Naghahanap si Al Gilberti ng mapapangasawa.
Seventy years old na siya, single, at residente ng Sweetwater, Texas, USA.
Dati siyang band promoter, at tubong Burlington, Vermont.

Paglalarawan ni Al sa sarili, isa siyang “lonely male.”
Naghahanap siya ng babaeng naniniwala sa kasal na makakasama niya habambuhay.
Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband
SENIOR MALE LOOKS FOR THE ONE ON BILLBOARD
Old school ang approach ni Al sa paghahanap ng makakapareha.
Sa “kalsada” at hindi sa mga online dating sites siya nag-anunsiyo.
Nagpagawa siya ng billboard sign na inilagay sa isang west Texas town.
Ang billboard ay may taas na 20 feet.
Nakalagay roon ang larawan ni Al at ang kanyang panawagan sa mga babaeng naghahanap ng pag-ibig.
May isa siyang special requirement: Mahilig din sa karaoke.
At hindi cheap ang bayad ni Al sa billboard.
Ang renta niya rito ay US$400 o PHP22,971.40 kada linggo.
Read: Wife believes psychic's claim of husband's affair; marriage ends in divorce
INQUIRIES RECEIVED BY AL
Sa unang dalawang linggo matapos ma-install ang billboard, nakatanggap si Al ng mahigit 400 tawag sa telepono at 50 emails.
Marami aniya sa mga nag-i-inquire ay nag-iisip na mayaman siya.
Karamihan ay nag-aakalang may mapapakinabangan sa kanya.

Nauunawaan naman umano iyon ni Al.
Aniya, kung siya ang nasa katayuan ng mga ito, “I’d probably do the same.”
Nagkaroon ng asawa si Al, pero divorced na sila.
Mayroon silang isang anak.
Aniya, kapag ang nag-i-inquire sa kanya ay tungkol agad sa pera ang tinutumbok, hindi na niya ini-entertain.
Read: Woman kidnaps 11-year-old girl to be her son’s future wife
SENIOR MALE'S THE ONE
Ang tipo namang babae ni Al ay loyal, honest, at sincere.
Aniya, “I just want someone loyal. I want someone honest about themselves and someone sincere that’s going to be coming into something they really want to be in."
Hangga’t maaari sana, gusto rin niya na slim ang pangangatawan ng babae.
Pero pasubali niya, wala talaga siyang preference pagdating sa looks.
Pag naramdaman niya sa pusong yun na ang the one, go siya.
Sinabi rin ni Al na handa siyang maghanap ng makakapareha sa labas ng USA para lang matagpuan ang kanyang perfect match.
Ibinahagi niyang napagod na siya sa kakahanap kaya napilitan na siyang mag-rent ng billboard sa pagbabakasakaling makakita na siya ng mapapangasawa.
Noong 2015 pa kasi siya single.
Read: Famous conjoined twins Abby and Brittany make headlines again with Abby's wedding
Isinalarawan naman ni Al ang sarili bilang good listener.
Open-minded din umano siya.
Kung ang ibang senior citizens ay close-minded na, iba raw siya sa mga ito.
Hindi rin aniya siya mukhang 70 years old. Ang kanyang huling karelasyon ay mas bata sa kanya ng 26 na taon.
Kaya rin niyang buhayin ang kanyang mapapangasawa mula sa kanyang retirement income.
Read: Husband ends 16-year marriage after learning sad truth: 4 kids are not his
