga ang naturang halaman, maliban sa post ni StorieSpot sa Facebook.
Ngayong 2024 din lang nagkaroon ng entry sa Google ng tungkol sa cat’s eye dazzle.
Read: Man steals identity of former co-worker for 35 years; co-worker ends up in jail, mental institution
CAT’S EYE DAZZLE CREATED USING ARTIFICIAL INTELLIGENCE
Nadiskubre ng Snopes na ang cat’s eye dazzle ay hindi totoong halaman na korteng pusa ang bulaklak.
Nilikha lang ito gamit ang Artificial Intelligence o AI.
At dahil may nag-set up ng professional-looking online seed shops para magbenta ng mga buto nito, ibig sabihin ay mayroon talagang market para rito.
Kaya biglang nagsulputan ang mga mapagsamantalang scammers.

Maraming na-scam dahil sa pictures.
Ayon sa isang Reddit user, “This AI garbage [the cat’s eye dazzle] is all over social media [especially Facebook] and thousands of people eat it up thinking it’s real.
“I don’t know why it makes me angry, but it does.”
Mahirap tantiyahin kung ilang tao ang naloko ng nagbebenta ng mga buto ng cat’s eye dazzle.
Ayon pa rin sa isang Reddit user, bumili siya ng mga buto minsang lasing siya.
Nai-deliver naman sa kanya ang mga buto, na ang pakete ay may tag pa na cat’s eye dazzle.
Ngayon umanong wala na siya sa impluwensya ng alak, ayaw pa rin niyang itanim ang mga buto, dahil kapag hindi kamukha ng mga pusa ang magiging bulaklak, malamang na magpakalasing na naman siya sa realization na na-scam siya.
Read: Coffin car sold for PHP1.6M; registered, with license plate
SCAMMERS ON SOCIAL MEDIA
Isang nagkomento rin sa Reddit ang nagsabi na kasabay ng inorder niyang mga buto ng cat’s eye dazzle ay mga buto rin ng mga halamang pansy at petunia.
Interestingly, nang tumubo, lumaki at mamulaklak ang mga iyon, at napatunayan niyang hindi peke ang mga buto ng dalawang halaman.
Ang buto ng cat’s eye dazzle lang talaga ang peke.
Hindi niya masabi kung ang nagbenta ng mga buto ng cat’s eye dazzle ay aware na kasama sa mga items nito ang pekeng produkto—na malamang ay binili rin nito sa ibang reseller.
Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur
Sa loob ng mahabang panahon, gumagamit ang mga scammers ng Photoshop para marahuyo ang mga gullible plantitas and plantitos na bumili ng buto ng mga halamang namumulaklak at namumunga na hindi naman talaga nag-e-exist.
Ngayon, natutulungan ang mga scammers na ito ng AI para maitaas ang level ng kanilang ginagawang panloloko.
Ayon naman sa isang nagkomento, naakit din siya sa ganda ng bulaklak ng cat’s eye dazzle.
Pero unang tingin pa lang niya, alam niyang may mali dahil masyadong perfect ang mga larawan nito na nagkalat sa Internet.
Nang mag-research siya, kahit pa nakakapanood siya ng video ng mga nagtanim na ng buto, halata pa rin sa editing na may daya.

Hindi na ipinakita kasi ang pagsibol at paglaki ng halaman, gayundin kapag may suloy o sprout na ang magiging bulaklak.
Makikita na lang aniya na malalaki na ang mga bulaklak, at hindi ipinakita ang full shot ng halaman.
Paalala niya, laging iisipin na kapag ang isang item na ibinibenta ay too good to be true, malamang na isa itong scam.
Ayon naman sa Snopes, ang nagpakalat ng tungkol sa cat’s eye dazzle at pinagmumulan ng pambentang buto ay mga links mula sa China.
Read: Success! Japanese boy reconstructs shredded 10K yen bill
