Ibinahagi ng Reddit user na si Successful-Top3827 ang kanyang predikamento tungkol sa asawa noong May 3, 2024.
Ang Reddit ay isang American social news aggregation, content rating, and forum social network.
Ayon kay Successful-Top3827, ang kanyang misis ay may kaibigang psychic.
Ang psychic na ito ang nagsabi sa misis na nangangaliwa si mister.
Naniwala naman si misis.

Kuwento pa ni Successful-Top3827, nakilala niya ang kanyang misis na si Rhona noong nasa college pa lang sila.
Dahil sa educational attainment ng babae, inisip niyang mataas ang level ng common sense nito.
Nag-live in muna sila sa loob ng dalawang taon bago nagpakasal. Hindi na niya binanggit ang petsa kung kailan.
Sa araw ng kanilang kasal, nakilala ni Successful-Top3827 ang kaibigan ni Rhona na si Anna.
Noon lang niya ito nakita.
Nalaman din niyang isang manghuhula ang kaibigan ng kanyang misis.

Sa pagkakataon ding iyon, nag-offer si Anna na basahin ang guhit ng palad ni Successful-Top3827, na para sa kanya ay weird.
Sa isip-isip niya, bakit kailangang basahin nito ang kanyang kapalaran sa mismong araw ng kanyang kasal?
Nagpaubaya na lang siya.
Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours
MISIS NAGBAGO ANG PAG-UUGALI
May isa pang weird para kay Successful-Top3827.
Nasa construction business siya, pero may mga kakilala rin siyang manghuhula mula sa grupong kinabibilangan ni Anna.
Ang tawag aniya sa grupo ng mga ito ay “Roma.”
Napag-alaman din niyang bukod sa panghuhula, si Anna ay isang mananahi at nakabase sa New York City.
Bihira rin nitong dalawin si Rhona.
Aniya, sa pagkakatanda niya ay mga apat na beses lang niyang nakita si Anna mula nang ikasal sila ni Rhona—at ang pinakahuli ay noong Labor Day ng 2023.
Noon na rin niya naobserbahan ang maraming pagbabago sa kanyang misis.
“All of a sudden Rhona starts acting oddly,” pagbabahagi ni Successful-Top3827.
Mula noon, madalas na siyang puntahan ni Rhona sa kanyang trabaho, lalo na kapag late na siyang nakakauwi ng bahay.
Nakikigamit na rin ito ng kanyang smartphone dahil lagi raw low batt ang mobile device niya.
Sa tingin ni Successful-Top3827, pinagdududahan siya ni Rhona.
Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband
MISIS NANIWALA SA PSYCHIC NA MAY KARELASYON ANG MISTER
Hindi nagtagal, inakusahan na ni Rhona si Successful-Top3827 na mayroon itong affair.
Inisip ng mister na nagdo-joke lang ang misis.
Natawa umano nang malakas si Successful-Top3827, at sinabing wala siyang karelasyon.
Pero gayun na lang ang gulat niya nang sabihin ni Rhona na nahulaan din ni Anna na tatawa lang ang mister kapag kinompronta na nito tungkol sa kanyang secret affair.

Lalo siyang natawa.
Ipinaliwanag niya kay Rhona na ang konseptong mayroon siyang karelasyon ay “ridiculous” dahil sa kanyang work schedule.
Lagi rin silang magkasamang dalawa kapag wala siyang trabaho—kaya paano siya makakapagloko?
Dagdag pa ni Successful-Top3827, “And most important of all, I love my wife. I wouldn't do anything to harm her.”
Kaya naman paghihimutok niya, “And yet she takes the word of Anna the psychic seamstress over mine.”
Read: Famous conjoined twins Abby and Brittany make headlines again with Abby's wedding
MISTER INIWAN NG MISIS
Ang higit na ikinabigla ni Successful-Top3827, pinapalayas na siya ni Rhona sa kanilang bahay.
Tumanggi siya dahil wala siyang malilipatan.
Ang ginawa ng kanyang misis, ito ang umalis at tumuloy sa parents nito.
Nang puntahan niya ito ay nakaharap niya ang ama ni Rhona.
Napailing umano ang matandang lalaki—isang mannerism nito kapag may naoobserbahang isang bagay na “monumentally stupid.”
Para kay Successful-Top3827, ang reaction ng biyenan ay pagtataka rin dahil naniwala si Rhona sa psychic.
Sa loob ng ilang buwan ay sinikap ni Successful-Top3827 kumbinsihin si Rhona na wala siyang karelasyon.
Hindi naman aniya nakikialam ang pamilya ng kanyang misis sa kanilang pinagdaraanang mag-asawa.
Pero noong December 2023, araw ng Pasko, nagsalita na ang mga ito.
Ayon sa pamilya ni Rhona, nawala ito sa landas ng reyalidad—at ayaw nitong lumabas sa kakaibang mundong pinagkukulungan nito sa sarili ngayon.
Noon na-realize ni Successful-Top3827 na wala nang patutunguhan ang marriage nila ni Rhona.
January 2024 ay sinimulan na niya ang proseso para i-divorce ang misis.
Pagsapit ng April 2024, tumawag sa kanya si Rhona.
Gusto nitong magkausap sila.
Read: Husband ends 16-year marriage after learning sad truth: 4 kids are not his
PAMILYA NG MISIS UMUPA NG PRIVATE INVESTIGATOR
Sa kanilang pag-uusap ay nalaman ni Successful-Top3827 na nag-hire ang pamilya ng kanyang misis ng private detective para alamin kung totoong may karelasyon siya.
Anim na buwan siyang sinubaybayan ng private detective.
Wala itong nakuhang anumang ebidensya na siya ay may karelasyon.
Malaki rin ang binayaran ng mga ito sa private detective.
Suma-total, ani Successful-Top3827, “She finally believes me and wants to come home.”
Dito niya sinabi kay Rhona na hanggang July 2024 na lang ang renta nila sa inuupahang apartment, at plano niyang umuwi na sa Denver kung saan naroroon ang kanyang parents.
Ang gusto ni Rhona ay sumama sa kanya.
Magalang niyang tinanggihan ang hiling ng asawa: "I told her we just weren't right for each other.”
Pero pagtatapat ni Successful-Top3827, iniwasan na talaga niya si Rhona.
Natakot siyang magkaroon sila ng anak—na posibleng mamana ang tingin niya ay sayad sa utak ng asawa.
Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert
LAST-DITCH EFFORT NG PAMILYA NG MISIS I-SAVE ANG MARRIAGE
Nadismaya naman ang pamilya ni Rhona na itinuloy pa rin ni Successful-Top3827 ang kanyang planong i-divorce ang babae.
Ilang beses siyang kinausap ng mga ito.
Sa kanilang huling pag-uusap, nag-offer pa ang ama ni Rhona na babayaran nito ang 25 percent downpayment ng bahay na titirahan nilang mag-asawa.
Kailangan lang pumayag itong sumailalim sila ni Rhona sa marriage counseling sa halip na umuwi siya sa Denver.
Hindi napahinuhod siSuccessful-Top3827.
Na-depress aniya si Rhona sa kanyang desisyon, pero ayaw na niyang magtiwalang muli rito.
Aniya, “She is young enough she can marry again and wreck some other guy's life.”
Read: Mom resorts to desperate measures to stop son's wedding
NETIZENS PABOR LAHAT SA REDDIT USER
Ang post ni Successful-Top3827 ay nakakuha ng mahigit 2,400 comments.
Halos lahat ng mga ito ay sumang-ayon na dapat niyang ituloy ang pakikipaghiwalay kay Rhona.

Ayon sa isang nagkomento, mabuti na ring natuklasan niyang may sayad si Rhona bago sila nagkaanak.
Sambit naman ng isa, natapos na ang pagsasama nina Successful-Top3827 at Rhona the moment naniwala ang huli sa kaibigan nitong psychic.
Susog naman ng isa pa, nakadagdag sa argumento ni Successful-Top3827 ang katotohanang nakumbinsi ni Rhona ang parents nitong paimbestigahan siya, na isang indikasyong wala ring tiwala ang mga ito sa kanya.
Dagdag pa nito, ano pa raw kaya ang puwedeng paniwalaan ni Rhona kapag may nakita na namang panibagong “vision” ang kaibigan nitong pyschic.
Pasubali naman ng isa pa, bagaman at napakasama ng kaibigang psychic ni Rhona para akusahan siyang may karelasyon, nakatulong din ito para maaga niyang matuklasan ang kahinaan ni Rhona na madaling mapaniwala sa hula.
Sabi nga nito, “While your situation really sucks, at least you are now free from someone so easily influenced.”
Read: Man dead for 50 minutes, under coma for 5 weeks; gets second chance at life
