PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thief disguised as blonde woman arrested

“He did make a pretty girl.”
by KC Cordero
Published May 16, 2024
Photos of Joshua Kolotka
Hindi nakalusot sa mga pulis ang pagbabalatkayo ni Joshua Kolotka, na naging isang blonde woman. Ang lalaki ay suspek sa maraming insidente ng pagnanakaw sa kanilang area.

Naaresto si Joshua Kolotka, 33, ng Lakeport, Florida, last April 24, 2024 habang nag-iimbestiga ang mga pulis sa naganap na nakawan sa Old Caloosa Lodge.

Habang sinusuyod ng mga pulis ang area, namataan nila ang isang blonde woman na nakasuot ng light blue dress at white cardigan.

Ang blonde woman ay nakasuot din ng malaking sports sunglasses.

Read: Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package

Photo of Joshua Kolotka disguising as a blonde woman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palabas na ito ng ng bahay nito na malapit sa lodge nang pigilan siya ng mga pulis.

Saka nila natuklasan na ang blonde woman ay isa palang lalaki.

Nalaman din nila na ito si Joshua, at naka-disguise lang na isang blonde woman.

Read: Tourist fakes heart attacks to escape paying bills in restaurants multiple times

JASON, TALAGANG PUSAKAL NA MAGNANAKAW

Agad inaresto si Jason at isinailalim sa kustodiya ng pulisya.

Sinampahan din siya ng kasong pagnanakaw ng bangka at ng John Deere Gator, isang all-terrain utility vehicle.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Glades County Sheriff’s Office sa official Facebook page nito last April 25, tinangka ni Joshua na tumakas sa pamamagitan ng pagbibihis-babae.

Screenshot of the Sheriff's office Facebook post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang halughugin nila ang bahay nito, may mga items pa silang nakita na posibleng ninakaw rin nito.

Ayon pa sa pahayag, published as is, “It should also be noted that numerous other items were located on-scene. These items were possibly stolen from the same area.

"The Glades County Sheriff’s Office is also working with the Seminole Police Department to identify some of the stolen items from other theft cases in that area."

Si Joshua ay mayroon nang dalawang warrants of arrest dahil sa kasong pagnanakaw.

Read: Woman turns grocery signage into her own home with bed, computer, coffee maker

“PRETTY” THIEF, AYON SA NETIZENS

Naglabas din ang Glades County Sheriff’s Office ng side-by-side photo ni Joshua.

Isa sa mga larawan ay nakabalatkayo siya na blonde woman, at ang isa naman ay mugshot na semi-kalbo ang kanyang gupit.

Pinuri ng mga residente sa lugar ang mga awtoridad sa pagkakasakote kay Joshua, at sa pagpapanatiling ligtas ng kanilang komunidad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkomento naman ang netizens tungkol sa ginawang pagdi-disguise ng kriminal bilang blonde woman.

Anang isang nagkomento, “He did make a pretty girl.”

Biro naman ng isa, kasalanan ng stylish ni Joshua kaya ito nabuko ng mga pulis—hindi raw kasi inahit ang mga balahibo sa kanyang legs.

Read: Nanny scammed by couple who left baby under her care

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nakalusot sa mga pulis ang pagbabalatkayo ni Joshua Kolotka, na naging isang blonde woman. Ang lalaki ay suspek sa maraming insidente ng pagnanakaw sa kanilang area.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results