PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman found squatting inside grocery signage

Nabuking dahil sa extension cord.
by KC Cordero
Published May 13, 2024
Photo of the grocery sign
Dahil sa extension cord, nabuking na ginawang parang sariling bahay ng babae ang isang grocery sign. Mayroon siyang higaan, sabitan ng mga damit, computer, printer, at coffee maker.

Na-curious ang mga contractors na gumagawa sa isang grocery store sa Midland, Michigan, USA, nang makita nilang may extension cord na nakasaksak sa isang outlet sa bubong ng Family Fare store.

Sinundan nila kung saan galing ang naturang extension cord, at natunton ang pinagmulan sa loob ng Family Fare signage.

Read: News anchor binuweltahan ang male viewer na pinintasan ang kanyang katawan at pananamit

Photo of the extension cord

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad

Gayun na lang ang kanilang gulat nang matuklasan nila na isang 34-year-old lady pala ang naninirahan sa loob ng signage nang walang kaalam-alam ang management maging ang mga empleyado.

Ang higit na nakagugulat, ang babae na hindi na pinangalanan ay may maliit na desk, computer, printer, at coffee maker.

Para kasing may attic sa likod ng Family Fare signage, at sapat ang sukat para makapag-stay ang babae roon at makapaglagay ng mga gamit.

Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue

HOMELESS LADY ONE YEAR NANG NAKATIRA SA GROCERY SIGNAGE

Noong April 23, 2024, nalaman ng mga awtoridad na may nakatira sa loob ng Family Fare sign.

Ayon kay Officer Brennon Warren ng Midland Police Department, homeless ang babae kaya pinili nitong doon manirahan.

Napakamot na lang umano sila sa ulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa imbestigasyon ng pulisya, natuklasan nilang mahigit isang taon nang naninirahan doon ang babae.

Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963

Photo of the grocery sign

Read: Lalaki natuklasan ang masakit na katotohanan sa pagbunot sa apat niyang ngipin

Ang signage structure na may taas na limang talampakan at lawak na walong talampakan ay may sariling pinto at maaari lang pasukin mula sa bubong ng gusali.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi rin ni Warren na sa pagsasaliksik ng pulisya, nakita nilang gumawa ang babae ng higaan.

Mayroon din itong mini-desk.

Dagdag pa ni Warren, “Her clothing. A coffee maker. A printer and a computer—things you’d have in your home.”

Aniya, nakakakuha ng power source ang babae sa pamamagitan ng extension cord na naka-plug sa isang outlet sa bubong.

Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies

Photo of the laptop and coffee maker

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paanong na-trauma sa lamok ang teener matapos sampalin ang toxic boyfriend

Wala naman silang nakitang hagdan kaya hindi masabi ng pulisya kung paano nakakaakyat at nakakababa ang babae.

Ani Warren, posibleng nakakarating sa bubong ng gusali ang babae sa pamamagitan ng pag-akyat mula sa likuran ng store o kaya ay sa mga katabing establisyemento.

Na-amaze din ang mga awtoridad kung paano nito nadala sa itaas ang mga gamit nito nang walang nakakapansin.

Hindi na rin nila ito inusisa kung paano ito nagbabawas at naliligo.

Read: Bomba na dekorasyon sa isang garden, may light charge pa pala

HOUSING PROGRAM PROBLEMA SA MIDLAND

Hindi na rin nagpaliwanag ang homeless lady kung paano ito nakakaakyat-baba sa ginawang pansamantalang tirahan.

Sinabi ng kinatawan ng SpartanNash, ang parent company ng Family Fare, na tumugon ang mga empleyado ng kumpanya sa kalagayan ng babae nang buong pagmamalasakit at propesyunalismo.

Ayon pa sa kinatawan, ang pagtiyak na may ligtas at abot-kayang pabahay ay nananatiling isang malawakang pangangailangan sa America.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Handa naman umano ang kumpanya na makiisa sa kanilang community para makatulong sa nasabing problema.

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot

Nang pakiusapan ng pulisya ang babae na dapat nitong iwan ang kasalukuyang tinutuluyan, agad naman itong sumang-ayon.

Hindi na rin ito sinampahan ng anumang kaso.

Nagbigay rin ng suhestiyon ang pulisya sa babae tungkol sa mga lugar sa area kung saan puwedeng mangupahan.

Humingi umano ito ng paumanhin at umalis dala ang mga gamit.

Ang Midland ay may populasyon na 42,000 katao.

Kapos ang lugar sa housing program para sa mga low-income residents, at ito ang dahilan kaya naglakas-loob ang babae na sa loob ng grocery signage manirahan.

Kung problema ang housing program sa mga mahihirap na bansang gaya ng Pilipinas, hindi rin naman pala naiiba ang sitwasyon kahit sa ibang estado sa U.S.

Dito sa atin, maraming nakatira sa mga ilalim ng tulay at tabing-ilog, o kaya ay sa mga kariton na ipinaparada lang sa mga kalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ng babaeng gumamit ng extension cord para makalibre sa kuryente, maiisip natin, paano nagkakaroon ang mga kababayan nating informal settlers ng supply ng tubig at kuryente.

You bet, meron din silang mga appliances sa kani-kanilang "tirahan."

Read: Son-in-law hindi welcome sa bahay ng biyenan, bakit kaya? Netizens pabor sa desisyon ng biyenan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa extension cord, nabuking na ginawang parang sariling bahay ng babae ang isang grocery sign. Mayroon siyang higaan, sabitan ng mga damit, computer, printer, at coffee maker.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results