Isang ginang na nakapangasawa ng milyonaryo ang nagbahagi sa Reddit na nagbabayad siya ng upa sa bahay nila ni mister.
Bukod sa pagbabayad ng upa, sinisingil din siya sa iba pang gastusin sa bahay.
Ang ginang ay nakilala sa username na OrigamiTorbie.
Kuwento niya sa kanyang post noong December 5, 2023, six years na silang kasal ng kanyang mister.

Bago sila nagpakasal ay nag-live in na rin sila sa loob ng 12 years.
Hindi sila nagkaroon ng anak sa loob ng 18 years nang pagsasama.
Pagbabahagi pa niya ay mayaman talaga ang kanyang mister, at nagretiro na ito.
Fifty years old na ito habang 47 naman si OrigamiTorbie.
Namana nito ang kayamanan mula sa inang pumanaw apat na taon na ang nakalilipas.
Sa loob ng halos dalawang dekadang pagsasama nila, sinabi ni OrigamiTorbie na buwan-buwan ay sinisingil siya ng mister sa upa at maging sa iba pang maliliit na gastusin.
Mayroon naman umano siyang ipon na nasa US$250,000 (PHP14,396,875), pero kailangan niyang madoble iyon para safe na ang kanyang future.
Iyon din ang dahilan kaya hindi pa siya makapagretiro sa trabaho.
Idinetalye rin ni OrigamiTorbie na nagtatrabaho siya nang 40 oras sa loob ng isang linggo habang ang kanyang mister ay nasa bahay lang.
Mahilig ang kanyang mister sa mga magastos na hobbies, gaya ng golf and sailing.
Madalas din itong magbiyahe—nang hindi siya kasama.
Read: Husband discovers wife is a male 12 days after wedding
WIFE AND HUSBAND SHARE EXPENSES
Nang una niyang makilala ang mister, pareho silang nagtatrabaho noon at kumikita ng halos US$40,000 (PHP2,303,500) a year.
Umpisa pa lang ng kanilang pagde-date, napagdesisyunan na nilang maghati sa mga gastusin.

Ani OrigamiTorbie, “He had a couple of bad experiences dating women who he said wanted him to support them, so we agreed to always split expenses 50/50, and to never share finances.”
Kalaunan, nagdesisyon silang magsama na, at tuloy pa rin ang kanilang naging unang kasunduan.
“We lived quite happily in rented properties for most of our relationship, splitting the rent, gas, internet, etc.”
Ang naging share niya rito ay nasa US$1,200 (PHP69,105).
Dagdag pa ni OrigamiTorbie, “We kept our bank accounts separate, and even went so far as to grocery shop for our items separately.”
Read: Wife upset about engagement ring gifted by husband
HUSBAND INHERITS MILLIONS OF MONEY
Gayunpaman, nabago ang takbo ng kanilang buhay nang mamatay ang ina ng mister ni OrigamiTorbie.
Ang maliit na negosyo pala ng ina ni mister ay malaki ang value.
May kapatid na babae ang kanyang mister, at napamanahan ang magkapatid ng tigwalong milyong dolyar.
Bumili ang kanyang mister ng bago at magandang bahay.
Nang tumira sila roon, inisip ni OrigamiTorbie na hindi na siya magbabayad ng renta.
Pero laging gulat niya nang mas tinaasan pa ng kanyang mister ang upa: mula US$1,200 (PHP69,105), naging US$1,800 (PHP103,657.50).
Tumaas na raw kasi ang utilities at property taxes.
Kaya napilitan pa rin si OrigamiTorbie na ituloy ang pagtatrabaho.
Read: Senior male looks for “the one” via billboard
HUSBAND'S MORE RELAXED LIFESTYLE
Nang lumaganap ang pandemya at nag-work from home si OrigamiTorbie, naobserbahan niya ang marangyang pamumuhay ng kanyang mister.
Aniya, “He rarely rises before 11:00 a.m., then after a round of golf at the nearby course, he comes home, cooks a leisurely lunch, and spends his afternoon watching sports on TV.”
Lagi rin nitong kausap—nang malakas—sa telepono ang mga kaibigan para magplano ng mga gagawin pagsapit ng weekend na karaniwang ginagawa ng mayayamang retirees kaya ng boating and week-long getaways.
Hindi naman masabi ni OrigamiTorbie sa kanyang mister ang kanyang mga saloobin.
Ayaw niyang isipin nito na gusto niyang makibahagi sa minana nito—pero inamin niyang nalulungkot siyang hindi man lang ito nag-offer na ibahagi sa kanya ang naging magandang kapalaran.
Sambit ni OrigamiTorbie, “I guess my biggest fear is that once I've brought up the subject, I can't ‘put the cat back in the box,' and he'll think I just want his money and it will cause us to break up.
“But that's the furthest thing from the truth.
“I loved him for over a decade when we were both broke.”
Pagtitiyak pa niya, “To be honest, I just want back the life we had before he inherited all this money.
“We were so happy, and now he's the only one left in this relationship who's happy.”
Read: Husband divorces wife over psychic's lie about his affair
NETIZENS' ADVICE: LEAVE HIM.
Marami sa Redditors ang nakisimpatya kay OrigamiTorbie.
Ayon sa mga ito, mas lumalabas na landlord niya ang mister at hindi kabiyak ng puso.
Komento ng isa, kung siya ang nasa katayuan ni OrigamiTorbie ay ihihinto na nito ang pagbabayad ng renta.
At kung sakali umanong maghamon ng divorce ang mister ni OrigamiTorbie, tanggapin na lang dahil malinaw na wala itong pagmamahal sa puso.
Sambit naman ng isa, hindi marriage ang kinapapalooban ni OrigamiTorbie. Anito, “You have a roommate.”
Paliwanag ng nagkomento, ang isang mister ay ibinabahagi sa misis ang lahat sa buhay, gaya ng sabay na pagreretiro, pagbiyahe nang magkasama, paggawa ng mga desisyon—at magkasama sa hirap at ginhawa.
Pero dahil sa ginagawa ng mister ni OrigamiTorbie, para lang talaga silang roommate na may magkaibang buhay.
May nagpayo rin na sumailalim si OrigamiTorbie at ang kanyang mister sa marriage counselling para malaman kung anong uri ng relasyon meron sila.
Read: Woman kidnaps 11-year-old girl to be her son’s future wife
WIFE not interested in husband's inheritance
Kahit mahigit limang buwan na ang nakalilipas mula nang i-post ni OrigamiTorbie ang kanyang problema, nagpapasalamat siya na hanggang ngayon ay may mga netizens pa rin na nagbibigay ng payo sa kanya.
Noong mga panahong iyon, hindi niya raw alam ang gagawin—iiwanan ba niya ang mister at maghanap ng “more equal partner” para panatilihing buo ang kanyang dignidad?

Sumagi rin sa isip niya na baka puwedeng magkaroon sila ng mister ng panibagong deal, at tanggapin ang posibilidad na tuluyan na itong mawawala sa kanya dahil lang nagtanong siya rito ng panibagong set-up.
Iniisa-isa umano niya ang mga payo at malaki ang naitulong ng mga iyon sa kanya.
Aniya, “Every comment has been so kind and helpful. My faith in humanity is restored.”
At para umano masagot ang kadalasang tanong sa kanya kung interesado siyang makihati sa minana ng kanyang mister dahil kasal naman sila, ani OrigamiTorbie, wala siyang planong makiamot sa magandang kapalaran ng mister.
Deklara niya, “I don't want half his house or any of his inheritance.
“That's not who I am.”
Ang gusto lang umano talaga niya ay bumaba ang kanyang renta para mabilis siyang makaipon at makapagretiro nang maaga.
